Epilogue
Its been six months since I became a part of their band. Marami namang tumanggap sa akin na fans ng banda bilang kapalit ni Yuuri and I was so glad. I felt so happy everytime I perform with Clark on stage. Bukod sa may nirelease na bagong album ang banda three months ago ay nagkaroon agad ako ng solo album without them just a month ago. Masyado akong masaya nang mag offer sa akin ang agency at manager namin para sa sarili kong album. It was all my compositions and surprisingly, sold out lahat ng copies at most downloaded din sa music apps.
Backbeat, the word was on the street
That the fire in your heart is out
I'm sure you've heard it all before
But you never really had a doubt
I don't believe that anybody
Feels the way I do about you now
We're performing on Marcus' restaurant. Nagkaroon na rin kami dito ng regular gig at lumago na rin ang restaurant ni Marcus. Sa katunayan, may isa pa siyang branch na tinatayo sa Quezon city. I'm happy for the success of his business although I know he's going through something about his lovelife. Nakasuporta naman ako sa kaniya. We're on one circle of friends. When he needs a drink buddy, me and my bandmates are just one call away.
"Cheers!" Sabay sabay naming pinagdikit ang mga glass wine namin. Kami lang yata na grupo ang pinakamaingay dito sa restaurant ni Marcus. Time flies, really. Parang dati lang ay restaurant ko din ito.
"Ang daming ganap recently. Nagrelease ng bagong album ang banda, may single album na si Serene," pagkasabi niyon ni Harry ay napatingin silang lahat sa akin. "Magkakaroon ng bagong branch ang resto ni pareng Marcus, brokenhearted ngalang–"
"Shut up, Rodriguez." Marcus interposed.
"Tapos grumaduate si Jhanine at nagkatrabaho," and then we looked at Jhanine who's quietly eating her fries. Katabi niya si Patrick sa upuan. They're dating? No. They're good friends. Jhanine is currently dating her officemate. While Patrick is still single. "Si Patrick boring ang buhay dahil single pa rin. Hindi pa kasi niligawan si Jhanine noon."
"Grabe ka, Harry! Playboy kasi 'yan noong college. Alam mo na, gwapong-gwapo kasi." Iba ang pagkakabigas ni Jhanine ng gwapong-gwapo. Its not a compliment, more on insult. Nagtawanan kami.
"Single ka rin, Harry baka nakakalimutan mo." Sagot naman ni Patrick.
"Sige tol, tanggap ko. Single para makaipon sa future!"
"Sinasabi mo bang magastos kaming mga babae?" Pabiro kong tanong.
"Ano ba? Shopping dito, shopping doon."
"Okay, I'll shut up." Sabi ko nang maramdamang napatingin sa akin si Clark na katabi ko sa upuan. "Magastos ba ako, babe?" I asked him.
"Yes babe. Pero ayos lang, I want to spoil you." Kinilig ako doon kaya umiwas ako ng tingin.
"Nabawasan na rin ang madalas na pag away nina Steffie at Ves," Pagpapatuloy ni Harry. We looked at Sylvester and Steffie. Magkatabi sila at mahinang nag uusap. "Ehem! Share niyo naman pinag uusapan niyo!"
"Do you really want to know, Harry? Baka magsisi ka?" Tanong ni Ves na may mapanglokong ngiti sa labi.
"Oo nga. Do you guys really want to know? Kaso we're eating, eh." Dugtong naman ni Steffie.
"Hala, guys. Spg ba 'yan? Huwag na pala!" Nagtawanan naman kami sa lamesa lalo na sina Sylvester at Steffie. The S couple. "And what more... Serene and Clark are getting married!" Sila naman ang napatingin sa amin. Next week is already our wedding. Lampas kalahating taon din namin pinaghandaan ang kasal. Ang organizer namin ay si Trisha, Marcus' ex. Si Harry ang nagrecommend sa amin na siya ang kuning organizer and she's good. Maayos siya sa trabaho at gusto ko rin ang naisip niyang motif na pinakita niya s ak