Unedited!
****-****
Chapter 80
Sobrang kaba ko noong dumating kanina si Marcus, buti nalang ay sinalo ako ni Jhanine at sinabing inimbita namin ni Clark kumain ng lunch dahil friends naman kami noong college.
And I was relieved dahil naniwala naman siya. Ayoko naman talagang maglihim kay Marcus, balak ko namang sabihin kaso tumityempo lang ako. Ayoko nang magkaroon ng problema, alam pa man din niya ang ilang kwento sa ex ko. Baka magka issue pa.
"Nakakapagod, jetlag pa." Sabi ni Marcus habang tinutulungan ko siyang mag ayos ng mga damit na dala n'ya.
"Matulog ka nalang muna. Ako nang bahala nitong maleta mo."
"Hindi na, Ser. Okay lang. Saka pupunta tayong restaurant mamaya 'di ba?"
"Oo pero mamaya kanang hapon. Get rest, mauna na ako sa'yo."
"Sure ka ha?"
I nodded. "Oo nga." Umurong siya palapit sa akin. Nakaupo kami sa kama niya habang nag aayos ng kaniyang maleta. Hinawakan niya ang kamay ko. "I missed you." He uttered, showing a smile. I smiled back.
"I missed you, too."
"Alam mo, wag kana lang kaya munaa pumunta sa resto?"
"Bakit?" My forehead creased. Hinapit niya ako palapit sa kaniya.
"Dito nalang muna tayo, namiss kita, eh. Gusto kong bumawi. Magstay muna tayo dito, wala naman si Jhanine." Tumaas 'yong kilay ko. "I didn't mean anything obscene or what. Ikaw talaga! Mag stay lang, usap. Just want to spend time with you."
"May sinabi ba ako?"
"Wala naman po."
In this exact time, I felt guilty. Kasi naglilihim ako sa kaniya, hindi ko masabi na si Clark talaga ang ex ko. Ang minsang nakwento ko noon sa kaniya when we first met at Washington DC.
I was at the covenience store to buy a snack while strolling. Ibang iba talaga dito ang hangin compared sa philippines. One week palang ako dito at nangangapa at pa talaga ako. Bakasyon, walang magawa sa bahay at nakakaramdam ako ng lungkot kaya mas pinili kong maglibot-libot. I bought Papa's car since hindi pa napapa bless ang kotseng niregalo sa akin ni Papa noong isang araw kaya hindi ko pa magamit.
"Hey, you looked familiar." Kumukuha ako ng softdrink ssa ref nang may tumabi sa aking lalaki.
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. "You too." I replied. Actually natatandaan ko siya, nakita ko siya sa parking lot ng condo kung saan kami ngayon nakatira. "Same condo." I added, it wasn't a question. Hindi siya lahing american, wala din accent ang kaniyang pagsasalita.