This chapter is worth it. Revelations ba kamo? :) vote and comment! Hope I wont disappoint u, guys.
Chapter 84
Two days later nalaman ko kay Marcus na hindi na magkakaroon ng gigs ang PSYCHE sa restaurant namin. Reason, hindi ko pa alam.
Medyo naninibago ako na wala na sila sa resto namin. Pero mas okay na 'to, na hindi ko siya nakikita. Na wala ang presensya niya. Para mawala na rin 'tong lecheng feelings na mayroon pa ako sa kaniya.
I was driving my way to QC while listening to the radio. Paborito kong stasyon kasi madalas tugtog ng PSYCHE ang piniplay nila. Pero ngayon, mga christmas songs na kanta ni Jose Marie Chan ang kadalasang pinapatugtog. 4 days nalang and its christmas! Uuwi sila mama sa 24th.
Okay, truth is I missed them performing at the platform of our resto.
And truth is, I liked their songs. Basta isang araw nalaman kong madalas ko ng pinapakinggan ang kanta nila. Isang araw, fan na ako ng banda nila.
Yes, I know. Si Clark ang nag compose ng lahat ng kanta nila. So what? I am a fan because of Pat and Sylvester. And.. Their songs.
Nagpapasalamat talaga ako kasi hindi ko na nakikita si Clark. 'Yong kung ano mang nararamdaman ko para sa kaniya ay mawawala din ito. Ang nakakainis lang, hindi ko mapigilang hindi pakinggan ang mga kanta nila. Ang boses at ang composisyon niya.
Three weeks na simula noong hindi na sila nagpeperform sa resto, and two weeks since I start performing.
Yes, ako na ang pumalit sa kanila. Actually, para lang may purpose 'yong platform na pinalagay namin.
Si Marcus din ay madalas paalis alis sa resto. Ang layo kasi ng kinuha niyang unit sa QC. Ewan ko kung bakit doon ang napili niya.
"Baka naman nilalakad na niya ang kasal niyo," sabi ni Jhanine one time nang tumambay siya sa resto namin.
Hindi ko na iniisip ang bagay na 'yon.
"Since maingay ngayon sa social media ang tour ng bandang PSYCHE sa new jersey at dubai, bumisita sila sa studio para magpa interview!" Sabi ng DJ sa radyo. Sumegue pa siya bago nagsimula ang mismong interview. "So, saan ngaba nag simula ang PSYCHE? At bakit PSYCHE ang napili niyong pangalan? Mahilig ba kayo sa greek mythology or something?" Tanong pa ng DJ.
"Actually, the name of our band doesn't came from greek mythology," si Yuuri ang narinig kong sumagot.
"PSYCHE stands for our names. P for Patrick, the pogi. Sino pa ba?" Narinig kong tumawa si Patrick. "Sylvester, Yuuri, Clark and Harry Edward. Pag nabuo, PSYCHE."
Oh. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon. Noong una kong narinig ang pangalan ng banda nila ay na cornihan ako. Of course dapat astigin ang pangalan ng banda, psyche na kapartner ni cupid? Masyadong cheesy pakinggan. Iyon pala ay may meaning din. The interview goes on.
"Mayroon pa! Nagviral ang video niyo nang may nag upload sa youtube na ka duet mo ang isang fan?"
"No, no. She wasn't a fan. Manager siya sa restaurant kung saan kami nagkakaroon ng gigs thrice a week."
"Medyo pamilyar siya, ah. Plus, ang galing pang kumanta! Hindi lang masyado kita ang mukha dahil nakatagilid siya sa vid." DJ commented.
Nagpatuloy pa ang pag i-interview. Medyo na bored ako sa follow up questions, ililipat ko na sana ng stasyon nang magtanong ang DJ kung paano nagsimula ang banda. I got curious and all so I stay tuned.
"Nabuo ang PSYCHE dahil sa kinompose kong kanta. T'was december and I'm looking for a job. May pa entry noon ang studio sa online ng songs for upcoming valentines day," Clark said. "I submitted my entry through e-mail na may kasamang voicemail ko ng tune ng kantang isinulat ko. Akala ko talaga hindi iyon mapipili at matanggap kaya nawala 'yon sa isip ko for a while. I just tried. I have tons of gigs that time since I really needed money, lalo pa't na disbanded na kami dahil nagkagulo noon ang grupo." Pagpapatuloy niya ng kwento. I was listening to him intenty. Curious talaga ako kung paano sila nakilala. "Two weeks later, I received a call from studio, saying that my entry has been qualified. Pinapunta nila ako sa studio, kasi kakantahin daw ng isang sikat na singer ang kanta ko. Wala naman na ako doon pake kasi busy ako noon dahil malapit na ang finals, isa pa may gig ako kaya wala akong time na bumisita sa studio. I was about to decline when they said na ako na ang kakanta, bibigyan pa nila ako ng contract sa studio. Sabi pa nila na pambanda ang boses ko. Naikwento ko, may banda ako noon.