Chapter 72
Napasapo ako sa noo ko. Kanino itong itim na kotseng nakapark sa pinagpapark-an namin? Ako ngayon ang gumagamit sa kotse ni Marcus kasi may pinuntahan siyang supplier. Saan ako nito magpapark? Although may dalawa pang bakanteng parking space. Marami yatang tao ngayon, marahil sa tarpauline na nakapaskil sa labas na may gig nga ngayon ang banda nila. Kung may iba lang talaga akong naiisip na dahilan para mamentain ang ganitong karaming customer, hindi ko hahayaan na magka gig sila sa amin.
May sign nang 'reserved for management only' tapos pinagpark-an pa rin. Hindi sinasadyang napindot ko ang busina. Bumukas ang window ng sasakyan na nakapark sa pinagpapark-an namin. May tao pa pala sa loob. Noong una ay hindi ko maaninag ang mukha nito pero nang lumabas ang babae mula sa shot gun seat ay natukoy ko kung sino ito. Si Yuuri. Lumabas din ang driver nito at nakaramdam ako ng matinding inis. It was Clark. Napaiktad ako sa kinauupuan ko nang may bumusina mula sa aking likuran, na sinundan ng sigaw na halatang halata sa boses ang pagkainis, "Miss! harang ka! pwede pakitabi ng sasakyan mo? Pucha nagmamadali ako!"
Saan ako magpapark? Bakit ba kasi doon sila gumarahe? Hindi ba sila marunong magbasa ng sign? Inantras ko ang kotse ko kaya narinig kong napamura ang nasa likuran kong sasakyan tapos nagpark ako. Pagka garahe ko at labas sa sasakyan ay tinaasan ako ng middle finger ng babaeng nakasakay sa kotse na nasa likuran ko kanina. I was tempted to raise my middle finger back, pero hindi na ako pumatol. Para na rin pinakita kong wala akong pinag aralan, instead, nag peace sign nalang ako sa kaniya at inirapan pa ako bago niya pinaharurot ang kaniyang sasakyan! People has short temper nowadays, at kasama na ako doon, kaya naman ay nagmartsa ako patungo kina Clark. Unang araw palang ng gig nila sa restaurant namin, nag cause na kaagad siya ng trouble sa akin. Sabi na ngaba at hindi magandang ideya na magka gig sila sa amin, kung hindi lang dahil kay Marcus...I wouldn't let them be here.
"Haven't you read the sign?" I asked with full of annoyance. Nagkatinginan sina Clark at Yuuri, at mas lalo pang nag init ang dugo ko.
"Anong sign?" Tanong ni Yuuri.
"Hindi ba may malaking sign na nakalagay diyan sa pinagparkingan niyo? for management only," I said. "At tumambay pa talaga kayo sa loob ng sasakyan." I whispered.
"Ano iyon Ms. Flores?" Tanong ni Clark. Hindi ko siya sinagot. "Sorry, wala namang nakalagay na sign."
Sorry nanaman? bakit, may magagawa ba 'yang sorry mo?
"Next time, huwag kayong magpapark diyan, muntikan pa akong magkaroon ng kaaway dahil sa pagpark mo," Madiin kong saad at tumitig kay Clark.
"Look, walang nakalagay dito na sign, isa pa hindi ko naman alam na pang management space ito, can we just move on? You already parked your car right?"
"Move on? I moved on, ang akin lang, huwag sana kaming aagawan ng parking space. Nagbibigay naman ako ng second chance, eh. Basta hindi na mauulit." I remarked. Para sa kaniya madaling sabihin ang salitang move on kasi hindi naman siya ang na-agrabyado. Buti nalang hindi ako pumatol doon sa babae kanina.
"Eh bakit hindi mo ako mabigyan?" I heard him uttered.
"What?"
"Nothing Ms. Flores." Aniya. Napabuntong hininga nalang ako. Unang araw palang nila, naisstress na ako. Kailan ba ito matatapos?
**
Karamihang customers namin ngayon ay babae at teenagers. Umiinom ako ng soda at nakaupo sa bar counter sa likurang bahagi ng restaurant habang nagpeperform sina Clark sa platform sa harap.
"Ma'am, ang gwapo po talaga ni Clark! Ang swerte ko kasi dito po ako nakatrabaho sainyo, grabe! Madalas ko na silang makikita! dati sa TV lang.." Sabi ni Cass, receptionist namin noong tumabi ito sa akin sa bar counter.
"Gwapo nga siya, mayabang naman. Tingnan mo naman kung nagpeperform." I replied and took a sip from my soda.
"Eh? Ma'am, hindi kaya! mabait 'yan si Clark, nalaman ko rin na may tinutulungan siyang orphanage, doon yata napupunta ang kalahating kita nila."
"Mabait? kung mabait 'yan, hindi niya isasapubliko na tumutulong siya, right?"
Pinagmasdan ko ang banda nila. Why can I imagine myself with them? Hindi naman na ako magiging singer, lalong lalo na na mapasali sa isang banda. Ayoko, dahil wala naman akong mapapala diyan. Isa pa, masaya na ako sa business namin ng boyfriend ko.
Pinagmasdan ko sila, naimprove nga ang kanilang pagpeperform. Mas naging profesional. Things change as time flies, really. Lumipas ang taon, mas natuto sila, mas nag improve.. Sana ganoon din ako. Did I really changed? Sinadya kong baguhin ang sarili ko sa kung ano ako noon. I am way better than yesterday. Figuratively, of course.
"Ma'am, niresearch ko lang po iyon, since avid fan ako ng bandang PSYCHE since last year, hindi niya naman po sinasapubliko. Mas tumaas nga po ang tingin ko sa kaniya nang malaman ko iyon, eh." Sabi niya habang nakatitig sa harapan. "Saka sabi niya noon, lahat ng song na kinocompose niya at kinakanta ay dinidedicate niya sa isang mahalagang babae sa buhay niya? Lahat ng hugot sa kanta ay dahil daw doon sa babaeng iyon. Sino kaya iyon, Ma'am 'no? Ang swerte naman ng babaeng iyon!" Sabi niya na tila kinikilig. Napaismid ako. Malamang, si Yuuri na iyon.
"Okay, so here's the last song for this night!" Clark said through the microphone. Naging hyper naman ang karamihang nandito. Patrick started to strum at his guitar. Ang drummer nila ay si Harry Edward. I wonder, nasaan na kaya si Steffie?
I'd Be A Fool If I Couldn't See
How Things Have Changed Between You And Me
Maybe We Try Just A Little Too Hard
And Now We Are Strangers Again
Hindi ko namalayan na mahinang sinasabayan ko na pala ang pagkanta niya. Our eyes met, and I feel an electricity engulfed my soul. My chest somersaulted, and it was years since I felt this feeling. What the heck? What's this?
I Kiss Your Lips But They Feel So Cold
I Still Remember We Used To Hold
On Those Cold And Lonely Nights We Make Love
And Now We Are Strangers Again
Oh Lady, It's Hard To Believe
That There In Your Eyes, Stranger I See
And That The Only Song We Got Left To Play
Are The Memories Of Yesterday
"Ma'am, tinitingnan po ako ni Clark! Hala na!" Mahina akong niyugyog ni Cass.Kulang nalang ay tumili ang boses niya. "Ay, parang sainyo po siya nakatingin." May pagkamalungkot niya saad. Pabalik-balik siya sa amin ng tingin ni Clark. Umiwas ako ng tingin kay Clark. I caugh him staring at me, that's why I stared back, trying to read him.. Pero hindi, eh. I couldn't find any answer in his eyes.. answer why he left me.. why he hurt me.
Hanggang kailan ba ako hahanap ng sagot?
___
song used: Strangers again. don't forget to vote and comment! end is neaaar