Part B - Chapter 75

255 17 12
                                    

Chapter 75

Thoughts are flooding my mind and I cannot sleep.

Naiinis ako kapag ganito ako. Kapag marami akong iniisip. Kapag halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko na maisip kung alin ang tama. Kung ano ang dapat.

Bakit kailangan niya pang gawin iyon? Bakit kailangan niya pa akong yakapin? It was just a hug. Unang una, hindi na dapat ako affected, pero hindi maalis sa utak ko ang nangyari kanina, at naiinis ako sa sarili ko. I already moved on, and I love Marcus. Iyon ang mahalaga. Siguro, nabigla lang ako... At dapat sanayin ko na ang sarili ko na makita ang ex ko, ang nanakit sa akin.. At nagbago sa akin.

Kumuha ako ng dalawang bote ng t-ice sa ref at binuksan ito. Mabilis ko itong nilagok at nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan nang maubos ko agad ang isang bote.

Biglang nag ring ang phone ko, napatitig ako dito nang mabasa ang pangalan ni Marcus sa screen. Dinampot ko ito, nagdadalawang isip kung sasagutin, pero wala naman akong naisip na rason para hindi sagutin ang tawag niya.

"Hello,"

"Hello babe! Buti nalang gising kapa. Ano, kamusta?" Masayang saad niya mula sa kabilang linya.

"Okay lang. Pasabi kay MJ na happy birthday."

"Oo naman..Tita came here a while ago, nagdala ng susi sa regalo. Ayon, tuwang tuwa si MJ sa natanggap niyang motor."

"Motor ang niregalo nina Mama?"

"Oo. Eh di ba matagal nang gusto ni MJ ng motor, ayon, sinabi pala kina Tita noon. Walanghiya talaga 'yong batang 'yon." Natawa siya sa kabilang linya. Sandali kaming natahimik. Marahil nag iisip ng susunod na sasabihin. "mukhang inaantok kana, Ser." sa totoo lang, hindi pa talaga ako dinadalaw ng antok, pero hindi nalang ako nagsalita.

"Goodnight Marcus." Sabi ko nalang.

"Goodnight, Ser." And just like that, hindi napahaba ang usapan namin. Wala rin ako sa mood na makipag usap ng matagal. Ewan ko...

"Bakit hindi kapa natutulog?" Lumabas si Jhanine sa kwarto, kusot-kusot nito ang kaniyang mata.

"Insomia." Tipid kong sagot.

"Eh bakit ka umiinom niyan?" Sabay turo niya sa hawak kong t-ice. "Nag gatas ka nalang sana." Naglakad siya papunta sa harapan ko at tumitig sa akin.

"Ano?" Tanong ko dahil na curious ako sa pagtitig niya sa akin ng matagal. Pagtapos niyon ay hinablot niya sa akin ang bote ng t-ice at uminom dito. Napabuntong hininga nalang ako. Naupo siya sa tabi ko sa sofa. "Ano'ng problema?"

Nilingon ko siya. "Problema? Tungkol saan? Wala."

"Ilang taon na nga tayong magkaibigan? 14 years na, bes. At sa fourteen years na 'yon, kabisadong kabido ko bawat pagpikit mo ng mata, paghinga mo, gets mo ang point ko?"

"Wala nga sabing problema. Ano ka ba, hindi lang talaga ako makatulog. I told you, insomia."

"Nagkaka insomia tayo dahil sa dami ng iniisip natin, napupuno ang utak natin ng thoughts, kaya hindi tayo makatulog."

"Was just thinking about the resto."

"Iyon lang ba?" Tanong niya. "Tungkol saan? Or should I say kanino?"

"Huh?" I gave her a questioning look. Alam kong kilala ako ni Jhanine, kaya mahirap maglihim sa kaniya, pero hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Nakita ko kayo kanina sa loob ng resto," she said. "Mukhang nag usap kayo.. Tapos niyakap ka niya. Noong bumalik ka sa kotse, alam kong wala ka sa mood kaya hindi nalang ako nakialam tungkol doon at nagtanong... Iyon ba ang dahilan kung bakit.. Hindi ka makatulog? Iyon ba ang gumugulo sa isip mo?"

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now