Part B - Chapter 72

193 13 0
                                    

Chapter 72

Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin sa labas ng CR dito sa restaurant namin. Iniwan ko silang nag uusap-usap doon sa table at sinabing magbabanyo lang ako. Ayoko doon, pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin sa sobrang awkward. Mere fact na nasa harapan ko mismo nakaupo ang ex ko at hindi ko alam kung saan ko ba ilulugar ang mata ko. I hate his presence! Lalong-lalo na si Yuuri. May mga tao lang talaga na ayaw natin ng walang dahilan--o wala nga ba? Of course it has!

I turned the faucet on and wet my hands. Tapos ay pinatuyo ko ang kamay ko sa dryer. Ano nang gagawin ko dito? Ayoko pang bumalik doon sa table namin!

"Ms. Flores," I was startled when I heard the familiar voice of him. Tumingin ako sa salamin at nakita ang repleksyon namin doon. Nasa likuran ko siya. I stood straight and cleared my throat. Tapos ay tumaas ang isang kilay ko.

"What?" Nilingon ko siya at sinalubong ang mata.

He chucked. Anong nakakatawa sa tanong ko? Umiling-iling siya at lumapit sa sa akin. Napaatras ang ulo ko at kumabog ang aking dibdib. "Excuse me, Ms. Manager. Can I use the sink? Maghuhugas lang." He said. Nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya. What was I thinking? Napatabi tuloy ako.

"Its been awhile. Kamusta?" Tanong niya at nilingon ako. Hindi ko mapigilang hindi mapairap. Ang lakas naman ng loob niyang magtanong kung kamusta ako.

"Excuse me, you'll work at our restaurant, hindi ka makikipagbarkadahan."

Tumigil siya sa paghuhugas ng kamay at nilapit nanaman ang mukha niya sa akin.

"H-hey!" He's invading my personal space!

"Excuse me ulit? Magdadryer lang."

I felt my cheeks turned red. Ano ba naman kasi ang nasa kokote ko ngayon?

"At hindi naman ako nakikipagbarkadahan. I'm just trying to know our manager since we'll be having regular gigs here. You should be thankful, dahil pumayag kami na magkagig sainyo despite of our busy schedule."

"Really?" I said sarcastically. "We can find another band, o ibang way para hindi kami malugi, but since Marcus was the one who picked you, payag na rin ako just for him."

He stared at me, and I feel goosebumps because I met his gaze. Ilang taon ko nga rin bang hindi nasalubong at nakita ang mapupungay niyang mata? Darn. Kahit gaano ko itanggi, gwapo pa rin talaga siya--no, mas lalo siyang gumwapo dahil sa pagmamatured ng kaniyang mukha, and I hated myself for appreciating the features of the one who hurt me. Pero ano'ng magagawa ko? Iyon ang totoo.

"Bakit ba ang sungit mo na Ms. Flores?" He asked, looking at me intently. Napaiwas ako ng tingin dahil naging uncomfortable ako bigla sa titig niya. Nang makaipon ako ng lakas ng loob ay muli kong sinalubong ang kaniyang mata.

"Hindi ako masungit. Don't question my atittude. And another thing, lahat ng tao nagbabago, either sa mga naranasan, nasaktan, nagmatured, at natuto sa mga bagay-bagay." I said, looking at him directly. This time, siya naman ang napaiwas ng tingin.

"Does feelings change too like humans?" He asked out of a sudden. Hindi ko ini-expect ang tanong niyang iyon.

"Yes." I answered. Silence envelope us while looking at each other's eyes.

"Ser, Sean! Nandito pala kayo. Nagpaserve ako ng dessert. Anong ginagawa niyo rito?" Tila si Marcus ang nakabasag sa yelong bumalot sa amin kanina. Lumapit ako sa kaniya at humawak sa balikat.

"Naghugas lang ako ng kamay."

"Then, we had a talk." Clark added. I glared at him.

"Yes, nag usap kami tungkol sa career nila ngayon, sa pagkakaroon nila dito ng gigs. Kamustahan lang, since matagal rin kami hindi nagkita," I turned to Clark. "'Di ba?"

Hindi siya tumugon.

"Ah. Tara na! Kain tayo." Ani Marcus. Humawak ako sa braso niya habang pabalik sa table namin samantalang si Clark ay nasa likod namin at nakasunod.

*

Pagdating namin sa condo ay dumiretso ako sa kwarto namin ni Jhanine. Naabutan ko siya doon na nagbubuklat ng notes niya.

"Oh, ano! Anong nangyari? Bakit sa lahat ng pwedeng kunin sila pa? Nag usap ba kayo? Alam ba ni Marcus?" Bungad niya sa akin. Ni hindi pa nga nakakadikit ang pwet ko sa kama at hindi pa ako nakakahinga ay sunod-sunod na na tanong ang ibinato niya sa akin.

"Pwede ba akong huminga muna?" I said in an annoyed tone.

"Sorry. Nabothered kasi ako sa text mo," she let out a sigh. Nagbihis muna ako ng pambahay. Loose t-shirt at denim shorts. I sat on the bed next to her.

"So, spill!" And I told her the story. Na magkakaroon nga ng gigs sina Clark sa restaurant namin.

"Oh my god, okay lang sa'yo?"

"Ano pa bang magagawa ko?" Napabutong hininga ako. "Bakit pala hindi mo sinabi sa akin na sikat na ang banda nila?"

"Aba. Nagtanong ka ba? Saka alam ko naman na ayaw mo iyon pag- usapan. Saka akala ko ba alam mo na? Magti-three months na kayo dito."

Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil sa matinding frustration. Unang una, hindi ako handa na makita ulit ang ex ko, idagdag pa sa dahilan na naabot na niya ang pangarap na sumikat ang banda. Na isa na siyang ganap na bokalista. Pakiramdam ko, useless ang ilang taon kong pag aaral sa america. Oo nga, successful ako dahil may business kami, pero iba pa rin talaga. Hindi noon pumasok sa isip ko na mag nenegosyo ako. Ang gusto ko noon ay maging singer--na ewan ko kung gusto ko pa rin ba hanggang ngayon? Para kasing nakakapang hinayang na hindi ko magagamit ang talento ko sa pagkanta.

"Matagal na ba iyong banda?" Tanong ko kay Jhanine.

"Noong umalis ka, pumalit sa'yo si Yuuri, pero after ilang months, I think two months nang mag start ang bagong sem? Na disbanded sila," she said. "Tapos after a year, napanood ko nalang sa TV ang isang music video, tapos sila ang nandoon. Unti-unti silang sumikat. Nagkaroon ng sariling album, mall tours, at si Clark pa ang composer nila."

Wait. Si Clark ang composer nila? Bakit bigla kong nakita ang sarili ko na kasama sa banda nila? I shook my head. Malabo ng mangyari iyon, dahil pinalitan na ako ni Yuuri. Pati sa puso ni Clark. Teka, ano bang pinag iisip ko?

HINDI ako makatulog kaya bumangon ako sa kama. Si Jhanine ay tulog na tulog na at nakabalot pa ng comforter dahil sa malamig na temperatura sa kwarto na nagmumula sa aircon. I headed to the kitchen. Nagtimpla ako ng gatas para dalawin ng antok. Bakit kasi ang daming tumatakbo sa utak ko!

Nangangalahati ko na ang taman ng baso nang dumating si Marcus sa kusina. Hindi kami masyadong nakapag usap kanina habang pauwi. I chose to pretend sleeping. Wala ako sa mood. Tapos hindi niya pa sinabi sa akin ang tungkol sa pagpapapasok niya sa banda, samantalang kailangan niya iyon ipaalam sa akin kasi magka sosyo kami.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" He querried. Dumiretso siya sa ref at kinuha ang pitchel ng tubig saka umupo sa tabi ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at hindi rin ako tumugon. "Galit ka ba?"

I shook my head. Ayoko din naman na ganito, bad mood talaga ako. Siguro nature na naming mga babae ang maging ganito. Ay hindi, may dahilan din naman ako. I can't bear to see my ex everyday, on the brighter side, kailangan kong patunayang move on na ako sa kaniya. "Galit ka, eh. Bakit? Did I do something wrong?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa banda?"

"Eh? Bakit? Akala ko ba okay na? Saka sasabihin ko naman talaga sa'yo kaso naisip ko na isurprise ka nalang. Maswerte nga tayo kasi madali natin silang nakuha. Busy sila. Saka 'di ba sabi mo college friends mo sila?"

"Ang akin lang, dapat sinabi mo sa akin kasi business partners tayo. Girlfriend mo nga ako pero manager din ako."

"I'm sorry, okay? Akala ko kasi..."

"Ahh.." napahawak ako sa ulo ko. "Sorry Marcus. Its a girl thing kaya siguro bad mood ako ngayon. Sorry." Pagdadahilan ko nalang.

I should compose myself sometimes, really.

____

Babawi ako next update! Huehue. Please DO VOTE AND COMMENT SALAMERT :D

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now