Part B - Chapter 86

282 18 7
                                    

Chapter 86

Napatitig ako sa tasa ng kape na nasa harapan ko. Nakadalawang tasa na ako, pero lutang pa rin ako hanggang ngayon. Pinakaayoko sa lahat ang magkaroon ng hangover—or more likely, may hangover pa ang utak ko sa mga pinaggagawa ko kagabi.

"Okay kana?"

Napahilamos ako sa mukha ko. Pilit kong inaalala ang mga ginawa ko kagabi. Doble kill, masakit na nga ang puso ko, masakit pa ang ulo ko.

Okay na? Well, magsisinungaling ako kung sasabihin kong oo. Naaalala ko ang ilang mga ginawa ko kagabi; una, nagpakalasing ako. Pangalawa, ewan ko at biglang sumulpot si Clark out of nowhere, pangatlo... Hinalikan ko siya. Yes, I remembered it. The rest? Hindi ko na matandaan.

Naaalala ko ang ginawa sa akin ni Marcus. Nasasaktan ako pero sa dami ng tumatakbo sa utak ko, hindi ko na alam kung alin ang uunahing isipin.

"Nag usap kami ni Clark kagabi, noong hinatid ka niya." Napatahimik ako bigla sa sinabi ni Jhanine. Sinalubong ko ang mata niya pero umiwas siya ng tingin sa akin. Kumunot ang noo ko. What's up with her? "Hindi mo ba natatandaan? 'Yong mga ginagawa mo kagabi?"

"Natatandaan. 'Yong iba. Uminom ako, lumabas sa bar.. Nagselfie pa ako kahit lasing, nakita ko ang drunk text ko and I cursed Marcus to death, ikaw tinext din kita kanina ko lang nabasa pagkagising ko... Then tumawag ako ng kahit sino," I tried to remember what happened next. Natawagan ko si Steffie. Sumikip bigla ang dibdib ko nang maalala kong sinumbatan ko siya. "Nag usap kami tungkol kay Clark, sinumbatan ko siya... Tungkol sa rason.. Rason... Clark and Ash are sib—" natitigilan ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Steffie. "Sibings. Huh, ang galing niya mag biro ah. Ngayon ko lang nagets ang sinabi niya."  Bakit naman magiging magkapatid sina Clark at Ashley? Tumingin ako kay Jhanine, madiin niyang kinakagat ang labi niya kaya nagworry ako na baka dumugo iyon.

"W-what Steffie said to you was... Was true. Clark and your sister, Ash are siblings, Serene. Kinausap ako kagabi ni Clark, sinabi sa akin ang lahat. Maski ako hindi makapaniwala."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Sinubukan kong hanapin doon ang logic, pero hindi pumapasok sa utak ko kasi masyadong impossible.

"Serene, half sister mo si Ashley, Ashley's dad is Mr. Mendez, which happened to be Clark's father."

"No," tumayo na ako sa sofa. "Nonsense, Jhanine. Quit joking around, I'm serious now. Masakit ulo ko. Oo na, muntik na ako maniwala."

Hinintay kong tumawa siya at sabihing nagbibiro lang siya pero nabigo ako. Hindi ko matandaan ang eksaktong sinabi sa akin ni Steffie, basta ang alam ko... Alam kong sinabi niya ang bagay na 'yon. Malabo. Kahit saang anggulo ko tingnan, malabo. Surreal.

"Tumigil ka nga," Saway ko sa kaniya. Para kasing sinasabi niya, pumatol sa iba si Mama. At masakit iyon para sa akin.

"Alam kong hindi nagbibiro si Clark nang kinwento niya iyon. Why would he do that thing? Serene, ang mabuti pa tanungin mo si tita. Siya lang ang makakasagot nito." Without saying anything ay pumunta ako sa kwarto ko dito sa condo ni Jhanine. Kinuha ko ang cellphone ko. Natatakot din ako sa maaring malaman o maging reaksyon ni mama kapag nagtanong ako sa bagay na 'yon. Pero sasabihin ko nalang binibiro ko siya.

Pero paano ko matatanong? What exact words should I say? Parang hindi ko yata kayang magtanong. At isa pa, masyadong impossible. Hindi magagawa ni Mama ang bagay na 'yon kay Papa dahil mahal nila ang isa't isa. Mahal ni Mama si Papa.

I gulped, my heart is soumersaulting. Nagvideo call ako kay Mama sa messenger. Naka three attempts pa ako bago niya sagutin.

"Oh, anak, kamusta ka diyan? Naka booked na kami ng ticket para sa next week." Oo nga pala, next week ang uwi nila. December 24. Nakangiti si mama, kapag nagtanong ako, mapapawi ba ang ngiting iyon? Alam ba 'to ni Papa?

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now