Chapter 78.2
Clark
"You suck, Clark. Your attitude and everything about you."
Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang salitang sinabi niya. Ang sakit na marinig iyon galing sa kaniya. Sabagay, deserve ko naman 'to. Hindi ko lang iniexpect na marinig iyon sa kaniya after three years. After I broked her.
She was hurt. And I was the reason. Pero kung may isa pang dapat sisihin, siya iyon. Simula't sapul siya ang may kasalanan kung bakit kami nasira ni Serene. Kung bakit nawala ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.
Napadiin ang kapit ko sa steering wheel, bumabalik ang araw na nalaman ko ang lahat. I wished I didn't see it. Sana nagbulag-bulagan nalang ako, pero pinangunahan ako ng lecheng sakit ng nakaraan kaya hindi ko nagawang magbulag bulagan. I became selfish.
I stepped on the brake. Muntikan ko pang mabangga ang sasakyan sa gilid ko.
"Gago ka ba? You're over speeding!" Binato ng kung ano ang bagong bili kong kotse, dahilan para mabasag ang salamin sa side ko, kaya naman mas lalo pang nag init ang aking ulo. Nasugatan pa ako ng tipak na salamin.
I closed my hands into fist, I opened the door and stepped outside. Nakalabas na rin pala ang driver ng sasakyang muntikan ko pang makagitgitan. Magkasinglaki lang kami ng katawan pero tingin ko ay mas matanda ito sa akin ng ilang taon.
"Hey! I didn't hit your car! Pero bakit mo binato ang kotse ko? Do you have idea how much it cost?"
"Hoy! Wala akong pakialam!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kilala kita, ah. Ikaw 'yong mayabang na vocalist. Akala mo naman ang gandang kumanta," kinuyom ko ang kamao ko. "Ano, ha?" Lumapit siya sa akin, nag aaya ng suntukan. I got closer to him and pushed him on the chest. Sa pagtulak ko sa dibdib niya ay binigyan niya ako ng suntok sa panga. I felt dizzy at first, pero nang makabawi ako ay sa ilong ko naman siya ginantihan, napatumba siya sa simento, I gave him punches on the face. Napatigil lang kami nang makarinig kami ng whistle, and it was from the traffic enforcer.
**
Hiningan kami ng multa dahil sa traffic na na cause namin. Naabot kami sa presinto, good thing hindi kami nakasukan.
I just arrived at the mall for our mallshow. Nakikita ko ang inis at galit sa akin ng manager namin pagkarating ko sa likod ng stage na late. Nakatanggap ako ng sermon mula sa kaniya na lumabas din naman sa kabila kong tainga.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Harry tilted my face.
"Nah," Mahina kong tinabig ang kamay niya. Buti nalang hindi napansin ng manager namin ang galos ko sa mukha.
"Anong nangyari?" Biglang dumating si Ves.
"Ang dumi ng suot mo, Sean. Hindi ka ba magpapalit?"
"I didn't bring extra clothes." Sinadya ko talagang dumaan kanina sa condo nina Serene nang malaman kong coding siya na ito ang suot ko. I expected her to be mesmerize because of my attire, pero parang hindi niya naman yata napansin. Kung si Marcus kaya ang may suot nito, would she give complement? Baka nga.
"Sean, Si Serene.. Nagtatanong." Lumapit sa akin si Patrick.
"Tungkol saan?"
"About the reason. Kanina lang, nag jogging sila ni Ves. Hindi ko masabi.. Pero Sean, deserve niyang malaman."
I shook my head. "Then what? Hurt her more?"
"Sean, she's still hurting. Pati kami nasasaktan siya at nagiguilty ako. Ginagawa natin siyang tanga. Please, sabihin mo na habang maaga pa."
Napaisip ako sa sinabi ni Patrick. Should I tell her? Pero ano'ng point?
"Wala nang magbabago kahit sabihin ko pa Patrick." Tinapos ko na ang usapan. Gumugulo ang isip ko. Yes, she deserves to know, but I don't want to hurt her again. Hindi niya deserve ang masaktan.
Nagpalit ako dahil pinahiram ako ni Ves. The truth is, nawalan na ako ng gana dito sa mall show pero ilang weeks din namin itong pinaghandaan, kapag hindi ko inayos—lalo pa't ako ang leader sa banda, ay damay sina Patrick. Damay ang buong banda. Ayoko naman na ma disband kami ng dahil sa akin. Plus, debut/anniversary mall show namin ito.
Maya-maya lang ay nag start na ang aming mall show. Sinalubong kami ng aming mga fans—most of them are teenagers and girls, may ilang lalaki din naman at gays—actually, mas malakas pa ang hiyaw ng mga bading na may hawak na tarpauline namin keysa sa ilang mga babae.
We sang our first song; False. Which was composed by me. Three years ago, pero lampas isang taon lang nang ma release. It was our first single pero hindi pa rin nalalaos ang kantang isinulat ko. Wala pa si Yuuri kaya ako lang ang mag isa na kakanta. Originally, ako naman talaga ang kumanta. May halong rock ang love song na ito.
I wish I could turn back time
You're away, far far away by now
I missed the way we look at each other
I missed the time we hold hands
I missed how you carressed my face
I thought I was born to love you
But I ended the fate
Yes, I'm dumb. Yes, I'm noob.
Call me whatever. I deserve it
You deserve better, I deserve this
Bye my queen, my forever with you has ended
And yes, it was my false
I wanted to end the song, look for her, hug her and beg. Pero wala, hanggang sa isip ko lang mangyayari ang bagay na iyon, kasi kahit pa magmakaawa ako sa kaniya, hinding hindi na mababalik ang dati. I could never have her again. She begged when I left her. Pero ano'ng ginawa ko? Tinalikuran ko siya ilang beses. Kasi ayokong makita siyang umiiyak. Ayokong makita ang mukha niyang nagmamakaawa. I can't. Hindi ko kaya.
Nagtaka ako nang nag iba ang mukha ng mga tao sa harapan ng stage.
"Sean, Sean.." Mahinang tawag ni Sylvester. "You stopped singing. Anong nangyari? Sira ba ang mike?"
"S-sorry. Sorry."
I let out a sigh and continued performing.
I wish I could turn back time. Sana kaya ko pang maitama ang mga pagkakamali ko.