Part B - Chapter 74

216 13 2
                                    

Chapter 74

Napansin kong hindi makatingin si Jhanine kay Patrick habang kausap ito. Nandito kami nakaupo sa likuran, sa bar counter at nakapatong naman ang kamay ni Patrick sa pasamano nito. Nagkakamustahan sila at parang ako ang kinikilig sa kanilang pag uusap. Paano ba naman, mukhang naaakward ang dalawa, na hindi naman nila ugali dahil parehas silang self proclaimed noon na makapal ang mukha nila.

"Ves, nasaan si Steffie?" Bumaling si Jhanine kay Sylvester. Umiinom ito ng t-ice. Mag-e-start na silang tumugtog, uminom lang sila saglit ng t-ice. At si Clark naman, nasa gilid ng bar counter, mukhang may sariling mundo sila ni Yuuri.

Nahuli ko siyang tumingin sa akin, or should I say, siya ang nakahuli? Umiwas ako ng tingin. Hindi naman talaga ako tumitingin, nagkataon lang na napadaan ang mata ko sa kanila.

Binaling ko ang tingin ko kay Sylvester na nagsimulang magsalita. "Ewan ko..."

"Ha-nagbreak kayo?" Tanong ni Jhanine.

"Hindi,"

"Ah! So kayo pa rin? Wow, ang tagal niyo na!"

"Hindi rin," he sipped on his drink.

"Ano? Ang labo mong kausap!"

"Nag cool off kasi sila," Si Patrick ang sumagot.

"Ah... Kaya pala."

Maya-maya ay nagsimula na silang tumugtog. Hindi manlang sumali sina Clark sa usapan namin - pero mas okay nga 'yon. Mukhang wala din namang balak na ientertain ni Jhanine si Clark. Simula kasi nang magbreak kami, ay nagalit siya rito. She even confronted Clark, and asked why he did it.. Why he broked up with me all of a sudden, pero hindi raw nito diretsong sinasagot ang tanong niya. So started from that day, ay hindi na niya pinapansin ang grupo nina Clark-siguro nagpapansinan pa rin sila nina Steffie pag nagkakasalubong sa hallway, pero since hindi na rin naman sila magkakaklase, unti unti nang nagkaroon ng gap ang friendship nila - namin na nabuo noon. Naging acquintance nalang sila sa isa't isa.

"The first song we're playing is," Yuuri said as she glanced at Clark. "Sisi, which is sung by yours truly, and composed by the man beside me, Clark Mendez."

They started to sing, at intro palang ay parang hinahatak kana na pakinggan ito.

Akala ko perpekto na ang lahat, pero walang salitang perpekto

Akala ko ikaw na, pero nagbago ang ihip ng hangin

Alam ko ako'y nagbago, unti unting nanlalamig

Ngunit mapagpasensya ka, at ako ay nagloko

Sa araw ng pagtalikod mo, ay ang pagsisising naramdaman ko

Nagsisi ako na pinakawalan ka, patawarin mo ako

Sisi... Mahirap tanggapin pero kasalanan ko. Ako'y nagsisisi.

Sisi...

They looked sweet at the stage while singing. Sa katunayan nga, may chemistry sila lalo na kapag kumakanta... And I kind of feel... insecure. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman dapat. Pero napaisip ako, ni minsan ba nagsisi manlang si Clark na pinakawalan niya ako? Pero hindi iyon ang nakikita ko sa mata niya. Saya. Saya ang nakikita ko dito at contentment. O sadyang magaling lang siyang magpanggap? Ewan ko. Sana ganoon din ang nakikita niya sa mga mata ko-saya at contentment. Iyon lang naman ang gusto ko mangyari. Simula't sapul, kung bakit ko binago ang sarili ko, ay kung dumating man ang araw na 'to, ay may mapapatunayan ako sa kaniya. Ang gusto ko noon ay makaramdam siya ng pagsisisi sa pag iwan sa akin, pero sa nakikita ko ngayon? I couldn't see any regrets in his eyes. O sadyang hindi ko lang siya mabasa dahil mahirap siyang basahin? Clark isn't a transparent person. Pero noong kami pa, nababasa ko naman kung may lungkot ba sa mata niya, pero bakit ngayon parang nahihirapan ako? Dahil ba... Ganoon din ako? No. I am strong now. Way better than I was before. Iyon ang gusto kong makita niya at mapatunayan ko sa kaniya.

*

"Inaantok na ako, ang dami kong nainom na t-ice.." Sabi ni Jhanine habang nakahawak sa lamesa. Pasarado na kami at wala na ang mga staffs. Iyong security guard nalang na magsasarado ang nandito. "Pwede bang mauna na ako sa kotse? Nasaan ang susi? Antok na talaga ako."

I fished out the key from my pocket and handed it to her. "O, buksan mo nalang bintana, baka masuffocate ka sa loob."

Nagmartsa na siya palabas. I-sa-shut down ko pa kasi ang laptop ko dahil inayos ko ang inventory sa buong week. Nakaupo ako sa upuan malapit sa bar counter, isang dim light nalang ang nakabukas. Narinig kong bumukas ang pinto at ang yabag ng taong pumasok.

"Akala ko ba Jhanine mauuna kana? Baki--" Natigilan ako nang makita ang taong hindi ko inaasahan sa harapan ko. It was Clark. "Yes?" Sabi ko at muling binaling ang tingin sa laptop.

"Naiwan ko ang phone ko sa may bar counter, I'll just get it."

Hindi na ako tumugon. My eyes is just transfixed on my laptop. Maya maya ay tumayo ulit siya sa tabi ko. Nilingon ko siya. "May kailangan ka pa, Mr. Mendez?" Tanong ko. "Baka hinihintay kana ni Ms. Ramos." I added, pertaining to Yuuri.

"Can we just... Be friends?"

"What?" Bigla yata akong nainis sa sinabi niya. After what he had done to me, he almost destroyed me! Tapos ngayon gusto niyang maging friends kami? "Let's stop the hate."

"Hate? Sino ba ang may hate? Wala naman, ah. We're just doing good and working fine here." Dinampot ko ang laptop ko at tumayo. "If you don't have anything to say, mauuna na ako." I stood up and walked towards the door. Hinawakan niya ako sa aking braso dahilan para mapatigil ako. Nakaramdam ako ng kuryente. Mabilis kong tinanggal ang braso sa pagkakahawak niya.

"Look, I'm sorry... I'm really sorry." Ngayon ko lang narinig ang salitang 'yan magmula nang magkita ulit kami. By the way he said it, he looks really sincere. Pero ganyan naman siya palagi, humihingi siya ng sorry pero ano? Ganoon din. Walang magbabago, isa pa, ginagawa niya din naman ulit kahit paulit-ulit siyang mag sorry.

"Para saan? Kanina 'yong sa parking? Ang babaw ko naman kung magagalit ako dahil doon." Dahil hindi naman iyon ang ikinagagalit ko. May mas deeper reason, at hindi ko alam kung... Mapapatawad ko siya.. Sa ngayon.

"Sorry sa lahat... Sa nagawa ko noon." Medyo mahina ang pagkakasabi niya sa huling salita pero narinig ko pa rin naman.

"Now, why are you digging the past?"

"I just want to--"

"Look, if you think na affected pa rin ako, nagkakamali ka Mr. Mendez.. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Contented ako. May boyfriend ako. And you look the same.. So please, let's not meddle with each other's life okay? Now, can you excuse me and let go of my arm Mr. Mendez? Magmamaneho pa kasi ako pauwi."

Pero hindi niya ako binitawan. Instead, lumapit siya sa akin. Napaatras ako pero nabunggo ang likod ko sa lamesa. Nagulat ako nang yakapin niya ako.

"A-ano ba..." Tinulak ko siya pero mahina lang iyon dahil parang nanhina ako nang dumikit ang katawan niya sa akin.

"To show you my sincerity.. That I'm really sorry." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Napansin ko lang na hindi pa siya nagpapalit ng perfume. Hindi na ako nagprotesta dahil kahit naman itulak ko siya, mas malakas siya kumpara sa akin.

Para bang 'yong galit ko nabawasan, pero kahit ganoon, hindi pa rin maalis ang galit sa akin. Parang iyon ang pumipigil dahil sa isang dahilan na nararamdaman ng puso ko. Para bang hindi ako makahinga dahil dito. It feels like I'm drowning.

"Sorry." He said again. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at iyon ang naging dahilan para tuluyan ko siyang maitulak ng mahina.

"Kung paulit-ulit kang magsosorry, walang mangyayari. Panindigan mo 'yang salitang 'yan, dahil walang silbi 'yang salitang 'yan kasi walang magbabago lalo na kung paulit-ulit mong gagawin." Sabi ko at tuluyang lumabas nang hindi siya nililingon.

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now