Chapter 73
Pinakaayoko sa lahat ang traffic, lalo na kapag may hinahabol na oras—but this time, hindi ako ang may hinahabol na oras, kundi si Marcus, pero dahil ako ang nagmamaneho at concern ako sa kaniya ay unti-unti ng umiinit ang ulo ko dahil sa traffic.
First day ngayon ng October, at ngayon din ang alis ni Marcus papuntang america. 19th birthday kasi ng kapatid niyang si MJ, aside from that, nangako talaga siya na uuwi siya ngayong month kasama ako pero napag usapan na namin last week na hindi ako sasama dahil hindi namin pwedeng iwan ng sabay ang restaurant. Sa wakas ay umusad na rin ang sasakyan, kaunti nalang at malapit na kami sa airport.
"Nako, Marcus. Takbuhin mo nalang kaya?" Sabi ni Jhanine na nakaupo sa backseat. Natawa naman ako sa sinabi niya. Pwede ng lakarin dito papuntang airport pero medyo mabigat ang mga dala niya at masyadong tirik ang araw. Baka makarating siya sa airport na walwal ang dila niya kung makikipagsiksikan siya sa mga sasakyan na bumber to bumber kung tawagin sa ngayon. Umusad na rin ang sasakyan hanggang sa magtuloy-tuloy na 'to kaya nawala ang worry sa mukha ni Marcus.
"Sige na, dito nalang ako.." Nasa gilid kasi kami ng kalsada ng NAIA at wala kaming mapag park-an.
"Marcus, ah! Size 7 lang ako." Sabi ni Jhanine na nakaupo sa backseat. "Huwag mo kakalimutan!" Tinutukoy nito ang pinapabili niyang adidas na sneakers.
"Opo, madame! Pero bayad?"
"Heh! Sabi mo regalo mo na? Magbibirthday na ako."
Natawa nalang kami. "Sige, alis na ako," He kissed me on the cheeks. "Ikaw na ang bahala sa restaurant."
"Oo naman.. Ingat ka." Sagot ko. Bumaba si Marcus sa sasakyan at kinuha ang mga bagahe sa bumber. Kaunti lang naman iyon kaya hindi na ako bumaba para tulungan siya. Hindi rin naman kasi pwedeng mag park dito ng matagal dahil nasa gilid kami ng kalsada. Pagkapasok niya sa loob ay pinaandar ko na rin palayo ang sasakyan.
"Kamusta naman pala ang gig nila Clark sa resto niyo?" Tanong niya habang naka stock kami sa traffic jam.
Magmo-malling kami today since medyo matagal tagal na rin kaming hindi nakakapag bonding na mag bestfriend. Siya, busy sa school dahil graduating, at ako naman ay busy sa negosyo namin. Paminsan nga tulog na siya kung dumadating kami ni Marcus sa condo. Kinatulugan ang panonood ng k-dramas. Pero madalas, niyayaya niya pa kaming mag movie marathon pero madalas akong tumanggi. Kailangan niyang mag focus dahil graduating siya kaya pinipilit ko siyang unahin ang pagrereview kesa magbabad sa k-dramas. Although, naimpluwensyahan niya ako sa panonood ng k-dramas, kaunti nalang nga ay magiging adict na rin ako katulad niya pero kailangan ko ng time management, kaya pasalamat ako at hindi pa ako ganoon ka obsessed sa panonood."Wala naman."
"Anong wala naman?" Tanong niya ulit. Isang linggo na sina Clark nagpeperform sa restaurant namin, tiyempo namang pagpunta ni Jhanine doon noong isang araw ay wala sila kaya hindi pa sila nagkikita-kita.
"Kung ang gusto mong tanungin ay si Patrick, he didn't change at all. Sa looks? Nagkaroon lang ng kulay ang buhok niya, pero sabi niya tumino na siya, ewan ko lang kung totoo."
Sumulyap ako sa rearview mirror at nakita ang pag ikot ng kaniyang mata. "Hindi naman siya ang tinatanong ko, eh. Kayo ni Clark. Anong mga napapag usapan niyo?"
Sa totoo lang, sa tatlong beses nilang pagkaka roon ng gig sa resto namin last week, hindi kami masyadong nag uusap. Madalas lang nakaasar ang mga pinag sasabi niya at ako naman ay tatablahin siya. Ganoon. Pero dalawang beses lang iyon, tapos umiiwas ako. Napatanong tuloy ang ilang staffs sa resto kung bakit daw ba ang mean ng pakikitungo ko kay Clark. They don't know what happened, really. Hanggang maari ayoko na siyang kausapin.