Part B - Chapter 87

280 13 3
                                    

"Okay lang ba talaga sa'yo?"

I asked him for the nnth time. Mag uusap sila ni Mama. Sabi ni Mama, gusto niyang humingi ng tawad kay Clark at kay Kuya Shawn.

"Huwag kang mag alala. Di ba sabi ko wala na akong sinisisi? Mistakes can't be change but it can be fix. Wala namang magbabago kapag nagalit ako kay Mrs. Flores, isa pa... May hihingin pa ako kay Mama."

Mama. He's calling my mom as his mom too, na kung tutuusin mahirap iyon sa kaniya. My forehead creased. "Ano 'yon?"

"You'll know later."

"Bakit mamaya pa? Saka bakit ba ayaw mo ako pasamahin sa pag uusap niyo nina Mama?" Sabi ko na may halong pagtatampo.

I heard him laugh from the other line. "Kasi nga kami di ba ang mag uusap baby?"

"Fine." I said, defeated.

"Sige na. Magdadrive pa ako."

"Okay."

"I love you."

It feels like my heart gonna explode any moment by now. Ang lakas ng kabog. Tuwing binabanggit niya ang tatlong salitang iyon, parang bago pa rin sa akin ang lahat kahit nasanay naman ako na nagsasabihan kami noon three years ago—mag fo-four years na nga actually simula nang mag hiwalay kami.

Wala na ngayon si Jhanine sa condo. Umuwi siya sa bahay nila sa QC para icelebrate ang pasko kasama ang parents niya.

Naka ayos na ang maleta ko dahil lilipat na rin naman ako ng condo this new year.

"Ate, sama na ako. Promise hindi ako magiging abala sa'yo. I have my money naman para pang shopping, eh. Kaya wala kang aalalahanin. Hindi mabubutas ang bulsa mo ngayon, promise."

Nakasalampak si Ashley sa sofa habang hawak ang cellphone niya. Simula yata nang pagdating nila dito nina Mama at Papa kahapon, cellphone na ang hawak niya. The typical teenagers nowadays.

Pupunta ako ngayon sa restaurant. Nag quit na ako bilang manager. Mag uusap din kami ni Marcus kasi wala pa kaming closure.

"Okay. Sama ka basta hindi ka hahawak ng cellphone habang kasama ako. Nagiging addict kana diyan. Kaya lumalabo mata mo." I scolded her.

"Ang daya naman, sis."

"Sino bang katext mo? May boyfriend kana ba?"

"Wala 'no! Ano naman mapapala ko diyan? Ka chat ko lang sina Angelika. Promise." This thirteen year old kid, habang tinititigan ko ang kapatid ko, nakikita ko ang girl version ni Clark. Her expressions are like Clark too.. Kaugali ko ngalang siya.

She already knew everything. Na hindi siya anak ni Papa. We told her habang ka video chat ko sina Mama noong isang araw na nasa states pa sila.

"Po? Tatay ko papa ni Kuya Clark? Si Tito Seb..." Napayuko noon si Ashley at napakagat sa labi. Napatango ang kapatid ko pero nakita ko ang pangigiligid ng luha sa mata niya. "Is it true, ate? P-papa?"

Tumango kami. "What important naman ay hindi ka tinuring na iba ni Papa 'diba?"

"Saka anak kita, hindi ngalang galing sa akin. You're my little girl remember?" Papa said to her.

Tumango si Ashley at ngumiti. Pero kita ko ang lungkot sa mata niya. "Okay. Alam ko naman 'yon, Pa." She pursed her lips into thin line. "I remembered noong nakita namin siya ni Ate noong galing kami sa simbahan. He treated us in a tapsilogan. Magaan ang loob ko sa kaniya... Kaya pala.." Bumuntong hininga si Ashley at nguniti ulit sa amin. "Punta muna ako sa kwarto. Inaantok ako."

Hindi na niya hinintay na sumagot kami. Pumunta na siya sa kaniyang kwarto. I know my sister got hurt. Alam kong umiyak siya noong time na 'yon. Pero ngayon alam kong okay na siya.

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now