Part B - Chapter 70

174 15 7
                                    

Chapter 70

One month later

"Kape?" Inilapag ni Marcus ang mainit na kape sa harap ko. Sunday ng tanghali at restday namin ngayon, nakikinig ako ng kanta habang nakatambara sa aking laptop at nagchicheck ng monthly income ng restaurant namin. I removed my earphones. He sat beside me. Bumaba ang kita ng restaurant ngayong month, compared noong first month ng restaurant. Medyo may kamahalan nga ang mga pagkain pero kahit ganoon ay reasonable naman.

"Thanks," I said, my eyes still transfixed on the screen.

"Huwag mo na muna 'yang problemahin," tinapik niya ako sa balikat.

"Pero hindi nababawi 'yong expenses. Malaki ang tax, plus iyong kuryente, ang salary ng staffs kesa sa kita. What if maglagay tayo ng pakulo?"

"May alam na akong solusyon diyan," he said nonchanlantly. Ni hindi manlang siya namomroblema na baka malugi kami?

"Ano naman iyon?"

"Tayo nga, Ser. Aalis tayo." He said instead. Tumayo siya at hinila ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Masyado mo kasing pinoproblema 'yan, mag chill tayo ngayon. What about roadtrip?" Napangiti ako nang marinig ko iyon. Matagal na rin akong hindi bumabyahe ng malayo-layo. Around the manila lang kasi ako. Huli akong bumyahe ng medyo malayo-layo ay ang pagpunta ko sa orphanage doon sa batanggas, at hindi pa maganda ang nangyari.

"Tayo lang? What about Jhanine?"

"Sabi niya may lakad siya ngayon 'di ba?" Napatango ako. Oo nga pala.

"Okay. Roadtrip sounds fun."

*

"So, saan mo gustong pumunta?"

"Kanina ko pa nga sinasabi sa'yo, ikaw na ang bahala."

"Sabi mo, ah?"

Pinaharurot na niya ang sasakyan. Kanina pa kaming nagtatalo kung saan ba kami pupunta.

"Ser, wala ka bang natatandaan ngayon?" Tanong niya sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho. Nakapila kami sa toll-gate kaya nakahinto pa ang sasakyan.

Napatingala ako. "Wala naman. Anong mayroon?"

Hindi na siya nakasagot nang buksan niya ang bintana at nagbayad siya ng toll fee. Kaya ng nakagawian, binuksan ko ang audio system sa sasakyan niya at tumugtog ang kantang ngayon ko lang namab ulit narinig.

"Ang tagal nga nating nawala, kasi ang dami kong hindi alam na bagong kanta sa atin."

"Oo nga Ser, eh. Hindi naman ako ganoon kahilig sa kanta kaya hindi ko na 'yan napapansin."

Babae iyong kumakanta. Familiar. Hindi ganoon kataas ang boses niya, medyo sumasayad din kapag bumababa. Hindi rin bagay ang kanta sa boses niya dahil masyadong mataas para sa kaniya. Sino kaya itong singer na ito? Her voice is familiar. I know I already heard it somewhere.

Sa pag alis mo ako'y nagsisi

Mga alala ay gustong ibalik

Mga salita na dapat hindi sinabi

Sana ngayon ikaw ay nasa akinh tabi

"Nandito na tayo." Tumingin ako sa labas ng bintana.

"E.K?" I asked. Of all places. "Pwede sa iba nalang?"

"Bakit? Akala ko ba kahit saan?"

"Ano kasi, takot akong sumakay sa mga rides. Hindi ba sa states hindi ako pumupunta sa amusement park."

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now