Part B - Chapter 76

191 14 7
                                    

Chapter 76

"Parang 'yon lang! Isang beses lang naman siguro tapos, tapos!"

"Sa lahat kasi ng pwedeng hingin niya, bakit iyon pa?"

"Wala namang masama doon. Kakanta ka lang naman. Besides, ginagawa mo naman ito noon, eh."

"Iyon na nga, pero alam mo naman ang dahilan kung bakit ko 'to tinalikuran." Napakagat ako sa labi ko.

"At iyon na nga rin, akala ko ba wala na sa'yo? You'll just sing with them!" Sabi ni Jhanine na parang nangunsume sa pagtatalo namin. Ako nga dapat ang mangunsume ngayon!

"Okay fine! Kaya ayoko sa lahat ang tumanaw ng utang na loob, lalong lalo na sa kaniya. That freak!" Napasubsob nalang ako sa bar counter. Yes, I'll be singing with the PSYCHE. No choice ako kundi pumayag dahil sa utang na loob ko kay Clark sa pagsabay sa akin kahapon pabalik dito sa manila.

"Miss Flores," humarap ako sa kaniya. Nakalabas na ako sa kaniyang kotse at nasa harapan kami ng building ng condo ni Jhanine.

"Yes, Mr. Mendez?"

He grinned at me. At doon ako kinutuban sa ngisi niyang iyon. "Please sing with us."

"Ano?"

"Kakanta ka kasama namin bukas. Mas maganda kapag may ka duet ako, hindi ako sanay na mag isa saka may areglo na."

Pinigilan kong huwag mapairap. Napabuga nalang ako ng hangin at napapikit ng madiin. Kung makapag demand siya akala niya pinapa sweldo niya ako... Although, sila pa rin ang dahilan kung bakit malakas ang kita namin pero ako pa rin ang manager! I was about to protest when he added.

"Since inihatid naman kita dito, that's my favor."

Gusto ko sanang mag protesta pero... Ano nalang ang iisipin niya? hindi sa may pakialam ako sa kaniya, kaya lang, baka kung anong isipin niya. Kung bakit ako tatanggi sa pagkanta kasama nila. Ayokong pumayag dahil, matagal ko ng kinalimutan ang pagkanta, lalong lalo na sila ang kaasama ko.. Ang dati kong mga kabanda. Minus Steffie at dagdag si Harry. Pero sa kabilang banda, baka kung ano'ng isipin niya kapag hindi ako pumayag. Besides, magde desisyon ako para sa restaurant namin ni Marcus.

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now