Part B - Chapter 85

232 18 4
                                    

Chapter 85

'I'm sorry Clark for telling her the truth. But I think she deserved it. She deserve to know.'

'Sorry, nadulas ako, okay? Lasing na lasing siya. Saka hindi naman pwedeng hahambuhay mo iyon itago sa kaniya, ang mali ko lang dahil ako ang nakapagsabi, na dapat ikaw.'

'Natrack ko 'yong location niya, nasa QC niya. Afternight lang ang may pinakamalapit na bar kung nasaan siya kaya posibleng nandoon siya ngayon.'

'Puntahan mo na. Ngayon na, baka mapagtripan siya doon.'

"Please, ngayon na ha? Wala naman kayong gig at rehearsal ngayon.'

'Clark. Alam na niya.'

'Yan ang nabasa kong text message mula kay Steffie. Nang mabasa ko 'yon, kaba agad ang naramdaman ko. She already knew the truth, anong magiging resulta nito?

I kept it a secret for a long time. Pinili kong huwag sa kaniyang sabihin ang totoo kasi ayokong masaktan siya tulad ng naramdaman ko noon. Ano na ang mangyayari ngayong alam na niya?

Nothing will change, I guess. Mas magiging magulo lang ang lahat. Sakto, nasa fairview ako dahil hinatid ko kanina si Ate Chin dito dahil may appointment siyang check up, pinasuyo sa akin ni Kuya since he was busy sa hearing ng kasong hawak niya ngayon. She's pregnant, 2 months. Ang sabi ni Steffie nandito daw si Serene sa QC. Agad akong pumunta sa afternight. Alam ko ang bar and grill na 'to dahil nakapag gig na kami rito twice.

And then, I spotted her. Right after I stopped my car. Nakatalikod siya pero alam kong siya iyon, dahil saulado ko na ang plate number ng kotse niya, at alam na alam ko na rin ang figure niya kahit nakatalikod pa siya. Nagkakalkal siya sa bag niya, nakaharap sa kaniyang kotse. I walked towards her direction and grabbed her arm. Napaharap naman siya sa akin. Wow, she's so... Fucked up. Literally. Maputla, kalat kalat ang eyeliner, maga ang mata.

Anong nangyari sa kaniya?

"I miss you, halika na iuuwi na kita." Hindi ko alam, kusa nalang iyon lumabas sa bibig ko. By looking at her, I know she needs comfort. Hindi naman siya maglalasing ng mag isa kung wala siyang problema.

"Oh, bakit ka nandito?" Tinuro niya ako gamit ang kamay niya. Tumawa siya at kung ano ano ang binatong salita sa akin. Hinila ko siya kasi pinagtitinginan na rin kami, isa pa, kahit papaano may ilang mga nakakakilala sa akin kasi vocalist at composer ako ng isa sa mga sikat na banda dito sa pilipinas. May entitlement pa ako, hindi naman sa pagmamayabang.

"Putangina niyong mga lalaki! Hindi na talaga ako magmamahal, tangina! Una ikaw, hayop ka—" tinulak niya ako kaya nakawala siya sa hawak ko. Mabilis ko din agad na nahuli ang kamay niya at pinapasok sa kotse ko. Mabuti nalang hindi ang bago kong kotse ang dala ko dahil pinagsisipa niya ito sa gulong bago siya pumasok. So, this is the drunk side of her. This is my first time seeing her drunk, when we were still together, umiinom naman siya, vodka. Pero hindi ganitong karami. Hanggang tipsy lang siya. One time when we had a gig on a resto grill, diretso kaming uminom. Chill lang dahil katatapos lang noon ng prelims. I didn't let her drink, yes, uminom siya pero hindi ganoon kadami. Patikim-tikim lang. In return, she didn't let me drink too. Okay lang naman, samantalang sina Steffie, walwal talaga kung walwal nung time na 'yon, at kaming dalawa, juice lang. Perks lang kasi naging taga hatid kami noon na dalawa sa mga lasing naming kaibigan.

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now