Part B - Chapter 71

161 11 2
                                    


Chapter 71


Paminsan nakakatakot maging masaya.

sa sobrang saya kasi natin, hindi natin maiisip ang sunod na mangyayari. Hindi tayo handa sa mga unfortunate events na mangyayari sa buhay natin, o sa paligid natin.

Bakit tuwing nagiging masaya ako, parating may hindi magandang nangyayari? it happens all the time. Parating panandalian lang, then after the happiness, disaster na. Paminsan napapaisip ako, hindi ko ba deserve maging masaya? para bang sa tuwing nagiging masaya ako, parating kailangan may kabayaran ang pagiging masaya ko. When I was a teen, positive thinker ako. Iyong mga problema ay hinaharap ko ng buong buo, kasi sa isip ko, wala namang problema ang hindi masosolusyunan, kasi noong nag aaral pa ako, wala akong problema sa pag aaral. I was an acchiever. Samantalang ang iba, hindi ko mawari kung bakit halos maglupasay na sila dahil lang sa problema nila sa subjects. Mas mahirap pala talaga ihandle ang mga problema when you became an adult. 


Iyong totoong sayang naraamdaman ko kanina, ay panandalian lang pala. Move on na ako. Isinisiksik ko 'yan sa isip ko. He's nothing but a part of my past.  I was planning to forget him, then this happens. Paano ko mabubura ang mga hindi magandang alaala kung magiging katrabaho--o mag tatrabaho sa restaurant namin ang ex ko? 


Bullshit.


"Ser, are you okay?" tanong ni Marcus at hinawakan ako sa balikat. Nakaupo kami nina Marcus ako, at ang bandang PSYCHE sa iisang table. Sabi ni Marcus, pag usapan namin ang tungkol sa pagkakaroon ng regular gig ng banda nila sa restaurant namin--para daw mas dayuhin, in that way dadami daw ang customer.

"H-ha? of course, sorry, ano nga ulit iyon?"


After malaman kong magtatrabaho sila sa restaurant namin, I walked out. And I regret that I did it! Because Clark is taunting me. Kitang kita ko sa tingin niya ang pang aasar sa akin. Nakakainis! Dumiretso ako kanina sa restroom, then Marcus followed me. Paglabas ko ay nagsinungaling nalang ako at sinabi kong bigla akong nakaramdam ng pagsusuka kaya nagdali-dali akong pumunta sa banyo at hindi ko sinasadya ang biglaang pagtalikod sa kanila. Of course he became worried, good thing I assured him that I'll be fine. And Patrick, of course his blabbering mouth, kaya nalaman ni Marcus na matagal ko ng kakilala ang members ng PSYCHE, well, except Harry.

"As I was saying, mabuti nalang na college friends mo na sila, it means hindi tayo magkakaproblema! liban nalang kay Harry, pero nakilala mo naman na siya a month ago diba?"


"Y-yes."


"So, bakante kami every 6pm, pero depende pa rin kung may gigs kami or important matter na kailangang gawin," wika ni Clark. "We can perform regularly, basta 6-9pm."


"So deal! naku, excited na ako. Dadami ang customers dahil sainyo," Marcus said, and turned to me. "Alam mo ba Ser, hindi lang sila basta banda. Sikat sila, they perform on malls, at saka ang ilang kantang naririnig natin sa radyo? they sang it." Actually, I don't care about that.. pero kasi, noong narinig ko ang salitang perform parang may pumukaw sa loob ko. Its as if I wanted to go back in singing. Pero huwag na, wala naman akong mapapala sa pagkanta. What important is, our restaurant. But hell, anong nangyari sa pangarap ko na maging singer--should I say sikat na singer balang araw? Parang nanghinayang ako bigla sa pagtalikod ko sa musika, when in fact, naging parte na ng buhay ko ang music, lalo na ang pagkanta.

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now