Chapter 79
"Bukas?"
"Yes, Ser ko. Bukas 'yong flight ko pabalik diyan."
"Napaaga yata Marcus?" I asked him. Nagfefacetime kami ngayon. Nandito ako sa sala dahil baka magising si Jhanine kung doon ako sa kwarto.
"Syempre, miss na kita, eh. Ako ba hindi mo namiss, Ser? Sabihan mo si Jhanine, ihanda na niya ang mga banderitas sa pagbabalik ko." Biro niya.
I chuckled. "Sira ka talaga. I missed you too, syempre." What I liked in Marcus' personality is that his atittude. Magaling siyang magdala sa sitwasyon. Joker kaya masayang kasama. Boyfriend material. Ni minsan wala siyang ipinaramdam sa akin na kakaiba. Hindi siya nagpakita ng kakaibang treatment sa akin. Hindi man kami madalas magsabihan ng sweet words or I love you's, pero naipaparamdam niya iyon sa akin through his wittiness.
Maya-maya ay tinapos na rin namin dahil aayusin pa daw niya ang mga gamit na dadalhin niya pabalik.
Pabalik na sana ako sa kwarto namin ni Jhanine nang may kumalampag sa pinto. Sinundan ng tatlong magkakasunod na katok. Wala naman akong natatandaan na may pinapuntang bisita dito si Jhanine, isa pa disoras na ng gabi. I glanced at the wallclock. 10:30pm.
Sino kaya 'to? Baka naman ang janitor na naglilinis sa floor na 'to?
Out of curiousity ay pumunta ako sa pinto. Pinihit ko ang doorknob pero nagulat ako nang pagbukas ko nito ay biglang bumulagta sa akin si... Clark.
Anong ginagawa niya dito?
He smells alcohol.
"What took you so long?"
"Ano?"
"What took you so long to open the door? Hindi mo manlang ba inisip na naghintay ako... Ah.."
"Clark bakit ka nandito?"
"You.. Because I want you... I want..." Napahawak siya sa kaniyang bibig. Looks like he's about to vomit. Bakit kasi dito siya pumunta? Saka anong sinabi niya? He wants me? Alam ko may mallshow sila ngayon, nakita ko sa TV. Kaya pala ang gara ng suot niya kanina.
Nakatakip ang isa niyang kamay sa kaniyang bibig habang ang isa naman niyang kamay ay nakaturo dito at sumisenyas na kailangan niyang magsuka. Nataranta naman ako. Baka naman magkalat pa siya dito at ako pa ang masukahan niya! Ginuide ko siya papunta sa kusina at doon siya nagsuka. Sumaldal lang ako dito. Sa dami ng pwede niyang puntahan dito pa talaga... Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ginugulo niya ako, when in fact hindi na niya dapat iyon gawin kasi tapos na kami. At kung gusto man niyang makipag kaibigan, hindi ko pa kaya. I just want him out of my life. To forget him. Tapos ngayon susulpot siya at aasta na parang walang nangyari.
Sana pala hindi nalang ako umuwi dito sa pilipinas. Sana pinagpatuloy ko nalang ang buhay ko doon sa states at doon ako nagtrabaho. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ko?
Hindi ko naman kasi iniexpect na magkikita pa kami ulit. Kasi unang una, wala na akong planong makipag communication sa kaniya, kaya nga pati sa mga schoolmates namin, kasama na sina Patrick maliban kay Jhanine ay pinutol ko na ang komunikasyon ko. Tapos ngayon ito lang ang mangyayari?
I was in deep thoughts kaya hindi ko napansin na tapos na pala siyang magsuka. He's looking at me intently, I felt a bit awkward. My back is leaning on the sink.
"Go home. Bakit ka ba nandito?!" Hinila ko siya para umalis na pero nang makatapat kami sa sofa ay umupo siya dito diretso higa.
"Ano ba! Tumayo ka nga diyan!" Ungol lang ang sinagot niya sa akin. "Hoy Clark!" Tinapik ko siya pero tinalikuran niya lang ako. "Hindi ka diyan tatayo?"