Chaper 83
Nagsawa. 'Yon ang rason. Pero bakit parang hindi ako satisfied sa sinagot niya?
We're looking at each others eyes, as if reading each others thoughts. Ako ang unang umiwas ng tingin.
Tatayo na sana ako sa swing para pumasok sa loob at magpaalam na aalis na pero muli siyang nagsalita.
"Its three years, Serene."
Sumikip pa lalo ang dibdib ko. Ganoon ba ako ka boring kaya siya nagsawa sa akin? Kaya hindi na niya nakayanan pagtapos ng tatlong taon? I thought were happy. Walang mali sa relasyon namin bago niya ako iwan.
"Three years, ganoon tayo katagal. Pero dahil sa nagsawa ka, just one night, you ended up everything in us." Akala ko, habang dumadagdag 'yong araw, oras na magkasama kami.. Mas lumalalim 'yong pagmamahal namin. Pagmamahal niya, pero imbes na lumalim, pinagsawaan niya.
"Kung ganoon, bakit wala kang sinabi noon? Bigla ka nalang lumayo. Nangiwan sa ere na parang walang nangyari," I said. "G*go ka rin 'no?" I can't help but to say it.
"I'm so sorry... I don't want you to get hurt."
"You don't want me to get hurt? Then, bakit mo ako sinaktan?" Kinagat ko ang labi ko as I whispered. "Bumalik kapa sa buhay ko."
"Are you still hurting?" He asked, I didn't answer him. Pero ang nakakainis, ang kanina ko pa pinipigilang lumabas ay pumatak mula sa mata ko.
And again, I cried because of him. Infront of him. I feel so weak. Useless. Nangako na ako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak na siya ang dahilan. Pero ano ito? I went to states to change myself. To forget him. To be a better version of myself. Kasi tingin ko, hindi sapat ang pagiging matalino at matino ko. Ni bisyo wala ako noon, natuto lang akong uminom after kong grumaduate sa college. Puro acads ang focus ko noon. Hindi rin ako 'yong tipong gala na babae. School-gig-home lang noon ang routine ko. Minsan lang kapag nagkakayaan kaming lumabas labas para mag chill. I'm a goody shoes type of a student na may pagkasuplado. Yes, aminado ako doon. Well, its part of my defense mechanism. Idagdag pa na mataas ang pride ko. Student leader rin ako noong highschool, sabi nila brain and beauty ako, plus talented dahil sa pagkanta ko. At dahil doon, maraming nag attempt na manligaw sa akin, kasama na iyong si Joshen. Hindi ba iyon naman ang gusto ng mga lalaki? Pero pagdating sa kaniya, balewala ako at mabilis lang sa kaniyang iniwan ako sa ere.
Hinigit niya ako palapit sa kaniya at kinulong sa mga bisig niya. Dinig ko ang tibok ng puso niya nang lumapat dito ang pisngi ko.
Ang sikip ng dibdib ko. Ang sakit pa rin.
At gaano ko itanggi, kahit ayaw mag sink sa akin...
Kahit ayaw kong aminin sa sarili ko, ay may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Sa ex ko.
"I'm sorry for hurting you. Its not my intention, ayokong nakikitang nasasaktan ka. It... It hurts me too, Serene."
"Hindi ako nasasaktan. Moved on na ako, Clark. Ano akala mo hindi pa? Mahal ko si Marcus." Garalgal ang boses ko at mahina. I feel so weak right now. Anong nangyare sa akin? Oo, move on na ako kahit papaano, pero sa tuwing nauungkat ang nakaraan, bumabalik 'yong sakit. Tuwing nakikita ko siyang kasama si Yuuri, nakakaramdam ako ng selos at mali ito. Lumayo ako sa kaniya ng bahagya. "Saka nasasaktan ka na makita akong masaktan? Kaya ba ilang beses mo akong tinalikuran noon?" Nagpunas ako ng luha ko. Mga traydor. "Masaya ako kaya ako umiiyak. Masaya ako kasi, dahil sa'yo nahanap ko ang taong deserving ng pagmamahal ko, and its Marcus, kaya salamat ah? for making me this kind of person. For letting me love other person."
Ang tagal kong hinintay na masabi iyon sa kaniya. Kahit papaano, gumaan ng konti ang loob ko. After finishing my sentence, I saw a familiar car stopped outside the orphanage. Lumabas ang lalaking naka t-shirt mula dito. Awtomatiko akong napangiti pagkakita sa kaniya. Mabilis kong iniwan si Clark sa swing at lumabas sa orphanage.