Chapter 82
In the past few weeks, bihira kami magkita ni Marcus. Madalas siyang wala sa restaurant. Ang sabi niya, may importante raw siyang nilalakad. Gabi na rin siya umuuwi sa condo kaya paminsan hindi na kami nagpapang abot. Lalo pa't minsan ay pagod rin ako kaya hindi ko na siya nahihintay. Although, mabilis niya naman ako reply-an kapag nagtitext ako sa kaniya.
Good thing kay Clark, medyo nababawasan na 'yong inis ko sa kaniya kasi hindi kami masyadong nag uusap. May gig pa rin sila pero madalas kong nakakausap sina Ves and Steffie. Yes, nagkabalikan na ulit sila. Noong nakaraan nga, nagkaroon kami ng reunion sa Padis. Kami na magkakabanda noong college. Well, kaming dalawa lang naman ni Steffie ang wala na sa banda. Alam na rin ni Marcus na ex boyfriend ko si Clark. Nagulat ako kasi nagbasa raw siya ng comments doon sa YouTube kung saan naka upload ang pagperfrom ko kasama sila. Halata ko namang nagtampo siya noon pero inexplain ko sa kaniya kaya naayos din namin agad. Pero sa pagpunta ko sa reunion ay nagsisi ako. Si Steffie lang ang kausap ko the whole time, tapos sila may kaniya-kaniya na. Lalo na si Clark at Yuuri, na parang nakalimutan ang presence namin.
"Alam mo bang ngayon nalang ako nakapag chill ulit ng ganito sa sobrang busy?" Steffie said, nakaupo siya sa tabi ko, sa tabi niya si Ves na nakaakbay sa kaniya. Sa harapan naman namin si Harry at Patrick, at sa gilid sina Clark at Yuuri. Pinipigilan kong huwag mapatingin sa kanila.
"Masyado kang busy. Seryoso, hindi ko alam na magiging journalist ka, I mean I thought you're into music."
"Yes, I am. Pero kasi sa pagkanta walang kasiguraduhan. Permanent job ang kailangan ko. Swertehan sa mundo ng musika, buti nalang sinwerte ang mga kabanda natin, saka nagquit din ako kasi nag away kami ni Ves. Tapos nakahanap agad sila ng kapalit ko. Ang sakit nga niyon e. Sabi niya sa akin, ano akala mo sa sarili mo, kawalan?" Nilakasan niya pa ang huling salita at sinadyang marinig ni Ves. Na tense ako kasi baka mag away nanaman sila, pero tinawanan lang siya ni Ves. O-kay? Nakalimutan kong normal na sa kanila ang mag away.
After a while, I excused myself to use the comfort room. I was a bit tipsy, but I still managed myself. Paglabas ko sa cubicle, naabutan ko si Yuuri sa harap ng salamin. Sa totoo lang, hindi kami nagpapansinan. Sometimes, she's trying to approach me but I am avoiding her, kesa sa makapagsalita ako ng hindi niya magugustuhan.
"Hi," she smiled at me. I didn't utter a word. Sabihan na ako ng walang manners, pero hindi maalis sa akin ang ganitong pakiramdam. Na naiinis ako sa kaniya.
"Sa totoo lang dapat wala ako dito eh. Kasi di niyo naman ako kabanda noong college."
"Then, why are you here?"
"Clark invited me," nag apply ako ng lipstick sa labi ko. I glanced at her at the mirror, Yuuri is taller than me, may side bangs siya at burgendy ang kulay ng buhok. Yes, she's pretty. She has this angelic face look eversince college. While I looked boyish noong college ako, na medyo nabago na ngayon. Kaya ba madali lang kay Clark na ipagpalit ako sa kaniya? "Saka wala naman masama na kasama ako kasi kasama din si Harry na hindi niyo kabanda noon."
"Right, excuse me." I said, taking an exit.
"Bakit mukhang ang bitter mo pa rin? Do you still have the hots on him?" Napatigil ako sa paglalakad palabas sa girls restroom at hinarap siya.
"Excuse me?" Napakagat ako sa labi ko. "Para sa ikakapanatag mo, no. Bakit naman, eh siya mismo ang tumapos sa min dahil pinili ka niya over me," I faked a laugh. "Ang tanga ko naman yata kung hanggang ngayon may gusto pa rin ako sa kaniya." I added before making my way back to make ex-bandmates.