Part B -Chapter 81

168 10 2
                                    

Chapter 81

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masama ang magsinungaling. Paminsan, kailangan nating maglihim para hindi makasakit. Para hindi maging kumplikado ang mga bagay. Kumbaga, mabuti naman ang rason mo kung bakit ka nagsisinungaling, pero paano naman kapag sa'yo nagsinungaling? Its sure as hell is the worst.

"Babe," nilingon ko si Marcus nang tawagin niya ako. Nagbabyahe kami papuntang restaurant, kaaalis lang namin sa condo. Traffic pa. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Napalunok ako. Hanggang kailan ba ako maglilihim sa kaniya? Deserve naman ni Marcus malaman ang totoo. Na ex boyfriend ko si Clark, kaso, paano nalang kung dahil doon hindi na niya patugtugin sina Clark sa restaurant namin?

But then again, so what?

Iyon naman ang gusto ko. Ang maputol ang connection ko kay Clark. Pero parang ang sama ko naman kung dahil lang sa rason na iyon ay hindi na sila tutugtog sa amin. Kahit pa sabihin kong maraming nag-o-offer sa kanila dahil sikat ang banda nila... Dapat nga maging thankful pa kami dahil sa kabila ng kanilang busy schedule nagagawa pa rin nilang tumugtog sa restaurant namin.

Naisip ko 'yong ginawa ni Clark kanina. Hinalikan niya ako. Para saan iyon? Ang hirap maging confuse.

"Sorry babe. Nakalimutan ko rin kasi, dalawang beses lang naman 'yon dahil nagsubstitute ako kay Steffie." I said apologetically, but thats not the thing. Ang hinihingi ko ng tawad ay ang pagsisinungaling ko sa kaniya. Ang hindi ko pagsabi ng totoo. Ang pangit kasi sa pakiramdam, eh. Para bang may nakatarak sa dibdib ko, at hanggang hindi ko nasasabi sa kaniya ang totoo ay hindi maalis ang ganitong pakiramdam--pero si Clark, may tinatago siya, alam ko. How can he bear living knowing na may sikreto siyang hindi masabi hanggang ngayon?

I know there was a reason. Na convince na sana ako na dahil lang kay Yuuri, pero base sa kung paano magsalita sina Ves ay alam kong maski sila ay may inililihim. I know there is deeper reason than that.

Pero ano ngayon? Napag isip isip ko, sa sobrang guilt na nararamdaman ko sa paglilihim kay Marcus, ay huwag ko ng ipilit na alamin ang kung ano mang rason ni Clark. Tutal, tapos na kami. Nasa tabi ko ang boyfriend ko ngayon, alam kong hindi siya gagawa ng ikakasira namin dahil if ever? Ewan ko nalang. Nagiging maayos na sa akin ang lahat.

So I guess, ititigil ko na ang pag alam sa rason na 'yon. I'll just focus on my relationship with Marcus, our relationship isn't perfect, but I'll make it a perfect one. Iyon nalang ang focus ko sa ngayon aside from our business.

"I'm not mad, okay? Mabuti nga iyon, eh. Kasi nakilala ka, hindi ba nga, pinangarap mo noon maging singer? Bakit naman ako magagalit? Ser talaga." Sagot niya at pinisil ang kamay ko na nakalagay sa aking lap.

I heaved a deep sigh and streched my lips into a smile. Noon nga lang ba? Ayokong lokohin ang sarili ko na kinalimutan ko na ang pagkanta dahil ni minsan ay hindi ko iyon ginawa. Nilayuan ko ito oo, dahil tuwing nakikinig ako ng musika ay naghahatid ito ng hindi magandang alaala, but for pete's sake I badly want to become a singer--a famous singer up until now. Lahat ng singer iisa lang naman ang goal; ang magbigay ng magandang musika kung saan mararamdaman ng mga nakikinig ang emosyon ng kanta at ang makilala ng marami. That's my dream eversince I was a kid.

"Hanggang ngayon pa rin naman." I whispered, I don't know if he heard it kasi hindi naman siya tumugon.

"Nga pala," napalingon ako sa kaniya nang magbukas siya ng topic. "May pupuntahan ako mamaya. Siguro mga hating gabi na ako makakauwi."

"Bakit?"

"Hang with my highschool classmates, babe. Huwag mo na ako hintayin mamaya, mga midnight na ako makakarating."

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now