Chapter 77
"Sigurado ka ba talaga? Na aalis ka? Nakakainis naman 'to! Iiwan mo ako dito." Jhanine crossed her arms over her chest.
"Kailangan ko doon mag aral."
"Oo nga, matagal kanang niyayaya ni tita na doon mag aral sa states para magkakasama kayo pero di ba hindi ka pumayag? Kasi ayaw mo kaming iwan.. 'Yong banda.. Si Clark." She heaved a deep sigh. Inayos niya ang pagkaka upo niya sa kama ko dito sa kwarto. "Pero naiintindihan naman kita. Bestfriend mo ako, all I can do is to support you." Tumayo siya sa sofa at kinuha ang isa pang trolley. "Tulungan na kitang mag impake."
"Thanks, Jha." I intertwined my hand to her. "Ang sakit..." Pinisil niya ang kamay ko. She just gave me a smile. A comforting smile. Napadako ang tingin ko sa may bintana, kung saan nakalagay sa stand ang gitara na regalo sa akin ni Clark noong birthday ko. Kinuha ko ito at akmang lalabas sa kwarto.
"Oh, saan mo 'yan dadalhin?"
"Itatapon. Just like what he did to our relationship, right?"
"Bes, I understand you pero ang mahal ng gitara na 'yan!"
"Aanhin ko pa ba 'to? Music? That's bullshit."
Bumuntong hininga si Jhanine. "No, music has been a part of your life. A big part of your life. Magmula elementary mahilig kana sa musika. Hindi ba nga kapag nalulungkot ka dahil namimiss mo sina Tita, idinadaan mo nalang sa kanta o nakikinig ka sa kanta. Music pa nga ang nagkakapag comfort sa'yo."
"At noong elementary tayo, sumali ka sa singing contest sa school para umuwi sina Tita at panoorin ka.. Akin na nga 'yan." Kinuha niya sa kamay ko ang gitara. "Itatago ko 'to. Sayang, eh. Basta kung babalik ka sa musika, nandito lang 'to sa akin. Anytime pwede mo 'to makuha. Okay?"