Chapter 88
"Ang tagal na rin pala noong huli akong pumunta dito," sabi ko nang itinigil ni Clark ang kotse sa memorial park. Noong kami pa ay madalas naming bisitahin ang puntod ng mama niya kasama si Kuya Shawn. Paminsan naman ay kami lang at nagpapaumaga kami noon dito. Those old times that I didnt know I will experience again with him.
Napansin kong iba yata ang dinaanan namin papunta sa puntod ni Tita.
"Hindi ba doon sa kabila ang puntod ni tita? May iba kapa bang bibisitahin?" Tanong ko kay Clark habang naglalakad kami ng magkahawak ang kamay. Sumusunod lang ako sa kaniya kasi medyo hindi ko kabisado sa laki ng memorial park pero natatandaan kong sa kabilang parte iyon.
"Nandito na tayo." Biglang tumigil si Clark sa harap ng isang lapida.
Sebastian Gabrielle Mendez.
Born: August 5, 1968
Died: January 28, 2017Napatingin ako kay Clark habang hindi makapaniwala sa nabasa.
Tito Seb already... passed away?
"Paano?" Tanong ko kay Clark at bigla nalang nanubig ang mata ko. Mabilis ko siyang niyakap. Last year. Last year lang namaalam si Tito Seb. Bakit hindi ito sa akin sinasabi ni Clark? Simula noong magbalikan kami, medyo napapag usapan namin si Tito Seb but I didn't know that he already passed away.
"Heart failure. Kaya pala hingi ng hingi siya sa akin ng tawad bago siya mawala.. iyon pala, aalis na siya ng permanente."
"Nakakainis ka! Bakit hindi mo manlang ito binanggit sa akin?" Mahina ko siya sinuntok sa dibdib. Ulilang lubos na si Clark at ang sakit na malaman iyon. Kaya pala dalawa ang dala naming bulaklak. Inilapag niya ito sa puntod ni Tito Seb at naupo kami sa tabi ng lapida nito.
"Sorry. Ayaw ko kasing kakasimula palang natin ulit tapos bibigyan agad kita ng problema." I can see the sincerity in his eyes. "My life was so fuck up."
"Ano ka ba, Clark? Problema mo problema ko rin! Napag usapan na natin 'to 'di ba? Na walang sekreto."
"Sasabihin ko naman sa'yo kaya lang..." pinisil ko ang kamay niya.
"Okay na. But can you tell me why and what happened?"
"Noong time na walang wala ako at nagsisimula palang ang banda, he kept on sending me money. Lalabas nalang ako sa unit ko dahil may mail na ako na ang laman ay pera," pagsisimula niyang magkwento. "I knew that it was from him so I didn't ever used the money. Itinatabi ko lang 'to. Ang alam ko, umuwi siya sa mga kapatid niya sa bataan at doon tumitira. Tapos... nalaman ko nalang na wala na siya. Tumawag sina tito, kapatid ni Dad. Wala na raw. Inatake."
I see many emotions in his face while listening to him.
"And I thought, I'm a worst son ever. Ni hindi manlang kami nagkaayos bago siya nawala. Sising sisi ako hanggang ngayon. Nag away pa kami ni Shawn at doon ako natauhan noong suntukin niya ako at pagsalitaan ng kung ano ano. He was blaming me and I accept his every punch. Sobrang guilty ko and I almost drop my career. Ayaw ko na sanang magbanda at nawalan na ako ng gana," pinapakinggan ko siya habang ako ay iyak ng iyak. Walang luha sa mga mata ni Clark pero kita ko ang sakit sa mata niya habang nagsasalita. "Pero itinuloy ko pa rin ang pagbabanda at naisip na walang magandang mangyayari sa buhay ko kung magpapakamiserable ako. I blamed him because we broked up. I blamed him because mom died na dapat ay hindi siya sisihin. Walang may gustong mawala sa Mama."
Hinigit ko palapit sa akin si Clark at niyakap. "Now, stop blaming yourself." Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit so that he can feel that I am here. I wont left him. I'll stay by his side even in his vulnerable days. "Pwede ba 'yon? I promise, I'll stay whatever happens. You're not alone so please don't blame yourself anymore. Kung nasaan man ngayon si Tito Seb, alam kong masaya siya kasi maayos na ang lahat." Naramdaman kong niyakap rin ako pabalik ni Clark.