Chapter 38: New Life

1.3K 35 3
                                    


Sam's POV

Kringggggggg/kringggggggg/

Badtrip naman.
Ang aga pa eh huhu
Gusto ko pa matulog..

5 minutes muna..

Kringgggggggg/kringggggggggg!!!!!!!

Eto na nga eh. Tatayo na nga diba? Nakakalokang alarm clock to!
Sakit mo sa tenga!

Kinuha ko na ang towel ko para naman makapagligo nako.

Lunes  na naman..
Hayssss... automatic niyan may pasok.

After kong maligo.
Nagbihis nako at nag ready nako ng mga dadalhin ko sa school.

Bumukas ang pinto.

" Hoy taba!! Bilisan mo nga !! Antagal mo talagang kumilos..."

Si kuya..

" Opo senyore.."

Bumaba na kami pareho.

" samantha, kain muna anak" pagyayaya ni yaya paning.

Mukhang masarap yung almusal ah. May hotdog, bacon at corn beef pa..

" Kuyaaaa"

" Oh? Kakain kapa? Wag na antaba mo na.."

" Grabe ka naman! Kakain lang yung tao eh.. bahala ka, kapag pumayat ako, maraming manliligaw sakin.."

Sabay taas baba taas baba ng dalawa kong kilay.

Tumawa naman siya ng malakas.

"WAHAHAHAH!!!!!!"

Grabe.
Para talaga siyang halimaw kapag tumatawa.
Rinig hanggang sa kabilang village.

" Kahit naman pumayat ka! Walang magkakamaling manligaw sayo." pang aasar.

" eh bakit? Edi sige.. panget nako kung panget! Eh magkapatid tayo! Kaya panget ka din.. iisa lang pinagmulan natin!" Sigaw ko.

Sumimangot naman siya.
Sus! Totoo naman ah.
Iisa lang ang pinagmula namin.
Kaya mas tatanggapin ko kung pareho kaming panget.

After kong kumain.

Hinatid nako ni kuya sa school.. sabay kami.

Pagkarating namin dun.

" Bumaba kana.. ipa park ko lang to.."

At dahil sobrang bait ng kuya ko na pwede ng maging santo balang araw.. at dahil sa sobrang linaw ng napakaganda at kaakit akit na mata..

Pababa palang ako.
Inandar na kaagad yung kotse.
Kaya nasubsob ako.

Tatayo palang sana ako, bigla niyang inandar.

" Ouch!"

Napahiga ako.

Napahawak ako sa ulo.

Nauntog ako sa may kotse, ansakit!

" ay haha! Sorry... panget pala ahh.." pang aasar niya.

Tumingin ako sakaniya, natatawa pa siya.
Hindi ba siya naaawa sa kapatid niya ha?
Nakakainis.

" tumayo ka na diyan."

Pagtingin ko sa paligid ko.
Maraming nakatingin sakin at pinagtatawanan ako.

inandar naman na niya ang kotse at iniwan akong nakaupo dito.
Napakabait talaga ng kuya ko hoooooo!!!

Tumayo nako at nagpagpag ng palda.

At dumiretso sa classroom

Pagkarating ko don.

Nandun na si marco, ken, Dino, lee, suan, drek.. at ang isa pang halimaw na si patrick.

Nabalitaan ko kasi na nagbalik na daw ang dating G-Dragon kuno.
Si drek na dating masungit at suplado,medyo okay na siya ngayon...unlike dati.

" Bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang sinabong." Sabi ni ken

Katabi ko nga pala siya

" Si kuya kasi eh. Pababa palang ako inandar kaagad yung sasakyan.. nasubsob tuloy ako." Paliwanag ko.

" Hahahaah!!!"

" teka anong nakakatawa? Hays. Pareho pareho talaga kayong abnormal..."

Nakakainis naman.
Pag ako napuno, pag uuntugin ko talaga kayo.

Humarap nako sa Harapan.
Sa harapan naman talaga haharap diba?
San ba dapat? Sa likod.
Sige nga harap ka sa likod.

Teka.. ano ba tong pumapasok sa utak ko.
Naalog ata yung utak ko kanina ah..
Nakakainis talaga.

After magturo ni Prof.

Recess na..
Gutom na naman ako.

Agad ko namang kinuha yung bag ko.


Teka bat ayaw..

Sinubukan kong iangat ulit.
Haysss.. ano bang nangyari.

Pagtingin ko,
May nakadikit na bubble gum.
Wth! Badrip naman!
Sino ba kasing epal...

Pagtingin ko sa linya ko.

Tumatawa si patrick.

Siya nga!!
Buwesit!!

Siya ang naglagay ng bubble gum sa upuan para dumikit yung bag ko.

" Anong nakakatawa?" Pagtataray ko.

Tumingin siya sakin tas tumayo siya.

Nginitian niya ko.

" Bago ka kasi umupo.. tignan mo muna yung uupuan mo..baka kasi may bubble gum.." then he smirked.

Yung ngiti ng mga demon, ganern.

" Hays.. nakakainis talaga!"

Pwersahan kong hinila yung bag ko.

Pagkahila ko.


Ayun bes.

Lumipad..

Ano ba namang buhay to.
Pikon na pikon nako ah.

At itong mga to naman..
Imbis na tulungan nila ko na makatayo dito.
Pinagtatawanan pa nila ko.

Akala ko naman mabait yung Lee? Ha?>.<

kinaibigan pako nung field trip.. pasaway din pala.

Tumayo ako.

Lalabas na sana ako ng room
Pero tinawag ako ni drek.

" samantha.."

Lumingon ako with matching taas kilay.

" Okay ka lang?" Tanong niya.

Mukha bakong Okay?!
Duhhhhhhh..
Nang aasar lang ata toh!
Bat ko ba siya nilingon.

Dumiretso ako sa paglalakad.

Tumaas ata BP ko dun ah.














Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon