chapter 2:Library

3K 70 2
                                    

Natahimik sandali si riza sa kinauupuan nya..

Nagpatuloy naman si sir opo sa pagtuturo..

" mamaya nalang.. Si sir kase eh.." Bulong ni riza.

Kulit talaga nitong kaibigan ko.

After magturo ni sir opo..

Niyaya ako ni riza pumunta ng library..

" teka, bakit tay-?"
" diba nga naputol yung usapan natin kanina.. Si sir Opo kase eh" inis nya
" at sinisi mopo si sir op-?"

" excuse me!"

" te- teka! Ang ingay mo kase eh. Yan tuloy.." Sabi ni riza.

" ay sorry nasa library nga pala tayo. Eh ikaw kase!"

" Hindi ba talaga kayo tatahimik?"

Hindi ko alam kung saan nagmumula yung boses na yun. Pe pero.. Parang pamilyar sakin ah.

" tsk! Halika na nga lang." Sabi ko.

" mga ms. "

Palabas na Sana kami pero humarang kaagad yung lalaking naka cap.

" ay palaka!" Sigaw ko.
" SAMANTHA!" sigaw ni riza.
" sorry, nakakagulat kase tong mama na to".
" SAMANTHA!" Sigaw nya ulit.

" kanina muntik ka ng mamatay dahil wala ka sa sarili habang naglalakad.. At ngayon, mag iingay ka dito sa library.." Sabi nung mama.

Aba teka. Lintek!! Sya nga.

" IKAW!?"
" Oo. Ako nga." Maangas niyang sagot .

Sus, takot ba siya? At nagsama pa siya ng dalawang ugok.

" hahaha. Hoy! Fyi. Sinabi ko na sayo kanina na nasa pedestrian lane ako! At ikaw dapat ang huminto dahil violation yun!"

" kung masama akong tao, Sana pinakulong na kita" dagdag ko.

" pinakulong? Hahaha nako miss. You don't have rights to put me on jail... Sa totoo nga lang wala kapa sa pedestrian lane." Sagot niya.

Tumingin ako Kay riza.
Bat parang gulat na gulat sya.

" hoy! Riza!?"

"Okay ka lang ba ha? Nilalagnat kaba?"

"Library to, pwede?"-patric

" excuse us!" Dagdag pa niya.

Tumingin ako ulit dun sa mga lalaki pero wala na sila.
Hmmmm, natakot siguro sakin yung mga yun.

" hoy riza!"
Bigla nalang akong hinila ni riza palabas ng library..

Hoy! Ano ba ginagawa netong babaeng to. Parang nakakita ng halimaw.

" hoy riza!" Sigaw ko.

" ano bang nangyayari sayo at tila nakakita ka ng halimaw ha?" Tanong ko.

"Si... Si.." Bulong nya.

" ha? A-ano? Nababarang ka ata eh!" Sabi ko

" siguro may lahing mambabarang yun!"

"sila yung sikat dito sa school.. Omaygad!"  -riza

Natahimik ako.

" what the h***!!?"

" sino ba sila? Porket ba sikat sila dito sa school?" Pagmamataas ko.

Biglang tumalon talon sa tuwa si riza.
Naloloka na ata tong kaibigan ko, pati sya may diperensya na.

" Hindi kaba natutuwa!?"-riza

"Ako matutuwa? Eh narinig moba mga sinabi sakin nung panget na yun kanina.?" Sigaw ko.

" eh ikaw kase best friend, wala ka sa pedestrian lane!" Sabi nya.

" ano kamo?" Sabi ko
" wala.." Sabi nya sabay tumalikod sya sakin.

Hayyyyy babaeng to talaga nahawa na sa ibang mga babae dito. Hay ewan.

After nun. bumalik kami sa classroom.

Mygawd! Kaklase nga pala namin yung ugok na yun.. Hahahahah!
Pinalipat siya ni Sir opo, at mga kasama niya, ganun ba sila katalino? At least mapapakita ko sakanya kung pano ako naging honor student.

Ako lang naman ang top 1 sa school, sa buong school hehe Hindi naman sa pagmamayabang.

After 5 minutes, dumating sya.

Halos napatitig sakanya yung mga babae pati si riza mygawd! Samantalang ako iniirapan ko sya ng patago.

May kasama siyang dalawang lalaki.
Yun ata yung pinagbubulungan nung mga babae sa harapan.

Naghanap na sila nung mauupuan..

Buti nalang hindi sa tabi ko umupo yung ugok na yun. Hahaha pahihirapan Ko talaga siya...

"May nakaupo ba sa tabi mo?"

" ah wala." Sagot Ko.

Madami naman siyang pwede upuan bat dito pa?

Pag lingon ko sa likod.

Nandun yung patrick..

Kilig na kilig naman yung mga babae malapit sakanya...
Che! May itsura nga, ansama sama naman ng ugali..

" hi"

" I'm Ken Sandoval "

Pag tingin ko sa kaliwa, takte! Inabot nya yung kamay nya sakin.

" hi?sam? Are you okay?"

" ahh oo. " sagot ko
Tinitigan ko yung kamay nya kung makikipag kamayan ba ko. Baka kase isipin ng iba na may gusto ako dito.
Inabot ko nalang yung kamay ko. Baka mamaya sabihin niyang devil ako(medyo).

" okay lang ba kung dito ako umupo?" Tanong niya.

" ahhh.. Ehh"
Gusto ko sana sabihin na lumipat sya kaso baka mapahiya sya tas sabihin nyang suplada ako.

" hahanap nalang ako"

Tumayo sya...

" sandali!" Sabi ko

" sige okay lang wala namang nakaupo" sabi Ko.

Katangahan mo na naman to Samantha!

" thank you. "

Napangiti nalang ako sakanya, yung FAKE SMILE.. Haha anong akala niya nagkakandarapa ako sakanya. Che!

Tumingin sya sa harapan samantalang ako nakatitig sa kanya , diko mapigilan..

Kase...

Singkit sya...

Matangos yung ilong...

Mapula yung labi...

Makinis...

Mukha pang mabait..

" excuse me?"

HOLYYY... SH**

" tinititigan mo ba ko" tanong nya.

Lumigaw naman ako ng tingin.

" ahh.. Ako.. Ako ba? Sus. Hindi ahh. Tinitignan ko kase yung classroom Maganda kase.." Pagtanggi ko.

" yung classroom ? O yung labi? Ko?" Sabi nya

" excuse me? At ano namang meron sa labi mo?" Sabi ko.

" mapula, bakit gusto mo ba hawakan?"

Hindi ko mapigilan sarili ko sa sobrang inis ko kaya lumabas ako ng classroom.

-------------------------------------------

Hi Pauline, Rigil! Labyahhh mga Bessy..

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon