Chapter 53: Confess

1.1K 47 4
                                    

Patrick's POV

" Kalimutan mo nako"

Huling salitang binitawan niya.

kung alam mo lang samantha, kung gaano ako pinapatay araw araw ng mga salitang binibitawan mo, Maiintindihan niya siguro ako.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako na reject ng ganito.

Ngayon lang ako nasaktan ng sobra dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko.

Masisisi ko ba siya kung hindi niya talaga ako gusto?

Pero Siguro nga, karma na ito sakin.
Dahil ilang ulit narin akong nangloko at nagpaikot ng babae.

Kaya ito ang kabayaran ng lahat ng iyon.

kapag nakikita ko siya, hindi ko mapigilang maging masaya, parang lahat ng pagod ko nawawala.

kapag hindi naman, feeling ko mababaliw nako, lalo na nung isang linggo ko siyang hindi pinansin at  kinausap. Sinubukan ko lang naman kasing kalimutan siya, pero wala eh.. masyadong malalim ang pagtama ni kupido sakin. Walang epekto. Hanggang ngayon, masakit parin.

Ilang beses ko na rin siyang iniyakan..
Hindi ko lang pinapakita, pero kapag hindi ko na mapigilan, bumabagsak nalang ng kusa ang mga luha ko.

Kinuha ko ang bola at shinoot ko sa ring.

Kahit papaano, nakakamiss rin mag basketball.

Naaalala ko tuloy nung nandito kami ni samantha sa court, nilike ko lahat ng mga pictures niya jejemon sa facebook, pero kahit naman jejemon yung mukha niya maganda parin siya.

Nakakatuwa lang kapag nakikita siyang napipikon o naaasar, lalo kasi siyang nakakainlove.

Lalo na ngayon, marunong na siyang mag ayos. Pero kahit hindi naman siya mag ayos para sakin maganda parin siya.

Simula nung nakilala ko si samantha..
Nagbago na lahat.
Hindi nako umiinom,
Hindi nako masyado nakikipag away, wala na kong masyadong pinag ti tripan masyado dito sa school at wala na ulit akong pinapa ibig na babae.

Siya lang.

Bukod tanging nagpapakulay ng mundo ko.

Siya ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok araw araw..

Kapag nakikita ko siya, dun ako nakakahugot ng lakas.

Pero siguro nga tama si Samantha..
Na dapat kalimutan ko na siya, na dapat hindi ko pahirapan ang sarili ko ng dahil lang sakaniya.

" Psttttt!!!"

" Oh? Anong ginagawa mo dito marco??"

" Wala naman. Wala ka kasi kanina, kaya alam kong nandito ka sa court.." sabi niya.

" Bakit may problema ba?" Tanong ko.

" may gusto lang akong sabihin sayo."

Umupo kami pareho sa may bench.

" anong sasabihin mo?"

" Gusto mo si samantha? Diba?" Tanong niya.

Alam na nga pala niya?

" Oo." Sagot ko. Diniretso ko na siya, wala nang paligoy ligoy.

" Gusto ko rin siya."

Agad namang napatingin ako sakaniya.

Gusto niya rin?

" Kaya pala. Hindi nga ako nagkakamali.." sambit ko.

Pareho kaming napatingin sa itaas.

" Napakaliit ng mundo. Iisa lang ang babaeng gusto at minamahal natin. Hindi ko naman na hihingiling manalo..pero kung sakaling dumating yung araw na ikaw ang pipiliin niya, pakiusap. Wag mo siyang sasaktan, pahalagahan mo siya kagaya ng ginagawa ko sakaniya."

Ano bang pinagsasabi niya? May topak ba siya?

" Hindi niya ko gusto. Kaya malabong mangyari yun." sambit ko.

Pero kung tutuusin, mas lamang ka sakin. Alam kong kaya mong ibigay lahat kay samantha, alam kong ikaw yung klaseng lalaki na Ibibigay lahat para sa minamahal niya.

" mas deserve mo siya"

Sambit ko.

Napatingin naman siya sakin ng may pagtataka.

Ako tuloy ang nasasaktan sa mga sasabihin ko.

" Nakakapagtaka diba? Tayo yung tipong mga lalaking, di na kukuntento sa isa. Playboy, mahilig mang babae.. pero sa isang nerd, chubby, at loner pa tayo nahulog, pero aminin mo, malakas din ang dating niya, simple lang pero kapag tinitigan, parang anghel na nagmula sa kalangitan, pero ako? Sino nga lang ba ko?"

Natatawa na sabi ko.
Pero sa loob ko, parang may kirot.

" Wag mong sabihin yan. Wag mong maliitin ang sarili mo. Pareho lang tayo." Sabi niya.

Hindi. Hindi tayo pareho.

" Siguro nga, tama yung sinabi niya. Na dapat kalimutan ko na siya, pero pano ba makalimot? Kung lagi naman siya ang hanap hanap ko, yung laging iinisip ko.."

Parang maiiyak ako, pucha! Baka mapagkamalan pa ko nitong bading.

" Ilang beses nakong umiyak para sakaniya, masakit? Masakit yung hindi ka gusto ng taong gusto mo..kaya..mas masasaktan lang ako kung ipagpapatuloy kopang mahalin siya."

Paliwanag ko

" Anong ibig mong sabihin?"

" Sayo na siya..."

tumayo ako mula sa bench. At nag basketball.

Nagulat siguro siya sa sinabi ko.

Tama nga lang siguro, na dapat sumuko nako. na mas deserve niya si samantha, mas ma poprotektahan niya si samantha, at maaalagaan kaysa sakin..

Tama lang.

Pero sana, sana dumating yung araw na ako yung gustuhin niya, ako yung piliin niya, dahil yun ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko.



---------------------------------------

A/N:

Guys. Sa monday or tuesday nalang ulit ako mag uupdate:)

Sana maintindihan niyo, gusto ko munang tapusin lahat bago mag update para talagang mas mabasa niyong maigi..


Thankyou!! Lovelots:)

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon