Chapter 69: "Ako ba to?"

1.3K 42 1
                                    

Pagkatapos naming kumain sa ministop, nagpatuloy muli kami sa biyahe.
Medyo malayo malayo pa kami ayon kay manong.

Sa ngayon, si Marco na ang katabi ko.
Sabi kasi ni Dino habang kumakain kami eh nilalamig siya sa pwesto niya kaya naman nag switch kami.

Si Patrick na ang katabi ni dino at ako naman, Si marco.

Nakakatuwa lang, hindi ko maalis ang tingin ko kay Marco habang natutulog siya sa balikat ko. Napakamaalahanin niya kasing tao, simula pa kanina nung gising siya tanong siya ng tanong sakin kung okay lang ako, nagugutom or nauuhaw ba ko.

Para siyang anghel na may busilak ang puso.

Nasa kaniya na lahat.

Mabait, gwapo at kung ano ano pa.

Ang himbing niya pating matulog, kahit na tulog siya, napaka gwapo niya parin pero hindi naman sa pagkukumpara pero mas gwapo parin si patrick.

Napangiti naman ako ng wala sa oras.

Si marco yung klase ng taong iingatan ka niya lalo na kapag mahalaga ka sakaniya.

At nararamdaman ko yun lalo na bilang kaibigan niya.

Biglang namang nag flashback yung nangyari kanina.

Yung litrato na inilabas ko.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nagpansinan.

Hindi ko siya pinansin dahil nakaramdam ako ng guilty.

Siguro nga wag muna ngayon.

Tinanaw ko siya mula sa likod, nadismaya naman ako dahil akala ko eh tulog siya.

Yun pala, nakatingin siya sakin.

Yung seryoso ang mukha niya.

Agad ko namang iniwas ang tingin ko mula sakaniya, sa harapan ulit ako tumingin.

Maya maya pa, naalimpungatan si Marco hanggang sa natuluyan na siyang nagising.

" Pasensya kana, ikaw tuloy ang naging unan ko." Sabi niya.

Nginitian ko siya. Parang yun lang, wala yon.

" Wala yun. Ang himbing nga ng tulog mo eh."

Hindi naman siguro galit si patrick dahil sa inaasal ko ngayon kay marco, alam naman niyang kaibigan lang ang tingin ko dito kaya wala naman siyang dapat ipagselos.

" Salamat." Tanging nasagot ni Marco sakin.

Tuloy tuloy lang ang biyahe namin, dahil hindi naman masyadong ma traffic kaya sigurado akong makakarating agad kami.















*10:45am*

" Sa wakas nandito na tayo!!" Sigaw ni lee na mukha pang inaantok.

" Hali na kayo."

Isa isang ginising ni kianna ang mga natitira pang tulog, mukhang napasarap siguro sila sa tulog.

" Marco, nandito na tayo."

Umalis siya mula sa pagkakahiga sa balikat ko.

Nakatulog rin kasi siya.

Inalalayan niya ko pababa ng Van, hindi ko alam pero para sakin wala namang malisya yun dahil alam kong kaibigan ang turing namin sa isa't isa.

Isa isa na nilang kinuha yung mga gamit nila, sabi ni marco siya na daw magbubuhat ng maleta ko kaya naman umoo nalang ako.

Bahagya kong tinitignan si patrick,
Walang kibo o imik man lang, kanina pa siya tahimik.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon