Chapter 75: After 2 years

1.1K 38 4
                                    

AFTER 2 years

" pssssttt.. samantha.. mahal ko.."

Unti unti kong minulat ang aking mata mula sa pagkakatulog..

" Gising na.. mahal ko.."

Sa tingin ko, yun ang pinaka nakakagana at masarap pakinggan na boses ang narinig ko sa buong buhay ko..

Si Patrick.. ano namang pumasok sa isip niya at ginising niya ko? Haha

" Huy.. gising na, bubuhatin kita o bubuhatin kita?" Tanong niya sabay killer smile..

Ang gwapo talaga ng mahal ko..

" Aray!"

Buti nga sayo...

" Bat mo naman ako binatukan ahh.." tanong niya sabay hawak sa ulo niyang binatukan ko..

" Anong bakit? Ginising mo kaya ako!"
Paghihimutok ko sabay palo sakanya ng unan..

" Ehh bakit.. gusto ko ehh.. atsaka namimiss na kita.. kakauwi ko lang ahh bat di mo ba ako namimiss?" Tanong niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko..

" hindi.. kaya matulog kana!"

" anong hindi ahh.. 3 days akong nawala.. tapos hindi moko mamimiss? " tanong sabay pout..

" Bala ka diyan.. matutulog nako.." sabay higa at takip ng unan sa mukha ko..

Naramdaman ko naman ang pagbulong niya sa tenga ko..

" talaga ba? Hindi moko namiss?"

Sobra.. namiss kita patrick..

" may iba kana siguro no.." sabi niya..

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko..

" anong may iba? Sira kaba ahh? Wala kaya.." pagpoprotesta ko..

" Sige nga.. halikan moko kung wala nga talaga.."

Baliw ka talaga..

" anong halikan.. hayy bahala ka nga.."

" sandali.."

" Ohh bakit?" Tanong ko.

Niyakap niya ko ng sobrang higpit..

" I love you."

Kinilig ako.. hihi..

" I love you too.."

Bumitaw siya mula sa pagkakayakap..

" Sorry kung nagising kita.."

" okay lang.. ang mahalaga nandito ka.. teka? Bat mo ba ko ginising?"
Tanong ko.

" wala.. namiss lang kita.."

" Alam ko naman yon.." mahinahong sabi ko..

" Mahal ko.."

" bakit? "

" Mahal.."

" Oh? Bakit? "

" Ilang baby gusto mo?"

Kinikilabutan ako patrick!.

" Ano bang sinasabi mo ahh! Baliw ka ba!" Tapos hinampas ko ulit siya ng unan..

" Masama ba magtanong ahh? Tatanong lang ehh."

" bakit moba natanong ahh?"

" Wala lang.. Gusto mo ba?"

At sa pangalawang pagkakataon..
Hinampas ko ulit siya ng unan..

" Aray ko.. ang sakit.."

" Seryoso kasi.." dagdag niya..

" Ano? Naisip mo naba? " tanong niya.

" hmmm siguro 2 lang.. babae atsaka lalaki.. " sagot ko..

" siguro mga 10 okay na.."

Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya..

" Umayos ka nga!"

" joke lang eh! Whahahahah basta ako.. bigyan mo lang ako ng 5 okay na.."

" sira ka talaga!!"

" pangako ko sayo.. papakasalan kita.."

Sa pagkakataong ito.. hindi ko mapigilang mapangiti..

" gusto mo ba?"

" wala naman sigurong babaeng aayaw kapag niyayang magpakasal.."
Sabi ko..

" gusto mo ba gumawa na tayo para makarami na?" Sabay halik sa pisngi ko..

" hoy!! Umayos ka nga!"

Shet..Nanlalambot tuhod ko sayo..

" pag hindi ka tumigil babatukan kita!!" Pananakot ko..

" Niloloko lang kita.. halika nga dito.."

" hindi! Wag kang lalapit!"

" Halika na.."

" umayos ka! Wag kang lalapit.."

" Simulan na natin.." sabi niya..

Tumayo ako mula sa kama..

" tumahimik ka nga.."

Hayyyy patrick bakit kaba ganyan ahh? Napaka pilyo mo talaga!






Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon