Chapter 76: Troy and Kianna

1.6K 34 14
                                    


" May sasabihin lang sana ako.." tumayo mula sa kinauupuan si troy..

kaya di kami nag dalawang isip na tignan siya..

Ano naman kaya ang sasabihin niya?

" Ano ba yan troy? Good news or badnews?" tanong ni Ken habang pinupuno ng tubig yung hawak hawak niyang baso at pitsel..

" Bakit ba mas excited kapa ahh?!" ani ni kuya troy..

" Ehh bakit ba ahh kupal.. tatanong lang eh.." sagot ni ken sabay pout..

" Ano ba kasing sasabihin mo? pwede ba pakibilisan.. Nakakabawas kaya ng pagkagandang lalaki ko.." sabat naman ni patrick..

Ang yabang talaga!

" Hoy Bading manahimik ka nga diyan! Ano kase eh.. ahmm.."

" Ano? "

" Ano kase... yung.."

" Yung ano? "

" Kasi ano..."

" Kasi ano nga?? "

" BUNTIS AKO! "

Halos maluwa lahat ng pagkain sa bibig namin ng marinig namin yun mula kay kianna..

" Ha? ahhh ano? Buntis ka?" Tanong ni patrick..

" Bobo ka talaga kakasabi nga lang eh.." sigaw ni Marco..

Lahat kami ay napatingin kay kuya..

" Ikaw?? Ikaw ang ama??" tanong ni Riza..

" Ahhhh ano.. Oo hehe! "

" hayop na yan! Bat ngayon mo lang sinabi tado ka! Nagpaligoy ligoy ka pa!" sigaw ni Ken sabay hagis ng panyo sa muka ni kuya..

Congrats kuya troyyy! Daddy kana!!

" Para nga surprise diba.."

" Atsaka.. Napagdesisyunan ko na din na.. pakasalan siya.. Tutal magkaka baby narin kami.." paliwanag ni kuya troy..

2 years narin pala sila ni kianna..
Aish! Sarap gilitan ni kuya troy! bat ba ngayon niya lang sinabi!
pero sa bagay.. Hehe ga graduate narin kami.. makakapag trabaho na siya at makakabuo narin siya ng pamilya..

" Lahat kayo imbitado sa kasal ko.." pagmamayabang ni kuya troy..

" Wow ahh.. para namang enggrande yang kasal mo.. baka nga pag nagpahanda ka pati daing at itlog na pula isama mo pa.." sabat ni Marco..

" Hoy.. enggrande kasal ko no! Ako ang may pinaka may magandang kasal.. at pati pinakagwapong groom sa lahat WHAHAHAHAHAH!!" ani ni kuya..

" Hoy troy! manahimik ka nga! Kumakain kami dito.. Bastos ka.."
ani ni ken..

" Atsaka bawal mag sinungaling sa harapan ng pagkain.. mamalasin ka!" biro ni patrick..

Ang saya lang na makita silang ganto.
Di rin magtatagal.. magkakaroon na kami ng nga pamilya...at hindi na namin magagawa yung mga gusto pa naming gawin..

" Woyyyy nandito lang pala kayo!! "

Sigaw ni Suan, papunta sa pwesto namin..

" Kamusta dinner? " Tanong ni Lee

" Okay na okay.. mukhang kikita tong restaurant mo Lee!!" sabi ni Kuya troy..

Masaya ako para kay Lee dahil nakapundar na siya ng isang Restaurant..

" Bakit nga pala kayo nahuli?" tanong ni Marco..

" Ahhh wala wala, may inasikaso lang ako.." Sagot ni Suan..

" Ano naman yun ahh?" -patrick

" Wala ka na don!" biro ni Suan..

" tatanong lang eh.." -patrick

" Kumain na nga lang tayo..HAHAHAHAH" -Marco

" HAHAHAHAH!!!"

Marami ng nagbago pagkalipas ng tatlong taon..
Nakapundar na si Suan at Lee ng restaurant, Magiging daddy na si kuya troy, natutunan naring mahalin ni Riza si Lee.. at ilang buwan nalang ay ga graduate na kami..

Nakakatawa lang, biro mo kami kami lang din pala ang tinadhana..

Yung taong ayaw na ayaw ko noon, Siya na yung pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon.. at yun ay walang iba kundi si patrick..

Marami na kaming napagdaanan.. sa 4 years na pagkakaibigan namin.. 2 taon palang pinaramdam niya na sakin ang tunay na pagmamahal..

Iba nga talaga si Tadhana..
sabi nga nila.. The more you hate, the more you love..

Kaya para sakin, Walang binatbat ang Itsura sa magandang kalooban ng isang tao..

Pangit man ako sa paningin ng iba, ako naman ang pinakamaganda sa paningin ng minamahal ko..

GOODBYE.

kaya hanggang sa muli..

Nagmamahal,

Samantha..

                            

            _________________________
                           THE END



Author's note:

Hiii readersss!!! thankyou so much for reading this storyyyy.. At ngayon na tapos na yung story, hope you enjoyed it.

ps: MAY MGA WORKS PAPO AKO NA IBA.. JUST VISIT MY PROFILE.. AND CLICK... WORKS!! SANA MAENJOY NYO.. LOVELOTS!

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon