chapter 18:Biyahe

1.5K 55 3
                                    


" Hoy taba! Gumising kana nga diyan! Anong oras na oh!" Sabay katok sa pinto ko.

Para talaga tong halimaw, pati yung pintuan ko masisira ng dahil sakanya

" Gising napo sir troy!"  Sigaw ko

Ingay ingay, Hindi ba siya nahihiya? Ang aga aga pa eh.. Si kuya talaga.

6:20 palang naman, bat ba siya nagmamadali?

Buti nalang maaga rin ako nakaligo, dahil kung hindi, uusok na naman ang Ilong ni kuya

Lumabas ako mula sa kwarto.
Pagkababa ko, nakita ko si kuya at si..

HALIMAW

Nakaheadphone.

" ang aga aga may buwisita" yan nalang ang nabulong ko sa sarili ko.

Pagbaba ko, tinanong ko si kuya, napaka aga pa para pumunta ng school. Dati naman mga 7:00 na kami umaalis.

Hinila ko yung upuan sa
Tabi ko at umupo ako.

" bakit parang ang aga naman natin ngayon? Atsaka.."

" nakalimutan mo naba? May field trip tayo ngayon" paalala ni kuya.

FIELD TRIP?!

Teka! Ngayon naba yun?!!!>.<

Bakit di ko alam-_- *_*

" kuya naman! Bat dimo sinabi sakin?" Napatayo ako sa upuan.

" hoy taba, kasalanan koba? Atsaka ikaw tong nandun nung inanounce yung field trip.." Sabi niya.

Kainis kasi eh! Bat wala man lang nagsabi, atsaka wala namang nabanggit si sir opo kung kailan yung fieldtrip..

" 5 minutes kuya. Magliligpit lang ako ng gamit" sabi ko.

Agad naman akong tumaas..
Kinuha ko lahat ng mga gamit na pinapadala samin.

After 5 mins. Natapos din. Bumaba nako dala yung mga gamit ko.

Teka bat wala na sila!

Lumabas ako.

Hayss-_- kinabahan ako dun. Akala ko kasi iniwan na nila ako.

" Taba, bilis.." Sabi ni kuya tas sabay kuha ng gamit ko.

" Ito napo sir." Sabi ko.

" pasok "

Pinagbuksan niya na naman ako ng pinto,
Oo nga pala. Nakasanayan na pala niya ito.

Tinignan ko muna siya saglit. Parang namumutla kasi siya eh.

" Papasok kaba o Hindi?" Tanong niya sabay taas ng kilay sakin. Ang sungit talaga!

" Papasok " sagot ko

Dun ako pumuwesto sa likod. Si kuya troy ang driver namin at si Patrick yung nasa tabi niya.

Bakit kaya parang ang sungit ni Patrick ngayon? Meron ba siya? Daig pako pag nagkaperiod.

" Hoy taba, matulog ka muna. Malayo pa tayo. Antagal mo kasi kaya didiretso na tayo sa tagaytay.." Sabi ni kuya.

Sa tagaytay pala yung Fieldtrip. BAT DI KO ALAM.

Eh wala naman kasi talagang nagsabi na ngayon na yung field trip eh huhu!-_-

"Sorry kuya" sambit ko.

Tumingin ako sa pwesto ni Patrick, tahimik talaga siya habang nakikinig ng music.

May problema ba siya?
Haysss! Bat ba ko nangengealam sakaniya?

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon