Chapter 59: Dino's party

1.2K 43 0
                                    


Patrick's POV

Habang nasa canteen kami.
Nakita ko kaagad si samantha at riza na papasok ng canteen kaya naman bigla akong tumabi kay Marga.

Kunwari sinusubuan ko siya para sweet, kahit gusto ko ng sumuka sa harap ko ngayon.

Nakakainis lang, dahil nandiyan na naman si marco.. lagi siyang nasa tabi ni samantha.

Maya maya pa.
Pagkatapos nila umorder.

Pumuwesto na sila sa tabing table.
Ako naman parang tanga dito na ewan, kasi kahit wala namang dumi sa mukha si marga, pinupunasan ko makita lang niya.

Hindi siya tumitingin samin ni marga, naka focus lang siya sa kinakain niya.

Ano kayang naging reaksyon niya nung nakita niya kaming magkahawak ang kamay namin ni marga?

Nakatingin lang ako sakaniya.. tinitignan kung anong magiging reaksyon niya.

Nung alam kong titingin na siya sa pwesto namin..
Kinuha ko agad yung tissue at pinunas sa bibig marga..
Kahit na nadidiri ako okay lang.

Nung nakita niya kami niligaw niya kaagad yung tingin niya mula samin.

Nakita niya kaya?

" Hoy!! Masyado naman ata kayong sweet.."

Sabi ni drek habang kumakain.

" Kumain ka na nga lang diyan, wag mo silang pakialaman..palibhasa wala kang lovelife.."-ken

" yabang nito.. palibhasa ikakasal kana."-drek.

" manahimik kayo. Kumakain tayo oh.. respeto naman sa pagkain."-Suan

kinuha ni suan yung natitirang Ramen ko.

Buraot talaga kahit kailan.

" Nagsalita naman yung may respeto diyan.. may respeto ba sa pagkain ang tawag mo diyan ha? Agad agad mo nalang kinuha yung ramen ko. Akin na nga yan.."-pagpoprotesta ko.

Tas kinuha ko yung ramen sakaniya.

Tinignan ko sila sa samantha mula sa kabilang table.
Magkausap sila ni marco.

Putragis naman bakit ba parang ako yung nagseselos ha?

" Ahh.. dino, diba may sasabihin ka samin?" Sabi ni marco mula sa kabilang table.

Natigilan naman si dino sa pagkain niya..

" Ahh oo.. meron nga.."

" May magaganap
kasing party sa bahay bukas lahat kayo iniimbitahan ko, bukas na kasi yung kaarawan ko eh."-Dino

" As in party? May girls?"-lee

Kahit kailan talaga to si lee, napaka babaero.

" Oo. Maraming chicks don."-Dino.

Isa pa ito, hindi naman talaga nawawala ang chicks kapag may party sa bahay niyo.

" Sige.. pupunta kami."

" Samantha and Riza, pumunta kayo ha? Hihintayin ko kayo dun, pakisabi narin kay kianna" sabi ni dino

Napatingin naman sakaniya si samantha.

Si samantha dumadalo ng party? Seryoso?

Ano namang pumasok sa utak ni dino at isasama niya si samantha sa party niya?

" ahh. Hindi ko sure.."
-samantha.

" Aish! Sige na.. gabi naman eh. Atsaka birthday ko naman.."
Tapos nag beautiful eyes siya..

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon