Chapter 52: Plans for Wedding

1.2K 42 7
                                    

Nagyaya si ken at ang G-dragon lumabas kasama kaming tatlo nila Riza at kianna. Sabi kasi nila pag uusapan na nila ang tungkol sa wedding nila.

Pumunta kami sa isang Beach resort, hindi naman kalayuan sa school kaya madali kaming nakarating agad.

Pagpasok namin sa loob. Halatang pangmayaman talaga ang resort na ito, puro mga turista ang naka book dito.

Pinaupo muna kaming mga girls ni kuya sa lobby. May titignan lang daw sila kaya kami, sumunod nalang.

Habang naghihintay kami dito, hindi ko mapigilan na tanungin si Riza about sa kasal niya

" Riza.. sigurado kana ba?" Tanong ko.

Sa lahat kasi ng babaeng nagkaroon ng arrangement marriage, siya lang ang babaeng hindi tumutol sa kasal.

" Oo. Atsaka wala naman akong choice eh. Kung di sundin to dahil sinabi na sakin lahat ni dad na itatakwil niya ko kapag hindi ako pumayag sa gusto niya."

Bigla namang lumungkot ang mukha niya.

" Pano ba nagkaroon ng partnerhip sa pagitan ng daddy mo at daddy ni Marco?" -Kianna

" Kilala kasi ni Daddy yung father ni ken.
Sa pagkakaalam ko, nagkakilala sila sa New york, iisa lang ang business na gusto nilang gawin, kaya agad naman silang nagkasundo. Tapos ayun, nalaman ko nalang na kailangan ko daw ikasal kay Ken" paliwanag niya.

Alam kong hindi niya rin gusto yung desisyon ng daddy niya dahil magpapakasal siya sa taong hindi naman niya gusto.

" mahal mo ba si ken?" Diretsong tanong ni Kianna.

Ngumiti naman siya samin. Sa tingin ko nga, unting unti ng nalalapit ang kalooban niya kay ken kaya naman imposibleng hindi siya mahuhulog dito.

" Oo. Gusto ko na siya. At ganun din siya sakin." Sabi niya habang umiiyak.

Nagliwanag naman pareho ang mukha namin ni kianna.

Kaya pala hindi rin siya tumututol sa kasal ay dahil gusto narin nila ang isa't isa.

" Pano mo naman nalaman na gusto ka niya?" Pagtatakang tanong ni kianna

" Naramdaman ko yun nung araw na dinukot kami ni raymond, gang na kaaway ng G-Dragon, Nakita ko sa mukha niya kung gaano siya nag alala sakin, kahit sarili niya binibigay niya na wag lang akong saktan at patayin.."

Ngumiti siya ng malapad sakin.

Tumayo ako
Sa kinauupuan ko.

" Well, congrats.. magiging Mrs. Kana! hahahaha!!"

Tumayo rin siya.

" Salamat. Pero...
Pero makinig kayo..imposibleng hindi lang sakin pwede mangyari to. Gusto ko lang maging aware kayo na hanggat may isang taong nagmamahal sainyo, wag niyo ng patagalin pa.."

Tapos ngumiti ulit siya na parang may lungkot sa mga mata niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pano kaya kung mangyari yon?
ikakasal ako sa taong hindi ko kilala o hindi ko naman gusto?



Maya maya pa dumating na sila.

" Hali kayo. Sumama kayo samin." -ken

Si ken at Riza yung tipong engaged na pero wala kang makikitang sweetness sakanilang dalawa. Parang kumbaga kaibigan ang Turingan pero deep inside.. gusto nila pareho ang isat isa.

Dinala nila kami sa isang malawak na parang reception.
Dito siguro ang reception nila.

" Babe. Come here "

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon