Chapter 66: Be mine 2

1.4K 49 3
                                    


Sam POV

Nakakainis talaga!
Akala ko ba ako yung gusto niya?! Tapos makikita ko nalang na magkasama sila ni Marga sa garden? HUHUHU-_-
Bat ba kasi ako nagseselos ah? Wala naman akong karapatan kasi.. gusto niya lang naman ako, masyado ko atang sineryoso yung mga pinagsasasabi niya sakin!

umupo ako sa tapat ng lockers, kahit na alam kong madumi yung sahig, gora lang..

Iniyuko ko yung ulo ko sa tuhod ko..

Haysss.. hindi ko na talaga alam yung nararamdaman ko.. sa tingin ko mas lalo lang akong nahuhulog sakaniya.

Oo nagseselos ako, pero diba ang babaw? Aish!
Ano ba kasing ginawa nung Zavier na yun sakin? Nakakaloka.

" Psttt.."

Pagkatingala ko, nasa harap ko si marco,
hindi ko man lang naramdaman na nasa harapan ko siya.. para rin siyang halimaw.

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Bigla naman siyang umupo sa tabi ko.

Kaming dalawa lang ang nandito sa hallway, sa tapat ng lockers.

" Ah.. wala, nagpapahinga lang.." mahina kong sagot,

Nakatingin lang siya sakin, na para bang may gusto siyang sabihin.

" Pasensiya kana kung hindi na ako nakabalik agad sa party.." sabi niya tapos ngumiti siya ng malapad.

Ngumiti lang din ako, nakakadala rin kasi kapag nakangiti siya.

" okay lang..walang problema dun."

Tinignan ko lang siya, pero ligaw naman ang tingin niya.

Kahit na hindi siya magsabi, nararamdaman kong may problema siya na ayaw niyang sabihin..
Mahahalata mo naman kasi sa mga malulungkot niyang mata, na kahit nakangiti ang labi niya.

" Pwede mo naman sabihin sakin, kung anong dahilan ng pagkalungkot mo.." sambit ko.

Tumingin siya sakin at ngumiti..

Parang kapatid narin ang turing ko sakaniya, napakabait na tao ni marco.. kaya masuwerte yung babaeng mamahalin niya, gagawin niya lahat para lang mapasaya at maprotektahan ito.

" wala.. may iniisip lang ako."

Hmmm.. halata naman.

" Nasabi niya naba sayo?"-marco

Alam niya na siguro.

" Oo. Sinabi niya na sakin..matagal na"

Hindi ko naman mapigilang ngumiti..
Naaalala ko kasi yung sa party.. kinilig kasi ako nung sinabi ni patrick na gusto niya ko

Kabaliktaran ng ngiti ko, lumungkot naman ang mukha niya.

Anong problema nya?

" Sinabi mo na rin ba na gusto mo rin siya?" Tanong niya ulit.

" Oo. Sa tingin ko kasi.. yun na yung perfect timing para sabihin ko sakaniya na gusto ko rin siya.."

Tumango lang siya sakin. Tapos lumigaw na ulit ng tingin.

May gusto lang akong isang bagay na gustong itanong sakaniya..
Kaso baka mamaya kung ano lang ang isipin niya eh.. pero bahala na..

" Nahanap mo na ba siya?" Mahinang tanong ko. Bwisit! Nadulas.. sana hindi niya narinig.

" Oo. Matagal na" sagot niya.

Anak ng.. narinig niya yun?

Medyo nakakailang na tuloy ako kausapin siya.. hays bakit koba kasi tinanong ha?

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon