Chapter 74: ' Yes '

1.4K 39 8
                                    


Sam's POV

" Hoy taba! Bilisan mo nga! Aabutan ka na ng new year diyan!"

Reklamo ni kuya habang sunod sunod ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

" Oho!! eto na nga po."

Mabilis kong kinuha ang lahat ng mga gamit ko at isinilid ito sa bag, Ginawa ko pa kasi yung project ko kagabi kaya naman kalat lahat ng gamit ko atsaka late na kaya kami nakauwi galing resort!

Pagkabukas ko ng pinto,
Si kuya ang sumalubong sakin.

" Bat ba ang tagal mo ah? Aishh!" pagrereklamo niya.

" Eh! Bakit ba kasi!"

Hayyy matagal lang akong natapos, nagreklamo na kaagad.
Ano ba kasing meron?!
Antagal ko kayang natulog kagabi kaya naman late nako nagising!

" May naghihintay sayo sa baba.." sambit niya.

Hindi ko naman mapigilan ngumiti dahil alam ko kung sino ang naghihintay sakin sa baba.

" Nakatulog ka ba ng maayos?"

" Hmmm.. hindi, inaantok pa ko."

Maya maya pa ay bigla niya kong binatukan.

" Aray ko ahhh! Aishh! "

Tapos hinambaan ko siya na kunwari ay susuntukin ko siya, at umiwas naman ang mokong.

" Oy taba.."

" Oh?"

Suntukin ko kaya to, siguradong tulog to.

Maglalakad na sana ako para bumaba pero hinila ni kuya yung bag ko.

" Aish!! ano ba kasi yun ah!" Pagpoprotesta ko.

Pagkaharap ko sakaniya, nakaseryoso na ang mukha niya kaya naman tumahimik nako.

" Naaalala mo ba yung pinag usapan natin sa resort?" Seryosong tanong niya.

Sus, yun lang pala.

Tumango ako sakaniya.

"Opo kuya.."

" Good.. Sige, Alis na.."

Tapos bigla niya kong tinulak.

Pagtingin ko sa mokong, tawa ng tawa.

Ano bang problema nun at bakit nagkakaganun yun? Para tuloy siyang naka droga hayys.











Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto, nakita ko si Patrick, nakasandal sa kotse niya.

Kinawayan niya ako at sinalubungan ng makalaglag pangang ngiti.

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Aish! Bat ba ganun yung tanong ko? Hindi ba obvious na susunduin niya ko. Hayyy ano ba..

" Nandito kaya ako para sunduin ka! tss." tapos tinarayan niya ko.

Ganito ba talaga pag red days?

" Ahh haha sorry akala ko kasi kung ano."

Nakakahiya, parang iba talaga yung kinikilos ko ngayon, Hindi kasi ako komportable sa totoo lang.

Lumapit siya sakin at kinuha ang bag ko.

" akin na yan. Pumasok kana."

Akala ko ba?

" Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto ng kotse ah?" pag aangal ko.

" Hindi."

tapos tinarayan niya ulit ako.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon