Chapter 48: Meet kianna

1.2K 38 3
                                    

( 1 week later )
Sam' s POV

isang linggo na ang nakakalipas.

Isang linggo nang  simulang umamin siya sakin na gusto niya ko.

Feeling ko tuloy antanga tanga ko.
Kasi hindi ko man lang nasabi sakaniya na gusto ko rin siya?

Bakit kaya hindi ko nagawang sabihin sakaniya ang totoo nung mga oras na iyon?
Bakit natakot ako na sabihin ko sakaniya na gusto ko rin siya?

Andaming tanong sa isipan ko..

alam kong nasaktan siya sa sinabi ko.
Alam kong pilit lang yung ngiti niyang pinakita sakin nun..

Siguro nga tama yung sinabi niya.

Na kakalimutan niya nako.

Simula nun.

Hindi niya nako kinausap.

Hindi niya nako pinapansin at inaasar.

At hindi narin niya ko tinitignan.

Kasalanan ko din naman to eh..
Kasalanan ko kung bakit niya ko nilalayuan-_-

" Samantha.."

nakita ko si Riza, tumatakbo papalapit sakin.

" o? Bakit? May problema ba?"

" Wala naman.. hehe! Hinahanap lang kita! Namiss kita eh!" Tapos niyakap niya ko.

" ikaw den! Namiss kita. Antagal mo kaya akong iniwan.."

palagi nalang kasi siyang wala eh. Dahil sa arrangement marriage nilang dalawa ni ken.

Bumitaw siya sa pagkakayap sakin.

" sorry naman..eh teka? Bakit ka nandito sa tapat ng library?" Pagtataka niya.

Alam ko kasing dito lagi dumadaan si Patrick, kaya ako laging nandito.

" ahh wala.. may tinitignan lang ako sa bulletin.."

Buti nalang may bulletin board dito sa harap ko.

" hmmm.. sabay tayo mamayang uwian? Mag starbucks tayo!" Sigaw niya.

Ang cute niya..
Kahit medyo malaki ang pinagbago niya. isip bata parin siya.

Maganda naman siya eh.
Matangkad, may itsura.
White skin.
Bagay sila ni ken>.<

"Shhh... wag kang maingay! Nasa tapat tayo ng library.."

Speaking of library..

TEKA!?

YUNG PANYO.

Kinuha ko agad ang panyo na tinago ko.
Yun yung nakita ko na may nakalagay na patrick.

Sakto namang lunch na.
Siguro nandito yun.

" sandali lang.. may kailangan lang akong gawin.." pagpapaalam ko.

" teka? Eh sama ako."

Pumasok kaming dalawa sa library..

Lumapit agad ako sa librarian.

" Ms. Ako po si samantha. Ako yung sinasabi ko sainyo na nakapulot ng panyo dito sa library, meron na po bang naghanap nito?" Tapos pinakita ko yung panyo.

" Yes. Ms lopez, nandito si Ms. Kianna ..."

Nilingon ko kaagad ang mga tao dito.

Ms. Kianna?

Sino kaya siya dito?

" sino ba yun?" -Riza

" siya ang may ari ng napulot kong panyo.."

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon