chapter 5:Marco, why?

2K 62 2
                                    

KRING.. KRING..

Sino naman to?

(New message)
From: 09778973762

Samantha, right??
Pwede ba tayo magkita, mamaya? Sa Garden dito sa school. I'll wait you later.
-------------------------------------------

Sino ba to? Hindi kaya? Si ken to?

To: 09778973762

Sino to'?

-------------------------------------------

KRING.. KRING..

From: 09778973762

I'm Marco, kaibigan ako ni ken at patrick..see you later, samantha..
-------------------------------------------

Bat naman siya makikipagkita sakin? Di ko naman siya close? Di ko rin sya kilala.. Mamaya niyan holdaper pala sya... May gawin siyang masama sakin..

Pero Hindi naman sya tatawag sakin kung Hindi importante yun.. Basta bahala na.

-----------------------------------------

Hindi ako mapakali sa sinabi sakin kanina nung marco, bat parang di ako mapakali..

Kanina pa nagtuturo teacher ko dito , wala naman akong maintindihan.. Parang blackout yung utak ko..
Iniisip ko parin yung mangyayari mamaya.

Lumipas ang ilang oras,
Pumunta na ko ng garden.

Pagkababa ko, at pagdating ko dun..

Nakita ko siya, si Marco.

" anong kailangan mo?"
Siga kong sabi.

" mag usap tayo"

" umupo ka dito sa swing"

Wait. Uupo ba ko. Ang gentleman naman niya. Pero sige uupo nalang ako, ang sakit kaya ng tuhod ko biruin mo mula pa ko sa 4th floor.

" sige" sabi ko

Pagka upo ko. Nakatingin sya sakin, mukhang seryoso yung mukha nya.

" pinapunta kita dito para pagbawalan ka.."

" teka, pagbawalan?? Bakit? Nanay kita?" Sabi ko.

Tumalikod sya sakin.

" pagbawalan Kay Ken"

Kay ken... Pero bakit?

" anong ibig mong sabihin?"

" basta umiwas ka kay ken."

Hindi ko siya maintindihan, bakit pinagbabawalan niya Ko?

" Hindi, bat ko naman gagawin yun kung wala kang ibibigay na dahilan sakin." Inis na Sabi ko.

"pinagbabawalan kita sam. Makinig ka sakin, Hindi ka magiging ligtas kung lalapit ka Kay Ken." Sabi nya.

" teka, ano bang ibig mong sabihin?"

" wala. Basta lumayo ka Kay ken." Sabi nya.

Pagkatapos naglakad na siya palayo.

Ano bang problema non?
Nababaliw na ata sya.

KRING...KRING..

From: 09778973762

Mag iingat ka Samantha.

------------------------------------------Nababaliw naba talaga siya. Anong akala niya? Maniniwala ako sa sasabihin niya.. Tss...

Umalis na ko ng garden..
At dumiretso ng bahay...

Napaka lungkot ng araw nato.

" Psttt! Sam!"

" oh, bat bigla kang nawala kanina?.." Pagtataray ko Kay riza.

" sorry, Hindi ko nasabi sayo Na pumunta kami ng book store, may project kase akong di nabili. Eh kasama mo naman si ken eh"

" Diba siya yung fiancée mo?" Tanong nya.

" oo pero dati pa yun."

" grabe. Ibang iba na sya ngayon. Pumogi sya."

" ano kaba! Lahat naman pogi sa paningin mo eh."
Sabay batok sa kanya.

" aw. Sakit nun ah"

" dapat lang." Pagtataray ko.

" halika Na. Umuwi na tayo" sabi ko.

Pumunta kami ng parking lot. Sira yung kotse ni riza Kaya kotse ko nalang yung gagamitin namin pauwi.

Magkalapit lang naman kami ng bahay kaya Ako naghahatid sakanya pauwi pero pagpapasok mas nauuna sya.

Napakabilis ng oras, parang kanina lang.. Papasok palang ako...

Nakakapagod tong araw nato.

Diko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila riza.
Naka focused kase ako sa pagmamaneho kaya diko namalayan, lalim rin kase ng iniisip ko.

" bye, Bessy! Salamat!"

" cge... Ingat!"

Pagkababa nya. Dumiretso narin ako ng bahay.

Nakita ko agad si yaya at nakita nya yung kotse ko kaya pinagbuksan nya agad ako ng gate.

" hi yaya"
" oh. Kumain kana ba?"
" Hindi papo."
" halika na at kumain na tayo,nak"

Pagtapos namin kumain.
Umakyat nako sa kwarto.

Hanggang ngayon, iniisip ko parin yung sinabi ni Marco kanina.
Bakit' kaya?
Bakit kaya niya ako pinagbabawalan?

Hays...
Parang seryoso naman kase sya kanina..
Parang totoo.

-------------------------------------------

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon