Chapter 39: Ghost

1.3K 38 4
                                    

Pansamantala muna akong tetengga ulit ngayon.
Nasa Korea kasi si Riza eh. Para daw sa business ng family nila.
I know mag isa na naman ako.
Pero okay lang. Sanay naman na ako.

Pumunta ako sa locker ko.
Para kunin yung mga gamit ko para sa next class. For sure lahat ng mga kaklase ko nasa canteen. Nandun kasi ang lahat ng G-Dragon.
Kaya walang tao dito sa mga lockers. Lahat sila nandon.
Buti nalang talaga hindi ko kaklase si kuya troy..
Dahil sigurado akong aasarin lang ako nun dahil sa nangyari kanina.
Ang sakit kaya ng pwet ko-_- bwisit na patrick kasi eh.

Pagkabukas ko ng locker.

May nakita akong supot na itim.
Pagkabukas ko..

May mga kung anong nakalagay dito.
Make up ata to. kasi may lipstick,eye shadow, foundation at mga cream na ewan at kung ano ano pa.
May conditioner at shampoo pa nga.
Teka? San naman galing to? Ganun na ba ako kahirap para bilhan ng shampoo?-_-

Teka may letter.

May nakita akong papel na nakadikit sa likod ng shampoo kaya agad kong binuksan ito.

From: S

Gamitin mo ito.

To: Nerd

Sino naman tong S nato?
Nakapagtataka naman.

Hinawakan ko ng bahagya ang Buhok ko.
Siguro nga kailangan ko ng magconditioner.
Nakakalungkot, kasing tigas na ng walis timgting tong buhok ko.
Hehehe bihira lang ako mag shampoo eh atsaka magsuklay ng buhok.

Make up? Aanhin ko naman ito? Hindi naman ako marunong mag make up. Lip balm at pulbos lang okay nako.

Kinuha ko nalang yung supot ng plastic at ipinasok sa bag ko.
Kung sino man ang nagbigay nito. Salamat sakaniya..
Kung hindi ko rin naman magagamit ito.
Edi ibibigay ko lang sa iba.

Nilocked ko na yung locker ko.
Tas dumiretso muna ako ng library.
Wala naman akong magawa sa 30 mins.
Kaya magbabasa nalang ako ng mga books

Pagka akyat ko ng 4th floor. Hays, nakakaloka sumakit ata yung tuhod ko dun ah.

Pumasok nako ng library.
Napakatahimik dito.
Ako lang ata ang tao dito eh.

Nilibot ko muna ang buong library.
Nilalamig nako.

Ako lang pala talaga mag isa dito except dun sa librarian.

Ay teka.

Yung panyo.

Kinuha ko agad yung panyo na nakita ko nung nakaraan lang.
Buti nalang nandito

Lumapit ako sa librarian at tinanong kung may naghahanap ba ng panyo na nakita ko.

" Ms. Goodmorning po, ako po si Ms. Lopez, ask ko lang po kung may naghanap napo sainyo nung panyo na nakita ko last time?"

Tumingin sakin yung librarian.

" yes ms. Lopez, meron nga. Pero sa tingin ko mamaya pa ang punta niyang lunch break.."

Sabi niya.

Pupunta nalang ako dito mamaya.
Para mabigay ko na to.

Ito yung panyo na may nakasulat na Patrick.
Siguro babae siya, fangirl siya ni Patrick kaya meron siya nito.

" sige po salamat "

Naghanap nako ng pwede kong tatambayan.

Anlamig talaga.. mukhang hindi ako makakatagal dito ah.

Dun nalang siguro ako pupwesto malapit sa may computers para di masyado ang lamig

Kumuha nako ng mga libro na pwede kong basahin.
May 24 minutes pako.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon