Chapter 73: Trouble

1.1K 34 1
                                    

" Kuya...pinapatawag mo daw ako.."

Naabutan ko si kuya dito sa kanilang kwarto na nag iisa, may nakalapag na lamesa sa harap niya na may baso, yelo at alak.
Sabi kasi sakin ni lee na pinapatawag niya ko kaya naman mabilis akong pumunta dito at baka magalit ang mokong.

Nakatalikod siya sakin habang pinaglalaruan ang baso na may yelo na naglilikha ng tunog.

" Ma-may kailangan kaba?"

Dahan dahan siyang umikot at humarap sakin.
Ngayon pa lang ay kinakabahan nako, dahil iba ang awra ng mukha ni kuya ngayon.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka seryoso.

" Wala ka bang balak magsabi sakin ha?"

Nanlaki ang dalawang mata ko ng marinig ang sinabi ni kuya.

Nilapag niya ang baso sa lamesa, at ipinasok ang dalawa niyang kamay sa kaniyang magkabilang bulsa.

" A-anong sinasabi mo?"

Yumuko ako at tumingin sa aking mga paa, Iba yung pakiramdam ko, kinakabahan ako at pinagpapawisan ang mga kamay ko.

A..alam niya na?
pero wala namang..
Hindi, imposible.

Nakatayo lang siya sa harap ko. at naghihintay ng kasagutan.

" A-alam mo na?"

Sa tingin ko, kailangan ko ng sabihin lahat. lahat ng alam ko at nililihim ko.
Pero ano nalang ang sasabihin sakin ni kuya?

" Kuya, kasi..."

" What!?"

Yung boses ni kuya.
Ramdam ko kung gaano siya ka galit, kahit kailan.. hindi niya pa ko nasisigawan ng ganito.

" Kasi..."

Unti unting pumatak ang mga luha sa mga mata ko.

dapat ko bang sabihin?

" Kasi gusto ko.. na kahit minsan.. maranasan ko namang magmahal sa taong mahal na mahal ako."

Tinignan ko siya kahit puro luha na ang mga mata ko.
Pero ibang expression na ang nakita ko sakaniya, na parang nag aalala na siya ngayon.

" Alam ko naman, na darating yung araw na, ipagkakasundo ako ni daddy at ipapakasal sa taong hindi ko naman gusto at hindi ko ka ano ano."

Alam ko na lahat..
Kahit hindi mo na sabihin kuya, alam ko na.

" Kahit naman, kahit naman sabihin ko saiyo, pipigilan mo ako at ilalayo mo rin ako kay patrick diba?"

lalong dumami ang luha sa mga mata ko.

Kahit hindi pa nangyayari, ramdam ko na yung sakit.

Playing: I'll listen to your story.


Oo.. alam ko, na darating yung araw na yon. Na darating yung araw na hindi si patrick ang makakasama ko, na darating yung araw na magigising ako na hindi si patrick ang makikita ko kundi ibang tao, na darating yung araw na hindi si patrick yung taong makakasama ko ng pang habang buhay..
Na darating yung araw na kailangan niya ng bitawan ang mga kamay ko.

kaya hanggang ngayon, nalilito parin ako kasi..
kasi Alam kong masasaktan ko lang siya, masasaktan ko lang yung taong mahal ko.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon