Chapter 65: Goodbye Marga

1.2K 43 2
                                    

Patrick's POV

( Break time/Canteen )

To: Samantha

Hoy panget, nasaan ka? Wag kang lalapit kung kani kanino ah! Lagot ka sakin..lalo na sa mga boys, dapat ako lang ang lalapit sayo.. araso!?

Sent...

*Beep*

From: Samantha

Hoy halimaw!! Wag ka ngang o.a! Kasama ko si Riza at kianna..

Typing...

Eh ano naman kung may kasama akong ibang boys?
Kahit mga gdragon?

Aba! Kakasabi lang na di pwede...

To: Samantha

Subukan mo lang, di na tayo bati.

*Sent*

Baliw talaga siya..

*Beep*

From: Samantha

Hahaha. Joke lang...

Nakakaasar.. pero diko talaga maikaila na kinikilig ako..
Haysss, parang timang ako dito na ngumingiti mag isa..

" Hoy oppa!"

Siniko ko siya sa Tiyan, bwisit na lee to, sabi nang ayokong tinatawag akong oppa eh!

" Aray ko naman!! Ang sakit nun ahh!" Pagpoprotesta niya..

" Ano ba kasi yon?"

" Kanina kopa napapansin na pindot ka ng pindot sa cellphone mo.. sino ba yan?"

" Wala to! Alis ka nga.."

" Nandito na yung order niyo!!"

" hays! Salamat nagugutom nako!" -Suan

" Lagi ka namang gutom eh!"-Troy

Iniabot sakin ni Dino yung ramen, sakto.. nagugutom nako..

" Balita ko, may arrangement marriage si marco, diba marco?"
-Ken

Tinignan ko si marco, walang imik. Kanina pa silang dalawa ni Drek.
Ano bang nangyari sa mga ugok nato?
Akala mo may mga packing tape sa bibig.

" Ahh oo. Pero matagal pa yon..." sagot niya

" Kilala mo naba yung babae na pakakasalan mo?"-lee

" ahh oo.."

Pati siya ikakasal na rin, so kaya ba siya nagkakaganyan ay dahil don?

" Hindi mo ba susuwayin ang magulang mo?"-Dino

"Hindi ko kayang gawin yon.. atsaka isa pa, gusto ko rin yung taong pakakasalan ko."-Marco

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni marco, may isang taong kaagad na pumasok sa isip ko nung sinabi niya yon..
Pero.. hindi, hindi naman siguro.
Hindi maaari.

" Lahat ng mga ari arian na dapat sakin, aalisin ni dad sa pangalan ko, kaya hindi ko kayang tumanggi"dagdag pa niya

Ang hina naman niya, siya pa? Sigurado akong kaya niya yon..
Ako nga nagawa kong pigilan yung arrangement marriage namin ni marga, pero kung gusto niya rin pala yung taong pakakasalan niya edi mas maganda.
At least hindi naging sayang..

Pero pano kung? Tama yung iniisip ko?
Pero hindi! Hindi pwede..

" Kamusta naman yung party niyo kagabi?"-Dino

" Okay lang. Eto kasing si marco, biglang nawala eh!!" -troy

" Sinundan ko kasi samantha eh! Atsaka nandiyan naman si Kianna ah.. arte mo lang."-marco

" Sus! Kunwari pa! Pero okay lang, marami namang chicks.."

Binato ni Ken si Troy ng bote..

" Ang babaero mo no..may kianna kana nga lumalandi ka pa.."-dino

" Sumasideline lang eh, eto naman.. syempre pag nag bar tayo hindi nako papayagan ni kianna..kaya sinulit ko na kagabi.." paliwanag ni troy.

Mula sa malayo.
Naaaninag ko si Marga, palapit samin..
Aish!! Hindi paba malinaw sakaniya lahat?!

" Hi boys!"

" Hi marga!!"

Tapos tumingin siya sakin..

Agad naman akong tumayo,
Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng Canteen.

" teka! San moko dadalhin.."

" Sa garden, mag usap tayo. "


*Garden*

" Patrick..."

" Ano bang hindi mo naiintindihan marga? "

Yumuko siya.

" Patrick, gusto parin kita.. at hindi ko.."

" Pero hindi kita gusto marga, yung kasunduan natin? Kasunduan lang yon.." paliwanag ko

Ilang segundo rin siya bago makasagot.

" Hindi ko maintindihan kung san bako nagkulang noon at kung bakit moko sinasaktan ng ganito.."

Tumulo ang luha sa mga mata niya.
Shit! Wag kang umiyak marga..

" please, don't cry.."

Sabi ko.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya.

"hindi naman ako ganito noon eh, im just a nobody.. pero nung niligawan moko, dun nagsimula lahat, nahulog ako, nagbigay ka ng motibo na gusto moko, tapos ako naman tong si tanga na naniwala sayo.. san bako nagkulang? Bakit ba ang galing mong magpaikot ng tao ha! Bat hanggang ngayon, masakit parin?! Pati yung normal kung buhay nabago dahil sayo! Pero alam moba nung sinaktan moko? Binago ko ang sarili ko para sayo, mas pinili kong maging masamang tao dahil alam kong hindi babagay ang isang simpleng katulad ko sa katulad mo.."

Umupo siya sa swing at dun na umiyak ng umiyak..

Nakokonsensiya tuloy ako.. I'm sorry marga, Hindi ko naman alam na masyado mong sineryoso yung mga ginawa ko saiyo.

Lumapit ako sakaniya, pinunasan ko ang luha sa mga mata niya,
Kahit masama ang ugali mo, nakakaawa ka rin pala, pero this time, alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari sayo tong mga to.

Umupo ako, at iniangat ko ang ulo niya para makita ako..

" I'm sorry marga, sorry.. I know this is all my fault..pero hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para lang sakin.."

Tinignan ko ang mga mata niya, ibang marga yung nakikita ko,

Yung marga na mabait, simple.. yung marga na nakilala ko dati..

" Alam ko naman na si samantha talaga ang gusto mo, kaya wala naman akong magagawa diba?"

Tapos ngumiti siya, at ganun din ako..

Pero kung alam mo lang marga, minsan minahal rin kita pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay martha at samantha..
Pero wala eh, ang gago ko kasi.. hindi man lang kita pinahalagahan noon..

" Napaka swerte ng taong mamahalin mo, marga.. tandaan mo yan.."

Tumayo ako..
At naglakad palayo..

" Patrick sandali.."

Huminto ako, at humarap sakaniya..

" Hindi ko pa pala nasasabi sayo na.. aalis nako papuntang Japan."

Lumapit ako sakaniya ng ilang hakbang.

Bigla naman niya kong niyakap..

" Kahit sandali lang..nakikiusap ako.."

Hinayaan ko lang siya
Na nakayakap..

" Mamimiss kita.."

"Sobra sobra.."

Ramdam ko ang lungkot niya.

" Mag iingat ka.."

Bumitaw nako sa pagkakayakap..
At nagsimulang naglakad palayo..

sana maging masaya ka.. at makahanap ng taong tatanggap sayo ng buong buo.




Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon