Chapter 43: In love

1.3K 39 3
                                    

" Ma'am san po kayo?"

" Ma'am?"

" Ma'am okay lang po kayo?"

" Ma'am!?"

" HA!?"

ay tanga.

" Ahh sorry po manong, ano nga po ulit yun?"

" Saan po kayo?"

" Sa Villa Juana po "

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, natulala nako.
Hays! Ano bang nangyayari kasi sakin? Bat bako nagkakaganito?-_-

nakakainis! Pinagsisisihan ko talaga na pumunta ako ng mall at nakita ko yung mokong na iyon!!

Sumakay nako ng taxi pauwi.
Ihahatid na sana ako ni patrick pero hindi ako pumayag, nag iba na kasi yung pakiramdam ko simula kanina.

Sa tinagal tagal ko na dito sa mundong ibabaw.

Ngayon lang ako naka experience ng ganito

Yung spark...

Yung ngumiti siya na para bang huminto ang buong paligid..

Yung ngiti niyang nakakatunaw..

Yung kuryente na dadaloy sa buong katawan mo.

Hindi ko alam.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.

Kasi.

Kasi parang gusto ko na siya...

Wahhhhh!!! Ano ba tong iniisip ko! Hindi!
No! Wala akong gusto sakaniya! No way!!

Hindi pwede!? Okay!?

Hindi!

Unti unti kong sinandal ang ulo ko sa bintana.

Nakakaasar naman.

Bat pa sa taong yun!
Marami namang iba diba?

Kupido naman ehhh!!!

Napakasama mo naman sakin-_-

Bat sa isang halimaw kopa mararamdaman to??

Pagkarating ko sa bahay.
Nakita ko si yaya paning sa kusina.

" Oh anak? Kumain kana ba?"

" Opo yaya. Aakyat napo ako. Masakit po yung paa ko eh."

" Gusto mo bang hilutin kita?"

Napakabait talaga ni  yaya paning.

" Hindi napo..aakyat napo ako ha?"

Tapos umakyat nako sa taas.

Ang sakit ng paa ko huhu-_-
Inikot ko ba naman yung buong mall eh.

Pagkaakyat ko, pumunta muna ako sa kwarto ni kuya para batiin pero wala siya, malamang dun na naman sa ka engkanto niya natulog.

Im so tireddddd!!!

Nilagay ko muna sa kama lahat ng mga gamit ko.

Tapos humiga ako.

At pinikit sandali ang mga mata ko.

" HAHAHAHA!!!"

Bigla naman akong nagising sa lakas ng tawa na narinig ko.

WAHHHHHHH!!!!!

NANDITO SILA SA HARAP KO!!!

habang natutulog ako pinagmamasdan pala nila ako.

Agad naman akong tumayo.

" HAHAHAHA! hi samantha!" Bati ni Dino

Pinalo ko siya ng unan.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon