Chapter 26: The past

1.3K 48 5
                                    


(After 2 months)

Marco's Pov

" Gising na si patrick! "

Habang natutulog ako sa upuan
Nagising nalang ako bigla ng marinig ko ang
Salitang " Gising na si Patrick " mula sa labas.

May kung anong tinik na natanggal sa lalamunan ko.

Napatingin naman ako kay samantha.
Dahil Akala ko kasi gising narin siya.

Ikaw nalang ang hinihintay ng lahat sam, kaya gising na.

Maya maya pa.

Bumukas ang pintuan, at nakita ko si riza..

" Marco, gising na si patrick.. puntahan mo na siya.." Masayang sabi niya.

Tumayo ako at
Nagmadali naman akong lumabas..

Pagkalabas ko,

Dali dali akong pumunta sa room ni patrick..

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Nandun si Ken, Yaya paning at Troy.

Oo nga, gising na siya.

Lumapit ako Kay Patrick.

Mulat na ang dalawa niyang mata..

" Pat.."

" Nakikita moba kami?" Tanong ni troy

Tinanong siya ni troy pero hindi ito kumikibo.

Hindi pa siya gising.

" Tatawagin ko lang si Doc, dito muna kayo.." Sabi ni yaya paning.

Tinapik naman ako sa balikat ni yaya..

" sige po. Kami na bahala.." Sagot ko.

Lalabas na Sana si yaya paning. Pero biglang pumasok si Doc.

" Andito na pala kayo.."

Lumapit naman si doc Kay patrick, para matignan.

" Doc, bakit Hindi siya nagsasalita? Atsaka parang hindi naman niya kami naaaninag?" Nagtatakang tanong ni Ken.

" Hmmm... Hindi pa siya totally gising.. Dilat ang mata niya pero wala pa rin siyang Malay.." Paliwanag ni doc.

Buong akala ko pa naman, gising na talaga siya.

" Hayaan niyo, maya maya pipikit narin ang Mata niya." Sabi Naman ni doc.

" Sige po doc, maraming salamat po.."

After I check up si Patrick

Lumabas na si doc.

Bakas sa mga mukha nila ang pagkadismaya.
Akala din siguro nila na tuluyan ng gising si Patrick.
Hindi parin pala.
Mulat lang ang mga Mata niya pero wala pa talaga siyang Malay.
Kahit kailan paasa talaga itong si ugok.

*Beep* *Beep*

Biglang nag vibrate ang phone ko.

《recieved 1 message》

From: Drek

Magkita tayo sa Parking lot.

Nandito siya?!

Anong pumasok sa utak nito at Makikipag kita to sakin.

Sige. Pupunta ako.

" aalis lang ako.."

" teka, san ka pupunta?"    Tanong ni Troy.

" may gagawin lang ako."

Madali akong lumabas ng kwarto..

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon