Chapter 61: Party

1.1K 38 8
                                    

Pagkarating namin sa bahay ni dino este palasyo pala.
Mula sa malayo, naaninag na namin ang mga taong pumapasok at dadalo sa party.
Sigurado akong hindi lang to basta basta birthday party..o kung ano mang mga party na madalas natin nakikita.

Iba to. Dinaig pa yung party ng anak ng presidente.

Nagparking muna si marco sa tapat ng bahay ni dino.
Nagkakanya kanya kasi kaming sasakyan, si kianna, na kay kuya, si riza naman kay ay nakay ken.
At ako, kasama ko si Marco.

Pagkababa namin sa sasakyan.

Sumunod na bumaba si kianna tapos si Riza.
Magkaksunod lang yung sasakyan namin.

Dahil kumpleto na kami.
Gusto ko sanang makasama si Riza at kianna sa party para maenjoy naman namin, di ksi ako makapag enjoy pag andiyan si kuya eh.

" Ahh. Marco, okay lang ba sayo kung? Si kianna at Riza nalang ang kasama ko?"

" Ahh. Sige walang problema. Pero kapag oras na ng pagsasayaw, gusto ko na sa tabi kita."
Bilin niya.

" Samantha ano? Tara na!?" Mukhang excited narin si Riza.

" Sige tara!"

" Hoy sandali? san kayo pupunta ahh?" Maangas na tanong ni kuya

" Ieenjoy lang namin yung party, kaya magsasama sama kami."sagot ni kianna

Wahhhhh!! Mukhang may something na sakanilang dalawa.

" Iiwan niyo yung date niyo?" -ken

" Oo. Sige na.. aalis na kami. Ienjoy nyo rin!"

" Hoy panget! Alam mo na ang bawal ahh!" Pahabol ni kuya.

Sabay hila ni Riza sa kamay ko at kianna.

Iniwan na namin silang tatlo.

pumasok na kaming tatlo sa loob.

Napaka ingrande nga talaga nito.
Marami raming tao.
Pero panigurado mga schoolmates lang namin to.

Malaki yung bahay nila, parang masyon..
Puro chandelier at palmuti ang makikita mo.

At ang mga dumalo, mukhang kapwa niya mayaman din.

Puro mga alak at Kung ano ano pa ang hinahatid ng mga waiter sa kaniya kaniyang mesa.

Marami ring mga babae, ano pa bang i eexpect mo? Eh chickboy naman si Dino haha joke.

Sa pinaka gitna, may parang malaking space, siguro ito yung sinsabi ni marco na sasayawan mamaya tapos may stage.

" Si Drek ohh!"-kianna

Tinuro ni kianna kung nasan si drek, buti nalang lumingon ito.

" Hi girls! Buti nalang nakarating kayo.."

Tumingin siya sakin ng nakangiti
Mukhang nanibago rin siya.

" Ibang iba ka ngayon samantha."

Sus bola!

" Ahh haha. Ah salamat"

" nasan nga pala sila lee at suan?"- riza

" Nasa pool.."- sagot ni drek

" Pupunta lang kami don ha? Sige.. alis n kami."-kianna

Hawak ni kianna at Riza ang magkabilang kamay ko
Kaya siguradong kung san sila pupunta kasama rin ako, pero okay lang at least maiikot namin to, haha.

Pagkadating namin sa pool.

Marami ring tao.
May mga naliligo rin sa pool.

Kaya pala nandito si lee at suan hahahaha!!!

Nakita kaagad namin si Lee at suan..teka? Nasan si dino?
Ahh baka siguro, busy lang dahil sa mga bisita niya..

" Kianna!!" Lumapit samin si lee at suan.
Nakita na rin pala nila kami.

" Nasan sila Troy?" Pagtataka ni Lee

" Nandito rin sila. Kaso nagbukod lang kami.." paliwanag ni kianna

" Samantha?!"-lee

Tinignan ko si Lee, nasa iba kasi yung tingin ko eh kaya diko siya masyado narinig.

" HA!??"

" Ang ganda mo. Pwede bang ikaw nalang yung i date ko?" Biro ni Lee

Siniko naman siya ni Suan.

" Baliw! Syempre meron yan. Sa ganda ba naman niyan." Pagaangal ni Suan

" ahh haha.. sorry si marco kasi kasama ko eh.." sabi ko.

" Sige. Mag enjoy kayo ha!?"-Lee

" Bye!"-suan

Tapos umalis na sila.

Nagpatuloy naman kami sa paglilibot.

Mula sa katabing waiter.. kumuha si Kianna ng tatlong baso ng wine, tapo inabot samin.

" Ah sorry hindi ako umiinom.." sabi ko

" Red wine lang to, wag ka mag alala..Try mo.." pagpupumilit ni kianna

Dahil wala naman akong magawa..
Kinuha ko nalang yung baso..
At unti unti kong ininom, kahit na medyo iba sa panlasa ko, hindi naman gaano kasama sa dila

After non.

Nagyaya na si riza kumain.
Kaya kami, sumunod nalang din.

Naghanap kami ng pwedeng maupuan.
Pero buti nalang may mga bakante pa sa loob.

Naalala ko si patrick, alam ko kasing pupunta siya pero hindi kopa siya nakikita.
Nasan kaya siya.

Habang kumakain kami.
May bandang tumutugtog sa stage.




(Playing:Alipin)

Di ko man maamin..
ikaw ay mahalaga sa akin..
di ko man maisip, sa pagtulog ikaw ang panaginig..

Alam ko itong kantang to...

Malabo man ang aking pag iisip, sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin..

Ako'y alipin mo kahit hindi batid..
aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig..
sayong yakap ako'y nasasabik..

Tumingin ako kung san nagmumula ang kantang iyon, at sino ang kumakanta..

ayoko sa iba, sayo ako ay hindi magsasawa..
ano man ang iyong sabihin..
umasa ka at ito ay diringgin..
Madalas man na parang asob at pusa
giliw sa piling mo ako ay masaya..

Ako'y alipin mo kahit hindi batid..
Aaminin ko minsan ako'y manhid...
sana ay iyong naririnig..
sayong yakap ako'y nasasabik..

--------------------------------------

Nakatayo lang ako sa harap ng stage ngayon.
Parang nanlalamig yung buong katawan ko habanh kumakanta siya.
Sana ako yung tinutukoy mo.. sana ako nalang..











Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon