Chapter 28: Airport

1.3K 45 1
                                    


Marco's POV

Nandito na kami ngayon sa Airport, waiting.

Dadating si Tito Greg.

Ang sabi nila, nakababa na daw yung eroplanong sinakyan ni Tito Greg, kaya hinihintay na namin siya dito, kasama ko si Riza.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari,
Lalo na kay troy, lalo na't nilihim niya ang Accident na nangyari Kay Samantha Kay Tito.

Kilala na kami ni Tito, bata pa lang kami, buo na ang pagkakaibigan namin. Buo naman sila dati, masaya at masaganang pamilya, nagsimula lang naman iyon nung nang bababae na si Tito Greg.

Yung nawala na si Tita Chesca, dun na nagsimulang nagkawatak watak ang pamilya nila, kaya naiintindihan ko si Troy, at kung bakit ganun siya mag alala Kay Samantha at ganun siya kagalit sa daddy niya.

It's been 10 years, Oo 10 years, since Hindi na nagpakita si Tito Greg.
Kaya malaki ang galit sakaniya ni troy, at Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila sa isat isa kapag nagkita sila.

Sa loob ng ten years na iyon, si troy na ang nag alaga Kay Sam, umuwi lang si troy sa Korea ng 2 years para makapag trabaho then saka siya bumalik sa studies niya.

Simula nung namatay si tita Chesca, lumipad na tito ng Korea, at nagkaroon ng panibagong pamilya.

Sabi nila, kilala na daw si Tito greg, na isang successful business manager sa Korea, Nababasa namin siya sa mga diyaryo, magazines pero ni minsan Hindi niya nakuhang umuwi dito sa pilipinas para Kay troy at Sam.

Kaya Hindi ko masisisi si troy.

" Nandiyan na ata siya"

Marami ng tao ang lumalabas, sa malamang niyan nandito na rin si tito Greg.

After 5 mins.

Naaaninag na namin siya mula sa malayo.

Mukha na nga ata siyang mayaman.

May mga body guards din siyang kasama.

Ibang klase.

Finally, nakita niya narin kami mula sa malAyo

Lumapit siya samin

" annyeonghaseyo!"

Bati ni Riza

" annyeong!"

Then tumingin naman siya sakin.

" Marco, ikaw naba iyan?"

Antagal naming Hindi nagkita kaya siguro nanibago siya sa itsura ko.

" Uhhmm. Yes Tito."

Then I smiled.

Tumingin naman siya Kay Riza.

" Anlaki mo na Riza, you look so pretty.."

Napangiti naman sakaniya ito.

Medyo may kirot akong naramdaman sa dibdib ko.

Sana sa sarili mong anak sinabi yan.

Sana Kay Samantha.

" Well, what are we waiting for? Let's go now."

Sabi niya.

Pumasok na kami sa kotse ni Riza.
May service naman siya kaya dun na siya sumakay.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon