Chapter 54: Missing

1.2K 38 2
                                    

" Mr. Patrick.. gising napo ba kayo??"

May kumatok sa pinto.

Bullsh*t naman. Inaantok pa yung tao eh.

" Mr. Patrick??!"

" Pwede ba? Mamaya nalang! Istorbo.."

Sabado naman ngayon ah? Wala namang pasok?

"May bisita po kayo.."

" Pasabi nalang na bumalik na lang sila!"

" Sir. Patrick, nandito napo ang mommy niyo.."

Wt?!

Agad akong bumangon mula sa kama. At dali daling lumabas ng kwarto.

" Nandito na si Umma?"
" Nandito na nga po siya."

" Oppa!!"

Pagkalingon ko.

" sammy..."

My 7 years old sister, sammy.

Tumakbo siya sakin, umupo ako para mayakap ko siya

" I really miss you..oppa!!"

" I miss you too, sammy.." sagot ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap..

" Don't cry sammy, oppa is here, so smile kana."

Pinunasan ko ang luha sa mga mata.
At ngumiti naman siya.

" ahh. Where is umma?"
" She's in the kitchen.."

Kinarga ko si sammy at sinama ko papuntang kitchen.

Pagkarating namin dun.

" Hi baby boy.."

Shitttt!!!!
Kadiri, ayoko na ng baby boy.. wth!

Natawa naman yung mga maids namin..

" anong tinatawa tawa niyi diyan ha?"

Niyakap ako ni mama

" Umma, you're back.."

Niyakap ko din siya

" I miss you anak. You look so good today."

Bumitaw siya sa pagkakayap.

" I thought..hindi kapa?"

" sorry son, but talagang gusto ko ng umuwi ng pilipinas, gusto ko lang makasiguro na okay kana after ng pagkakacomatose mo."

Bakas sa mukha ni mama na nag aalala siya.

" It's okay ma. I'm Fine now."

" nasan nga pala si papa?"

" he's in Korea now. Marami siyang inaasikasong business natin."

Ang sabihin niya, ayaw niya talagang umuwi ng pilipinas, dahil ayaw niya kong makita.

Hanggang ngayon galit parin siya sakin dahil sinuway ko ang arrangement marriage ko noon.

Sino bang gugustuhin magkaroon ng ganun?
Para saan? Para sa business?
Mas mahalaga kasi sakaniya ang business niya kaysa samin.

Galit na galit siya sakin noon hanggang ngayon naman ata eh, tinaboy niya ako dito sa pamamahay niya, pinutol lahat ng credit cards ko, at kinuha lahat ng kotse ko. Lumayas ako nun, pero hinahanap ako ni mama, sakto nung bumalik ako dito, paalis na siya ng papuntang korea kaya naman pinabalik ako dito ni mama.

Well. I don't care..
Kung hindi niya ko kinikilala bilang anak niya, hindi ko rin naman siya kinikilala bilang ama ko. Thats it!

Pumunta kami ni Mama sa may sala.
Sa tingin ko marami siyang gustong sabihin at tanungin sakin.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon