Chapter 60: Preparation

1.3K 44 3
                                    

" Samantha.."

Dali dali akong bumaba ng tinawag ni kuya yung pangalan ko.
Alam ko kasing darating sila riza at kianna para sunduin ako. Dun daw kasi kami mag aayos sa bahay ni kianna para sa party ni Dino.
Nagpaalam nako kay kuya, pumayag naman siya dahil kasama ko si kianna at riza

Nakita ko sila na nakaupo sa mesa kumakain ng Muffins.

Bumalik ako ng kwarto

Kinuha ko na yung mga dapat na bibitbitin ko.
Para tuloy tuloy na kami kila kianna

Pagbaba ko.

" Ano ready kana?"

" Ahh haha. Oo" mukhang excited din si riza kagaya ko, first time lang naman kasi kami dadala sa ganitong klaseng okasyon.

Pinuntahan ko si kuya sa may kusina, magpapaalam ako

" Kuya aalis na kami."

" Hoy panget, siguraduhin mong magmumukhang tao ka mamaya ah?" Biro niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang sama naman niya, bakit? Mukha bakong hayop ah?!

" Hehe! Biro lang.. wag kang hihiwalay kila kianna at riza ah, tawagan moko kaagad kapag may nangyari, sige na alis na.." sabi niya.

Ang sweet naman ni kuya>.< kahit pala lagi niya kong inaasar, kapatid niya parin pala ko hehe

Lumapit ako sakaniya at niyakap ko siya.

" Thankyou kuya."

Kahit pala minsan ay hindi pala minsan, kahit palagi kang nagiging halimaw..
Lagi ka parin nandiyan para bantayan ako.

" Hoy, taba? Ano na naman bang ka dramahan mo?"

Sus. Kunwari pa, hihi.
Namiss mo rin ako kuya, sabihin mong hindi.

Bumitaw ako sa pagkakayap sakaniya tapos nginitian ko siya.

" Halika nga dito..yakapin mo ulit si kuya.." sabi niya tapos niyakap niya ko.

Naiyak ako nung sinabi niya yun. Mamamatay kana ba kuya kaya ka ganiyan ngayon?
Hayss, sana lagi kang ganiyan, lagi mokong inaaway eh.

" Sige na. Sumama kana sakanila."

Tapos pinuntahan ko na sila kianna at riza, para makaalis na kami.








( kianna's House )

" Sandali! Masyado naman atang maikli eh!ayoko niyan!"

Pilit kong nilalayo yung dress na pinapasuot nila sakin. Sobra kasing ikli eh! Di ako nagsusuot niyan..

" mas bagay to sayo! Halika nga.."

" eh!! Di ako sanay.."
Pagpoprotesta ko.

" Sige na... halika na.. aayusan na kita"

Hinila ako ni kianna papasok sa Cr.

Nakakainis naman huhu-_- sinabing ayoko eh!!

Mag iisang oras na kami dito,
Dahil wala naman akong magawa,
Sinuot ko nalang yung dress na papagamitin nila sakin kaysa naman magtalo pa kami.

Sobrang ikli talaga tapos ang kati kati pa! Aishh!! Kung alam ko lang na ganito sana hindi nalang ako pumayag sa party, kaso nakakahiya naman kay dino, siya mismo nag invite samin ehh.

After kong suotin yung dress, tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Hindi ko alam kung nag aasume lang ako o mataas talaga ang tingin ko sarili ko, pero tinignan ko ang hitsura ko ngayon, parang hindi ako.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon