Chapter 20: Day 1

1.4K 48 4
                                    


[Kring!!Kring!!kring!!]

3:00 pm Nag ring ang bell, simbolo na kailangan ng magtipon ng lahat sa hallway.

" Samantha!"

Pagtalikod ko..
Nakita ko si Marco.

" Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, san kaba ng galing?" Tanong niya.

" Kanina pako sayo nag aalala.." Dagdag pa niya. Halata naman sa mga mata niya na nag aalala siya.

" galing akong garden. Nagpahangin lang." Sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin at kinurot ang pisngi ko.

" Hayss, halika na.."
Hinila niya ako papunta sa hallway. As usual, nakahawak siya sa kamay ko, hayss.. Pengeng oxygen!

Habang papunta sa hallway.

At syempre, ang daily routine, ang pagtinginan at pag tsismisan ako dito.
Hindi ko nalang sila pinansin.

Pag dating namin sa hallway.
Nandito na lahat. Pati yung mortal Kong kaaway.. Hayss, nababadtrip ako pag nakikita siya.. Hindi ko gusto yung ginawa niya kanina.. Sinigawan niya ako! Oo ako!

Teka, bakit parang wala si Patrick?
Hmmm.. Siguro may sakit parin siya, hayss teka nga! Bat ba ko nag aalala sa mokong nayun. Isa rin yung mortal na kaaway!

Dahil medyo pinagbubulungan na kami dito. Tinanggal ko na yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

" Sabi sakin ni kuya, lumayo na ko sainyo, pero bakit..."

" Kaibigan lang naman diba?" Sabi niya.

Napayuko naman ako, nakatingin kasi siya sakin, baka matunaw ako>.< charrr lang.

" Tama ka."

Kilalang kilala ko yung boses nayun. Yung Boses ng halimaw na bigla bigla nalang sumusulpot.

" Dahil kung magiging kayo, nakakadiri!" Dagdag pa niya.

HAHA. NAKAKAHIYA NAMAN SA UGALI NIYA.

Natawa si Marco.

" Okay kana ba?" Tanong niya Kay Patrick.

" Oo, akala ko Hindi ka makakapunta.."-Patrick

" Tss. Ako paba.."-Marco

" atsaka wala kasing makakasama tong si Samantha kapag Hindi ako pupunta..." Dagdag pa niya

Napatingin naman ako Kay Marco, nahalata niya siguro na may malaking question mark sa mukha ko.

"HAHAHAHA. ano ka niya? BODYGUARD?" Tanong ni Patrick.

MAY MALAKING QUESTION MARK RIN SIGURO SA MUKHA NIYA. SUS, ANO NA NAMAN BANG PAKE NIYA. AISH! KAINIS!!

" Loko ka talaga, parang ganun na nga.. Diba Samantha?" Tumingin siya sakin ng nakangiti.

" ahhh.. Eh, oo.." Sagot ko..

Hinawakan naman niya ang buhok ko.

" Wag mo nga siyang hahawakan!!" Sigaw ni Patrick.

At sa sobrang lakas ng bunganga niya, napatingin ang lahat samin.

Problema nito?

" huh?"-Marco

" ahh, eh..ang sabi ko, wag mo siyang hahawakan, dahil... Dahil Hindi magandang tignan sa mga katulad natin na lumalapit sa mga katulad niya..." Sabi niya, pagkatapos ay umalis na siya.

Diary Ng ChubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon