"Mom!" She heard her son scream and she quickly glanced at the end of the stairs. Hinihingal itong naakyat pataas papunta sakanya pero kita mo ang masasayang ngiti nito sa mga labi at mata.
"Oh, baby. You're here na. How's your day?" Tanong niya dito at binuhat. Hinaplos niya ang noo nito at buhok dahil sa basa ng pawis.
Niyakap siya nito ng mahigpit at galaw ng galaw. Tawa ito ng tawa.
"Your happy, huh, baby?" She asked and show him a smile. And her son return multiple of nods with a wide grin.
"Yes! So happy!" Hinalikan niya nalang ito sa pisngi at pinaggigilan. Tawa naman ito ng tawa.
Habang pababa sila sa hagdan ay kwento ito ng kwento tungkol sa naging araw nito kasama ang ama.Nandito kasi sila sa bahay ng mga magulang niya. Dahil weekends. And Its been two weeks since that incident happened. Simula noon minsan nalang siya maghatid sa anak niya papunta sa ama nito. Pero kadalasan ay ang Driver ng mga magulang niya ang naghahatid dito.
"Mommy, when will daddy sleep here together with us?" Tanong nito habang naka-nguso. Ini-upo niya ito sa may high stool at tinignan niya ang inosenteng mga mata nito na nagtatanong.
"I want my daddy to be here too, mommy."
She sighed. Hindi niya alam kung anong sasabihin niyang rason. Basta ang alam niya galit siya rito. Galit siya sa daddy nito. At hindi naman niya pwedeng sabihin iyon sa anak niya.
She just smiled at him at ginulo ang buhok.
"You hungry? What do you want me to cook, baby?" Tanong niya dito.
Mag-gagabi narin kasi at napagpasyahan niyang siya nalang ang magluto.
Mark put his little hands on his chin and his forehead crease.
Natawa siya sa inasal nito. Ganyan yan pag nagiisip.
He tap his chin like a grown up man. Napailing-iling siya.
"Ah! I know, Mom!" Sabi nito sabay tayo sa may stool. Nanlaki mata niya. Pumunta agad siya sa kinaroroonan ng anak at pinaupo sa mas mababang silya.
"Baby, don't do that. Mahuhulog ka. Mababalian ka nanaman." Sabi niya rito at tinignan ang braso nitong naka cast parin.
"Sorry, mom. I want some Sinigang pork! But I want it maasim, mom." Sabi nito sabay ngiti sakanya.
She patted his head and kissed its chubby cheeks.
Kumuha siya ng Ingredients sa ref at inilapag sa may lababo. Narinig naman niyang inuurong ng anak niya ang inuupuan na silya papalapit sakanya. Tinulungan niya ito at hinayaang manuod sa tabi niya.
Tinitignan siya nitong mag hiwa.
"Mommy, I saw dad's cellphone earlier." Nilingon niya ito.
"Hmm?" Sagot niya.
"And dad kissed it." Sabi ng anak niyang naka-kunot ang noo.
"He kissed it?" Takang tanong niya. Tumango naman ito.
"I asked him why did he do that and he let me see the phone." Nakanguso ito habang nagkekwento at naka-kunot ang noo. Natawa siya. Napaka-cute ng anak niya. "It's a picture of you, mom! You just woke up on that picture and your hair was messy! Dad say even tho you look like that you will be always be hot and gorgeous in his eyes. And he said that he loves you, very much! But why hot, mommy?" Hinawakan siya nito sa mukha na nagtataka.
Hindi niya alam ang mararamdaman kung inis ba o kilig.
Inis dahil kung ano-anong sinasabi ni Remyr sa anak niya na hindi niya kayang ipaliwanag dahil masyado pa itong bata para maintindihan iyon. Kilig dahil rin sa narinig na mahal daw siya nito.
BINABASA MO ANG
Just like that
General FictionNatalie Ross Saite is strongly, deeply inlove with this certain man. She dreamed having him on his side, holding hands and any typical girl that could ever dream. But apparantly, this man seems not interested in her. He doesn't even bother to took...