Chapter 29

1.5K 23 0
                                    

"Tell me more. Fill me in again with those past years that we're not together." Mahinang sambit sakanya ni Remyr habang dinadampian ng maliliit na halik ang ulo niya.

She smiled a little and sigh. Niyakap niya pa ito ng mahigpit. Nasa couch sila ngayon at nag-uusap ng kung ano-ano. Nakabukas ang TV pero hindi naman sila nanunuod.

"Hm. Well, I studied again pakatapos kong ipanganak si Mark. Tho naghintay pa muna ako isang taon kasi masyado pang siyang bata nun. Nung nakapag One year old na siya tuwing may klase ako ng morning iniiwan ko siya kila Dad. Nahihirapan ako nung una pero kalaunan nakapag adjust narin ako..."

Tuloy tuloy lang ako sa pag kwento at siya nakikinig lang ng mabuti. Habang nakikinig siya hinahaplos lang niya yung buhok ko o di kaya yung braso. Nagkwento ako tungkol sa mga nangyari sa anak namin. Mark's first words, First steps and everything.

"May video ako nung nakatayo na siya mag-isa! Tapos yung tumutubo ngipin niya. Naalala ko nga pinang-gigilan nun ni Mark yung daliri ni Niccolo kasi tumutubo nga." Natatawa siya habang kinu-kwento yon.

"Niccolo is on your side when I am not..." Biglang sambit nito.

"I hate the feeling, Nat. Iniisip ko palang yung mga taong nasayang na wala kayo sa piling ko nasasaktan ako. Kung hindi ba naman kasi ako gago. Hindi sana to mangyayari. Kaya, I'm so sorry, baby. Let me fill those years when you are having a hard time, when you feel lonely. Let me." Sabi nito na niyakap pa siya ng mahigpit. Tumango naman siya.

"Okay. Let's fill it in with good or bad memories. Let's share every burden, let's solve every problem that will hinder us, let's face it together okay? No secrets, no lies. Tama na yung nangyari dati. Because love will not sail or survive without trust." She is looking at him in the eyes and she can see through it that this man will be her life line. No, it has always been him. She smiled.

"Thank you. Thank you for being persistent. Alam mo naman ako masyadong matigas ang ulo at mataas ang pride. Pero ikaw hindi ka sumuko. Ako ngang sumuko na pero ikaw hindi and I'm thankful for that. I am so so so happy to have you again here, Remyr." Mahabang litanya niya. Napapikit naman ito at napangiti. Hinampas niya ito.

"Mukha kang tanga. Nakangiti tas nakapikit." Tatawa tawa niyang sabi sabay haplos sa pisngi nito. Dumilat naman ito.

I really love his eyes. As I look with those pair of eyes as if it was taking me to places. I am lost in a good way.

"You said my name. It feels good. Shit, kinikilig ako." Sabi nito sabay tawa at subsob sa may leeg niya. Napatawa naman siya sa sinabi nito.

Silence enveloped in the air. She wants to ask something to clarify things. Para bang nabasa naman nito ang iniisip niya at hinarap siya nito.

"Ask." Sabi nito. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan niya ulit ang gwapo nitong mukha. Hanggang ngayon hindi parin siya sanay na ganito kagwapo ang na-inlove sakanya.

"Uhm, well, just tell me also everything what happened between the two of you." Sabi niya pero naging bulong yung mga huling salita na sinabi niya.

"I start loving Shaneia when we were on our Elementary days..." Panimula nito. Hindi niya alam pero may parang kumirot sa puso niya. Kahit pang alam naman niyang siya na ang mahal no Remyr hindi niya parin maiwasan.

"Tatlo kaming magkakaibigan noon. Ako, si Tobby, si shaneia. Sabay sabay kaming lumaki noon. Kahit pa sa school kami unang nagka-kilala hinding-hindi kami napag-hihiwalay. Sabay kaming mag lunch, tabi ng upuan sa classroom. Kung ano-ano pa. Masaya kami. Yung typical na magkakaibigan lang. Then I start seeing Shaneia as a woman not a friend. Akala ko wala lang iyon kaya di ko pinansin pero habang tumatagal alam kong iba.Lingid sa kaalaman ko ganun rin pala si Tobby kay Shaneia. We were on our vacation back then, mag fifirst year HS na kami noon at nagpaplanong sa iisang school lang ulit kami mag aaral. Kaming dalawa lang nun ni Tobby naguusap nang sinabi niya sakin ng mahal niya nga si Shaneia. Nung una hindi ko nanaman alam kung anong irereact ko don. Pero pinili kong maging masaya at sumuporta sa pagka gusto niya kay Shaneia. Then I learned that Shaneia also loves Tobby..." Sabi naman nito at huminto sa pagkekwento. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang nakatingin lang to sa kawalan. Tinitigan niya ito.

Just like thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon