Scarlet's POV
Nandito ako ngayon sa SLU nanonood ng basketball. Eto kasing si Matthew ehh! Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kanya hindi naman talaga ako sasama dito.
Flashback
"Excuse me po! Pwede po bang malaman kung magkano po ang Bill ng pasyente na si Candy Lopez?" Tanong ko sa cashier ng hospital at agad naman nyang tinignan ang libro na nasa lamesa nya, katabi ng telepono.
"Ma'am, actually paid na po siya. Wala na pong kailangang Bayaran." Sabi ng cashier tapos agad naman akong nagtaka.
"Teka Miss. Hindi pa kami nagbabayad ng bill ah." Responde ko.
"Ehh! May nagbayad napo ng bill nyo.Matthew Mendoza po ang pangalan kung hindi ako nagkakamali." Agad namang nanlaki ang mga mata ko habang nagpra-process parin ang utak ko.
Umalis narin ako. Teka nga! Bat hindi ma absorb ng cerebrum ko ang nangyayari.
End of Flashback
Maya maya natapos na rin ang first game sa Score na 31(SLU) - 35 naman sa (FU), agad namang lumapit sa akin si Matthew dala dala ang towel nya.
"Punasan mo ako." Utos nya sabay abot ng towel.
"Sa pagkaka-alam ko, may kamay ka ehh!" Pagmamasungit ko.
"Alam mo! Ang Arte mo rin hah! Ang dami ngang babae na gusto humawak sa katawan ko, tapos ikaw? TATANGGIHAN LANG!" Infairness pinagmamalaki nya yung kakapalan ng mukha niya. Disable ang kuya mo tehh! Walang kamay!
"Ano namang mapapala ko sa katawan mo. Magkakapera ba ako? At F.Y.I tutor mo ako, hindi yaya." Sabay tingin ulit sa Court.
"Nakaka badtrip ka naman ehh." Yan nalang ang nasagot nya, sabay Alis.
Bumalik na ulit ang laro. Pero habang naglalaro sila parang hindi na Ma shoot ni Matthew ang bola.
Anyari? Bakit parang hindi makafocus ang taong to.
Nag time out na naman. For the second quarter 61-53 ang score. Lamang ng 8 points ang SLU.
"Ano kayang nangyayari Kay Papa Matthew? Hindi na Maganda resulta ng laro ehh." Narinig kong sabi ng katabi ko habang naka cross arms.
"Matthew!" Tawag ko sa kanya at agad naman syang lumapit.
"Anong Kailangan mo" Masungit nyang tanong.
"Ganda ng greetings mo!" Sabi ko sabay palakpak ng mahina.
"Just direct it!" Agad naman akong nabigla sa sigaw nya. Matthew! Hindi ako binge, maawa ka!
"Larong MVP ba yun? Ganon ba gumalaw ang Crush ng Mundo? Magaling ka lang naman magsalita!" Sunod sunod na sabi ko sa kanya.
"Hindi ahh! Nakaka badtrip lang talaga." Alam ko yang reklamo na yan.
"Hali ka nga dito. Akin na yang towel mo!" Utos ko. Sa paglapit nya agad ko na syang pinunasan.
Nag ring na! Palatandaan na 3rd quarter na. Agad naman syang umalis pero bago yun, pinisil nya muna ang cheeks ko. Sabay "Sweet mo!" At tumakbo na.
Feeling ko na parang namumula na yung mukha ko. Sheyt! Mainit lang talaga siguro.
_________________________________________
Trevor's POV
"Sabi ko na sayo, ligawan mo na ehh!" Agad naman na bungad ni Cheska sakin. Nakita nya kasi akong kanina pa Nakatingin kela Scarlet eh.
"Ano ka ba? Ingay mo hah!" Pagrereklamo ko. Baka may makarinig pa sa kanya. Tssk!
"Sorry po! Nakakapanghina lang. Ikaw yung manok ko para sa bespi ko, tapos magpapatalo ka?" Masungit nyang sabi. Habang nakataas hanggang outer space ang kilay nya at naka ekis naman Ang kamay nya.
Pero wala akong sinabi sa kanya. Nakatitig parin ako kay Scarlet at Matthew.
"Hoy! Buhay ka pa." Pang-gugulat ni Cheska. Anong klaseng tanong naman yan? Hindi ba halata na humihinga pa ako.
"May tamang oras para sa lahat" yan lang ang isinagot ko sabay inom ng tubig.
_______________________________________
Scarlet's POV
Pagkatapos ng game, dali dali na akong umalis pero inabutan nya parin ako.
"Nagmamadali ka yata?" Pagtatanong nya habang nakahawak sa braso ko.
"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Ang sakit kaya.
"Ano bang atraso ko sayo? Bakit ang sungit sungit mo?" Sunod sunod na tanong nya na parang galit na galit.
"Relax lang!" Pagpapahinahon ko sa kanya.
"Oh Tara! Sabay na tayo." Pagyayaya nya. PSH* bipolar talaga to. Kanina lang galit na galit, tapos ngayon ngingiti. Yung totoo?
"Hindi ako makakasabay sayo eh! Alam mo namang nasa hospital parin Mama ko." Pag e-explain ko sa kanya pero Aalis na sana ako ng hilain na naman nya yung kamay ko.
"Hatid na kita!" Dagdag pa nya.
"Wag na nga. Tsaka yung pagbayad mo sa bills ng Mama ko, sapat na yon." Agad naman syang nagtaka sa sinabi ko.
"Bayad?" Agad namang tumaas ng konti yung dalawang kilay nya.
"Oo. Ikaw diba? Salamat ka pala!" Pagpapasalamat ko sa kanya.
Aalis na sana ako ng magsalita sya. Eto na naman.
"Sinara lahat ni Daddy ang accounts ko, kaya imposible na ako ang nagbayad ng bills ng Mama mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Ehh---- basta mauna na ako." Hindi na ako tumigil pa.
Agad naman akong nakapunta sa hospital. At nagtungo agad sa cashier.
"Teka Miss! Pwede po bang magtanong kung anong itsura ng lalaki na nagbayad ng bills ni Mama.
" Ay! Yun po ba?" Agad naman syang napatahimik at nag-isip.
"May edad na po sya!" Sabi ng cashier na ikinagulat ko.
MAY EDAD NA?
________________________________________
Please vote this chapter.
At comment for question or advice.
Salamat!
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Teen FictionSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...