(9) Horrible

48 1 0
                                    

Scarlet's POV

Nandito ako ngayon sa hospital, nakatingin sa kisame at nakatulala.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Cheska. Tinawagan kasi siya ni Trevor nang makaabot kami sa Mercy Hospital. At Oo, si Trevor ang tumulong sakin na dalhin si Mama dito.

"Okay lang ako. Magiging okay rin si Mama Diba?" Tanong ko sabay iyak ng napakalakas.

"Oo naman! Si Tita pa, Mas malakas pa yun sa kalabaw." Sabi ni Cheska sabay ng pagtapik nya sa likod ko.

Maya maya naman dumating na si Trevor.

"Kumain muna kayo oh" sabay abot nya ng pagkain samin. Habang ako, umiiyak parin.

"Scarlet, gusto ka daw kausapin ni Doc!" Sabi ni Trevor na may kalungkutan paring namumuo sa mukha nya.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinuntahan si Doc.

"Good evening Doc." Bati ko.

"Sit down" responde nya. Pero habang nag-iisip sya pakiramdam ko may masamang mangyayari.

"Your Mother, is in a critical condition now." Bungad ng Doktor.

"Ano pong ibig sabihin nyo Doc" tanong ko.

"Maaaring matulog ang Mama mo for how many weeks, months, years, depende sa pasyente. Sanhi ito ng Stressed and Depression yung masyadong madami ang iniisip." Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi ng Doctor sakin.

"Doc! Anong ibig sabihin na matutulog si Mama?" Pagtatanong ko habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko.

"I'll make it clear for you. Your Mom is Comatose, at maaari ring ikamatay nya ang kondisyong ito. We should thank god kung gigising pa sya. I think that pwede na kitang iwan because I have to consult the other Patients" sabay Alis.

Para akong multo na naglalakad sa pathway papunta sa room ni Mama. Pagbukas ko, nadatnan ko sila Cheska at Trevor nakaupo malapit Kay Mama.

"Besh! Anong sabi ng Doktor?" Bungad sa akin ni Cheska, pero hindi ko sya pinansin at pumunta kaagad ako sa kilid ng higaan ni Mama.

"Ma! Gumising kana please. Ma, pakiusap wag naman tayong ganito oh." Sinasabi ko yun habang inaalog si Mama.

"Besh! Tama na." Sabi ni Cheska habang si Trevor pinipigilan ako.

"Hindi! Kapag kinausap ko yan gigising yan, Diba Ma! Peace tayo Ma hah? Gising na. Nakakapagod kayang maghintay dito. Naalala mo Mama, takot kaya ako sa Multo! Uwi na tayo Ma!" Sabi ko habang natawa na may halong pag-iyak, Pinagmumuka na akong baliw ni Mama ehh!

"Scarlet, tama na! Magpahinga ka muna. Mas pinapahirapan mo yung Mama mo sa ginagawa mo!" Sabi ni Trevor habang pinipigilan parin ako. Agad naman akong napa upo sa sahig habang umiiyak na parang bata na inagawan ng kendi. Hindi mo ako masisisi, Mama ko yung nasa pahamak ehh.

Maya maya palang inalalayan na ako nila Cheska at Trevor na Makaupo ng maayos. Siguro, dahil na rin sa pagod sa pag-iyak nakatulog ako agad.

______________Tomorrow_______________

"Scarlet!...... Scarlet....." Habang natutulog ako, naramdaman kong may tumatapik ng balikat ko. Pagmulat ko ng Mata ko, agad na bumungad sa akin ang mukha nina Trevor at Cheska. Pagtingin ko naman Kay Mama, tulog parin sya.

"Papasok ka ba?" Agad na tanong ni Trevor.

"Anong oras na ba?" Tanong ko kasabay ng pagtayo ko sa kinatutulugan ko.

"6:30 am" sagot ni Cheska.

"Wag ka ng pumasok!" Nabigla ako ng may nagsalita.

"Hhehe! Sorry Besh hah! Ang kulit kasi nitong Bryan nato ehh." Sabi nya sabay ikot ng mata nya Kay Bryan.

"Ako pa may kasalanan?" Agad namang sagot ni Bryan. Pero pinandilaan lang sya ni Cheska.

"Guys! Wag dito please." Pakikiusap ni Trevor na halatang rinding rindi na sa away ng dalawa. Kaya tumigil na rin yung dalawang baby kaka ungaaa!

"Hindi! Kailangan kong pumasok." Patayo na sana ako ng pigilan ako ni Trevor.

"You know what! Tama si Bryan, wag ka ng pumasok. Mas Kailangan ka ng Mama mo dito. Si Bryan na ang bahala sa teacher nyo." Pagkasabi ni Trevor biglang tumingin sakin si Bryan sabay turo sa sarili nya.

"Ako?" Tanong nya.

"You! You! You!" Turo ni Cheska sa kanya.

"Oh Anong you?" Tanong naman ni Bryan.

"You Madapaka. Madapa ka sana!" Sabay balikwas ng tingin Kay Bryan.

"Hindi kayo titigil? Pag-uuntugin ko kayo ehh." Sabi ni Trevor na tila pikon na pikon kela Bryan.

"Pabayaan mo na.
The more you hate
The more you love kaya!" Sambat ko.

"Yan! Yang mukhang yan?" Sabay turo ni Cheska sa mukha ni Bryan.

"Problema mo sa mukha ko?" Tanong ni Bryan.

"Wala! Masyado lang kasing MAKAPAL!" Sabi ni Cheska na para bang Mas lalong inaasar si Bryan.

"Anong sabi mo?" Agad namang nilapitan ni Bryan ang katawan nya Kay Cheska. Nako! Ang Lola mo kinikilig..

"B- bakit? Gusto mo bang ulitin ko pa! " responde ni Cheska.

Habang nag-aaway yung dalawa, tumingin sakin bigla si Trevor.

"Your Smiling now!" Agad ko naman syang tinignan sa mata nya.

"Salamat sa inyo" bawi ko sa kanya.

Ngiti lang ang ginante nya sa salamat ko.
Yung ngiti nyang nakakagaan ng pakiramdam.

_________________________________________

Don't forget to vote

And follow me also.

Comment for any questions!

Wag naman kayong madamot!
I share nyo rin sa friends nyo ang story na to.

Salamat pooooo.

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now