(26) Done Being Torpe

26 1 0
                                    


Matthew's POV

"Dahil NAGSESELOS AKO! At napaka MANHID mo, para hindi malaman yon"
Halata namang nagulat sya sa mga sinabi ko.

"Matthew" malumanay nyang sabi sakin.

"Ano ba kasing ginawa mo at patay na patay ako sayo? At Oo! Nasaktan ako ng sobra nang sabihin mong gusto mo si  Trevor. Ang tanga ko lang siguro kung iniisip ko na pwede pa na ako nalang. Ako nalang sana." Sabi ko sabay sakay nang kotse at nagdrive papuntang Secret Paradise.

Habang patuloy na tumutulo ang luha ko? Naalala ko bigla yung mga bagay kung saan kami nagsimula ni Scarlet.

*Yung araw na sinuntok nya ako sa mukha.

*Yung araw na naging tutor ko sya.

*Yung Oras na sinipa nya yung likod ko. Pero sya rin yung gumamot.

*Yung mga Beses na nagselos ako sa kanila ni Trevor.

*At yung unexpected First kiss namin dito sa SP (Secret Paradise).

Parang ang hirap lang paniwalaan na Ilang linggo lang kaming nagkasama, pero Grabe ang epekto nya sa love life ko.

Nakakatawa lang talaga..... Ang lahat kung saan kami nagkakilala.

*

Scarlet's POV

1 week ago...

"Hoy! Birthday girl!" Bungad ni Cheska. Nandito kami sa ngayon sa Garden nang school. May Foundation day program kasi kami sa School, e sa sobrang sikip sa field! Dito kami tumambay. Wala rin namang handaan sa amin kaya pumasok nalang ako Kahit birthday ko.

"Anong Problema Besh?" Nagtatakang tanong ni Cheska.

Ngumiti lang ako sa kanya sabay tingin sa kanilang dalawa ni Bryan at sinabing "Kayo na ba?" Sa tanong kong yon, napaluwa si Cheska samantalang si Bryan, nabilaukan. Kumakain kasi sya ng baon nyang pagkain.

"Hindi no!" Sabay na sagot ng dalawa at nagkatinginan pa!

"Hindi naman kayo nagplano na sabay sasagot Diba?" Matawa tawa kong tanong.

"Iniiba mo usapan e." Sabi ni Cheska at nagpout pa.

"Ilang araw ng hindi pumapasok si Matthew hah! Mga isang linggo narin. Di nyo ba naisip kong anong nangyari sa kanya?" Sa sinabi ni Bryan agad naman akong napaisip. Actually, yon naman talaga ang iniisip ko kanina pa.

"Ako hindi ko naiisip kung Anong nangyari sa kanya. Pero ito!" Sabi nya sabay turo sa akin. "Malamang yon yung iniisip nya" Sabi ni Cheska habang tinataas baba ang kilay.

"Bakit ako?" Gulat kong tanong.

"Hindi nga ba? Birthday girl! " Nagulat ako sa nagsalita. Pagtingin ko si Trevor pala kasama si Megan. Megan? Cousin.

"Magkakilala kayo?" Nagtataka kong tanong sa dalawa. Agad naman silang nagkatinginan at tumawa. Sabay rin silang tumango.

"Kayo ba?" Agad namang tumawa si Cheska at Bryan. Problema nila?

"Ano ba yan?" Reklamo ni Cheska.
"Iniiba mo ang usapan Pagdating kay Matthew e." Dagdag pa ni Bryan. At narinig ko silang lahat na tumawa.

"Uulitin ko, hindi nga ba sya ang iniisip mo?" Napaisip ako bigla sa tanong ni Trevor.

"Oo! Syempre----" putol kong sabi.

"Umamin rin!" Matawa tawang usisa ni Megan. Tinignan ko naman sya ng "Pati ikaw?" Look pero tinaas lang nya ang dalawa nyang balikat at tumawa ulit. Geez!

Habang nagtatawanan kami, biglang sumulpot si Marian! Yung kasama ko sa school info. Class! Yung katabi ko sa kanan ba yon? Tapos sa kaliwa si Matthew.

"Scarlet! You Need to go in field" hingal nyang sabi.

Nagkatinginan naman kaming 5 at nagtaka.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Makikita mo rin! Bilis." Sabi nya at parang atat na atat pa! Kinakabahan tuloy aketch!

Agad naman kaming pumunta ng anim sa field, kasama si Marian kaya anim. Nang makapunta ako don. Tumambag sa akin ang daanan na puro petals ng flowers. Kaya sinundan ko yun hanggang makarating ako sa gitna mismo ng field at nakita ang isang malaking Screen at mini stage.

May umalalay naman saking mga lalaki para umakyat sa mini stage. Makikita mo sa Screen ang mukha ko! Teka! Ano bang paandar to? Nang mamatay ang screen unti unting lumabas ang isang babae sa likod ng stage.

"Mama!" I mouthed. Agad naman nya akong nilapitan at niyakap.

"Happy Birthday anak!" Sabi nya habang nakayakap parin sakin.

Hinarap ko sya sakin at kinapa kapa ang mukha! "Ma! Totoo ba to? Okay ka na! Kailan pa? Bakit Di ko alam!" Sa mga sunod sunod kong sinabi, natawa nalang si Mama at sa pagtawa nya, May lalaking lumabas. Sa hindi inaasahan! Pero si Papa ang lumabas.

Pumunta sya sakin, and like what Mama does, he hugged me too.

"I miss this hug" bulong ni Papa. Di mapigilan ng Luha kong tumulo. Namiss ko rin to!

"Papa!" Sabi ko habang maiyak iyak pa din.

"Happy Birthday Baby, and please Forgive me anak" sabi nya habang naiiyak narin. Ano ba yan? Ano bang teleserye to?

"Matagal ko na kayong pinatawad Papa. Thank you for coming back." Then he kissed my forehead.

"Ano po bang eksena to?" Tanong ko habang nakatingin kay Mama at Papa pero tumawa lang sila.

Maya maya pa ay nagplay ang favorite song ko. Yung Walang iba! Ka sabay ng pagplay ng kanta ay ang paglabas ng isang lalaki sa backstage. Nakasuot ng magarang Tuxedo. May dala dalang Bouquet of flowers. At unti unting lumapit sakin.

"Ang O.A kaya!" Matawa tawa kong sabi ng makalapit sya sakin.

"Wala akong magagawa! Kung favorite mo? Favorite ko narin." Sabi nya sabay hawak sa pisnge ko at halik sa noo ko.

"Anong eksena to Badboy?" Napatawa naman sya sa sinabi ko.

"I miss the way you call me Badboy. Happy Birthday !" Ang Shufo naman this boy. Sheyt ang init ng fess ko.

"Ano ba kasing paandar to?" Namumula kong tanong. Agad naman syang napatingin kay Mama at Papa. Ay! Ang dalawa kinikilig pa. Si Papa nag thumbs up naman kay Matthew.

















"Liligawan kita!" Simpleng Sagot nya.

Ako? Liligawan nya? OMG..... I'm in heaven.

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now