(16) Gusto kita

45 2 0
                                    

This Chapter is Dedicated by the story of queendaldalita~ It starts with a quiz

Scarlet's POV

"Class! Get 1/4 sheet of paper, we will have a quiz" Sabi ni Ma'am sabay sulat ng equation sa board.

May quiz -- Ano kamo? Quiz? Patay ako nito. Kasi naman habang nagtuturo si Ma'am ay nakalutaw lang ang isipan ko.
Wrong timing.

"Hindi ka nakinig noh?" Sabi ni Cheska sabay abot sa akin ng answer sheet. Aaminin ko, minsan tinatamad akong sumagot kaya si Cheska ang sumasagot. Yan ang Bespi ko.

"Ang boring kaya ng Math!" Reklamo ko. Syempre, habang nagtuturo si Ma'am Peralta ng Math, Hindi man lang nya napansin na halos bumaha na sa room dahil sa mga laway ng classmates ko. Halos isubsob na nila ang mga pagmumukha nila sa sahig.

"Pag-usapan natin yan mamaya!" Sabi ni Cheska na pinagtataka ko. Ang Ano? Anong itatanong nya.

"Ang ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam ko may bumubulabog dyan sa isip mo." Pinagsasabi nito? Nabo boring lang naman talaga ako sa tinuturo ni Ma'am Peralta. Bakit kasi naimbento pa ang Math? Eh hindi ka naman pwedeng bumili sa tindahan at sabihing "Pabili po ng lollipop square root √72 π13. Tssk. Math naman talaga.

Napangiti nalang ako ng natupad ang wish ko na sana mag bell na. That means Lunch na.

"Goodbye class" pagpapaalam ni Ma'am Peralta at nag-goodbye nalang rin kami.

Nabigla ako ng hilain ako ni Cheska.

"Tara sa canteen" sabay kaladkad sakin. Bespi.. Anshakit ..

"May mga paa ako. Di mo ako Kailangan kaladkarin." Pagrereklamo ko.

"Anong iniisip mo kanina?" Nakow! Lumabas ang pagkatsismosa ni Besh.

"Wala!" Diretsong sagot ko. Bigla naman syang nagtaka.

"Pwede ba yon?" Nagtatakang tanong nya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Alam ko namay iniisip ka kaya Di mo nagawang sagutin yong question sa Math kanina" pangangatwiran niya.

"Wala hah! Natutuwa lang ako kasi Close na close ni Ma'am Peralta yung Board natin. Hindi mo ba napansin, kanina pa sya kinakausap ni Ma'am" sabi ko sabay tawa. Pero pinanglakihan nya lang ako ng mata yung parang sinasabi na "Yung totoo".

Tinaas ko nalang ang kamay ko.
"Fine! You win" tapos ngumiti naman sya. "Iniisip ko lang naman yung gabi na nakita ko si Bryan sa hospital."

"Hindi ka pa naka move-on?" Kaya ayaw ko syang kwentuhan eh, Lagi nalang akong pinangungunahan.

Nag sigh nalang ako then I tapped my Forehead. "Hay! Diba nga sabi ko, may kakaiba sa kanya! Di mo rin ba napansin, na hindi na sya pumapasok simula nong nagkita kami.?" Slow kasi nya eh.

"Oo nga! Hindi ko na nakikita yung unggoy na yon." Maka unggoy ka naman Besh! Ang Ganda mo.

Habang naglalakad ako may nakabangga agad akong lalaki.

"Hindi naman masamang tumingin sa dinadaanan, subukan mo kaya" sabi ko habang pinupulot ang mga libro ko. Hasol!

"Besh alis na ako. May aasikasuhin lang ako. Kita tayo sa Garden mamaya." Langya! Asan pupunta to iniwan lang ako dito.

"Hoy bumalik ka dito" sigaw ko pero nakalayo na sya. Badtrip

"Kung Nakatingin ka sa dinadaanan mo, do you think! Mababangga mo ako? Hindi rin naman masamang ipatakbo ang common sense. Subukan mo kayang paganahin" Sabi nya sabay sipa ng isa pang libro.

"Hoy!" Sabay bato ko sa kanya ng libro at agad naman syang natamaan sa ulo.

"Problema mo?" Nang napatingin sya. Nanlaki ang mata ko.

"Matthew!" Gulat kong sabi. Problema nito. Parang nong game lang okay kami hah. Bipolar.

"Ngayon kalang ba nakakita ng Gwapo" Naks* lakas ng hangin.

"Kapal mo!" Sagot ko sabay ng paglapit nya sakin.

"Bakit? Hindi ba tot----" hindi na nya natuloy ang sinabi nya dahil sinipa ko yung kayamanan nya. Sarap noh! Umalis narin ako pero bago yun binigyan ko muna sya ng "Mamaya kalang sakin" look.

Nang Matapos ang eksena sa Canteen agad akong pumunta sa Garden para hanapin si Cheska.

Pero si Trevor ang inabutan ko don.

"Nakita mo ba si Cheska?" Tanong ko pero umiwas lang sya ng tingin.

"Hindi ko sya nakita." Agad na sagot nya habang Hindi parin nakatingin sakin

"Salamat" hindi narin ako makikipag-usap sa kanya kasi alam ko naman na nauutal pa yon dahil sa nangyari nong sabado.

"Scarlet!" Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede ba kitang makausap?" Usisa nya.

"Oo naman. Tungkol saan?" Sabi ko sabay upo sa tabi nya.



"Tungkol s-sana nong sa-sabado". Nauutal nyang sagot.



" Trev----"

"Sorry"- Trevor

" Ah! Hindi.... Okay lang yon." -ako



"Basta Sorry. Alam kong nailang ka non!" Sabi nya sabay iwas ng tingin sakin.



"Okay ka lang?" Tanong ko kasi parang sya ang kanina pa iwas ng iwas ng tingin sakin.



"Ahh... Oo.... Kasi ano.." Hindi ako sanay na ganyan umasta si Trevor sakin. Anong Problema nya?



"May gusto ka pang sabihin?" Tanong ko. At tumango naman siya.



"Kasi..... Ano..... Scarlet kasi......" -Trevor



"Alis na muna ako mamaya mo nalang ituloy." Paalis na sana ako kasi Bigla nyang hinila ang braso ko para pigilan ako at iharap sa kanya.



"Kasi totoo yung sinabi ko sayo." Na ano?

"Ano? Di ko gets" pangangatwiran ko. Pero bigla syang sumagot.













"Gusto kita!"

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now